Prologue

127 51 8
                                    

It's Rainy today, so naisipan kong wag nalang pumasok pero nakita ko si tanda sa sala kaya nagbago agad ang isip ko... Mapapagalitan na naman ako neto.

Habang papunta sa bus station may nakasalubong akong lalaki, well parang namumutla ata to. Di ba to pinakain sa kanila?


Naglakad ako papunta sa kinatatayuan nya at saka tinapik "Hoy! Okay ka lang ba?" tanong ko sa kanya kaya naman napatalon siya sa sobrang gulat.


"A-ah okay lang ako" ani pa niya kaya naman tumango-tango nalang ako at saka naglakad.


"T-teka may pagkain ka ba jan? Okay lang sakin yung pandesal"

Di pa ako nakalayo sa kinatatayuan nya ay bigla siyang nag-salita.


Seryoso ba tong lalaking to? Mukha namang mayaman pero... Urgh nevermind


Huminga ako ng malalim saka ko siya hinarap, kinuha ko ang lunchbox ko at binigay sa kanya.

"Oh! Ito lang ang meron ako, si tanda ang nagluto nyan kaya wag ka ng magtaka kong maalat yan or ano" ani ko pa...


Kinuha nya agad yung lunchbox, nag thumbs-up muna ako sa kanya bago ako nagpatuloy sa paglalakad...

The Mafia And The Assassins [OnGoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon