Chapter 1

109 43 13
                                    

Emiko's Yamada PoV:

"Late kana" bungad sakin ni Reiko...

Ang aga-aga manenermon na naman to, mas grabe pa to kay tanda... Parang manang kong makasermon sakin..

Ano ko siya long lost Mama? Tch.

"oh?!"

Napataas nalang ako ng kilay ng bigla siyang nagsalita ulit.. Bumuntong hininga ako saka ko inilapag ang bag ko sa lamesa at hinarap siya..

"Ano na naman ba problema mo Rei?" taas noo kong tanong..

Nakita kong humalakhak siya.

"Grabe ang maldita mo talaga Miko ha! Hahaha" ani nya, at lumapit sakin.

"Oh?! Ano na naman ba Rei?" inis kong ani sa kanya.

"Payakap naman sa leeg please" sabi nya, nagpuppy eyes pa ang depota.

"Wag mo nga akong inisin" inis kong sabi sa kanya saka ako umupo sa upuan ko.

Sakto namang dumating si miss aoki isa sa mga pinakaiinisan kong teacher.

Habang nasa kalagitnaan kami ng klase ay biglang may kumatok sa pintuan, kinuha agad nya ang atensyon ng buong klase.

"bakit ka late?"

Yan.. Yan yung pinaka-iinisan ko sa matandang dalaga na yan. Palibhasa walang nanliligaw kaya mainitin ang ulo.

"pasensya na po na sobrang traffic po kasi" paumanhin ng lalaki..

Teka may bagong estudyante?

Teka lang si... Si... Yuki!!!

Bakit siya nandito?!

Napatampal nalang ako sa noo ko, Sa dinami-daming eskwelahan, bakit dito pa siya pumasok sa school namin? Pot-

Teka lang... Napatingin ako kay haru, wala man lang ka rea-reaksyon ang kanyang mukha di man lang siya nagtaka kong bakit nandito si yuki or alam nyang dito talaga papasok si yuki...

Maayos kaming nag-uusap kagabi tapos... Ugh pambihira!!

Tiningnan ako ni yuki at ngumisi, ano na naman ba ang nasa utak netong lalaking to? Baliw ba to or ano?

Narinig kong bumuntong hininga si miss aoki bago nagsalita, "introduce yourself" maikling saad ni miss aoki.

"k... hmm My name is Yukine Sato and nice to meet you all" sabi nya habang tumitingin sakin.

"Miko kanina pa yan tumitingin yang yukine na yan sayo" bulong sakin ni rei, nahalata rin pala nya.

"ah talaga ba?" saad ko naman.

"na love at first sight ata yan sayo hahaha" bulong nya ulit sakin, tinignan ko siya ng masama at kinurot.

"Emiko and Reiko nakikinig ba kayong dalawa? Kanina ko pa kayo tinatawag..." galit na sigaw samin ni miss aoki.

Ano na naman ba ang problema ng matandang to?

"Hmm?" maikli kong sagot... Iwan ko ba kong may ba siya sakin or ganyan lang talaga siya trumato ng magaganda.

"pasaway ka talaga!" sigaw nya sakin, narinig ko namang humalakhak si rei.

Nasakin na ang atensyon ng buong klase, napakamot nalang ako ng ulo saka tumayo at tinaasan ng kilay.

"Ano nga sinasabi mo? Di ko narinig e, ano nga yun?" nagpipigil sa inis kong sabi.

"Wag na" maikli nyang sagot at nagpatuloy na sa pagtuturo.

Tinuyo agad? Kahit tutuyuin ka araw-araw wala pa ring manunuyo sayo kasi walang magkakagusto sayong nerd ka.

Narinig ko namang nagbubulongan na naman ang mga chismosa at chismoso kong mga kaklase... Tiningnan ko lang sila ng masama saka sila tumahimik.

L U N C H

"Miko tara na sa canteen, mauubusan na naman ako ng paborito kong sandwich" saad sakin ni ichika.

Nakita kong lumabas si yukine kaya naman pinauna ko nalang sila ni rei.

Sinundan ko si yukine, gusto ko siyang makausap tungkol dito!

Nakita ko siya sa may hallway kasama ang mga kaibigan nya, well di naman  bagong kaibigan sa pagkakaalam ko lang childhood friend nya yang mga yan.

"Yukine!" sigaw ko, kaya naman lumingon siya nakita ko din lumingon ang mga kaibigan nya.

" E-mi-ko... Emiko, miss mo ko?" ngiting ani nya.

"kapal naman ng mukha, pero gusto kitang makausap" diritsahang saad ko,

"ano yun?" tanong nya sakin.

"wag dito"

Nasa likod kami ng eskwelahan ngayon, mas gusto ko yung walang ka tao-tao para naman iwas chismis .

"Bakit kaba nandito?" tankng ko sa kanya.

Huminga muna siya ng malalim saka sumagot, "Hindi ba sinabi sayo ng kuya mo ang napag-usapan namin kagabi? Sabagay nag walk-out ka kaagad"

"Anong napag-usapan? Ano bang sinasabi mo ha!"

"Hays napag-usapan na ng pamilya natin na dapat parehas tayo ng pinapasokang eskwelahan, at tsaka hindi ko naman talaga gustong magtransfere kaso hindi ko maayawan sina mom and dad" paliwanag nya sakin, okay naintindihan ko na ang sitwasyon nya.

"Okay ganito nalang, wag kang lalapit sakin hanggang matapos tong school year na to at wala kang pagsasabihan tungkol sa relasyon ng pamilya natin, maliwanag ba?" sabi ko, "At ayoko ding may nakakaalam ng sekreto natin" dugtong ko pa.

Tumango naman siya kaya naman tinapik-tapik ko ang likod nya saka umalis.

Papunta ako ngayon sa canteen, kunting minuto nalang ay tapos na ang lunch namin kailangan ko ng kumain nagugutom na rin ako.

"Miko san kaba nanggaling?" tanong sakin ni rei.

"hmm, nag-cr lang ako" sagot ko saka ako umupo sa upuan.

"nag-cr? 20 minutes? Seryoso kaba?" -rei

"wag mo ngang inisin si miko, ito miks may isa pa akong sandwich dito baka gusto mo" sabi ni ichika.

Kinuha ko nalang ang binigay ni ichika sakin saka ko kinain.

"Nandito na pala fiance mo miks" sabi ni ichika kaya naman napatingin ako sa kanya at nilakihan ng mata.

"Huh?ichika anong pinagsasabi mong fiance? Teka may alam ka ba na hindi ko alam? Anong pinagsasabi neto miko?" nagtatakang tanong sakin ni rei.

Bumuntong hininga ako saka ko sinagot ang kanyang tanong " i have fiance, and nandito siya sa school natin pumapasok"

"Bakit si ichika lang ang may alam tungkol dito? Di mo ba ako bestfriend?" nag-iinarteng sabi nya.

Cringe...

"Ahmm, ichika is my cousin" maikli kong sagot.

ichika and i are cousins ​​on my dad's side.

"O-M-G, what the-?! seriously? Prinaprank nyo ba ako, galing naman ng prank nyo medyo halata" sabi nya habang tumatawa, while kami ni ichika ay seryoso ang mukha.

Nakita nyang seryoso kami kaya naman tumahimik siya.

"Oky,,, Who is your fiance?" tanong niya sakin.

Nagchat ako sa kanya at tinignan siya, nakita kong nagulat siya napatakip nalang siya ng bibig saka niya ako tinignan...

The Mafia And The Assassins [OnGoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon