Chapter 19

11 8 0
                                    

Emiko's PoV

"Get one whole sheet of paper"

Nagising nalang ang diwa ko ng biglang nagsalita sa prof, Wala sa isip ko ang Test ngayon.

Narinig ko ring nagrereklamo ang iba kong kamag-aral.

Napakamot nalang ako ng ulo at kinuha ang papel ko na nasa bag ko. Nakakaantok ang araw na to!

"Miksy ko pahingi nga ng isa please" sabi ni ichika, nagkasalubong ang kilay ko at tinignan siya. Nagpuppy eyes naman siya habang nakapuot. Mayaman siya pero walang pambili ng papel pambihirang babaeng to!

Binigyan ko siya ng isa, masaya naman nyang kinuha ang papel, tch! Parang bata!

Tahimik lang kaming magte-test ng bigla akong may napansing kakaiba kaya naman lumingon-lingon ako. Nakita kong nangungupya si Yuki kay matt, napataas nalang ako ng kilay. Bakit di pa sila nahahalata ni prof? Magaling din tong mga mukong na to ah!

Hays! Sa wakas na tapos na rin!

"Pass your papers to your class president" sabi pa ni prof, kaya naman nagsitayuan ang aking mga kaklase at pumunta sa akin para ipasa ang kanilang mga papel.

"Emiko just put that in my office" sabi pa ni prof kaya tumango-tango na lamang ako.

"Miko samahan na kita" prisenta ni rei.

Naglalakad kami ngayon patungo sa office ni prof. Pumasok kami at saka inilagay ang mga papel sa lamesa niya at saka lumabas.

Lunch na rin kaya naman dumiritso kami sa cafeteria, nakita kong nasa upuan na namin sina Ichika at Akemi pati na rin sina matt at yuki, teka bakit sila nanjan?! Ang laki-laki ng cafeteria!

Napansin niya kami kaya naman kumaway siya sa amin at sinamaan ko naman siya ng tingin. Ano na naman ang trip ng lalaking to?! Naiinis na ako sa kanya!

Pumunta agad kami ni rei sa table namin, umupo ako at tinitigan siya. "Easy lang emiko. Ano ba yan parang papatay ka naman ng tao" sabi pa ni matt kaya naman binaling ko ang tingin ko sa kanya at sinamaan siya ng tingin. "sabi ko nga aalis na ako, tara na pre baka kakatayin ako niyan"

"Dito lang ako maganda dito kasi nasa likod nila yung malaking glass at tsaka nakakarelax panoorin ang mga ibong lumilipad at magandang kalangitan" sabi ni yuki.

"Gusto mo bang makapunta agad sa langit?" tanong ko sa kanya.

"halika na pre ayokong pumunta ka sa langit kasi di ka naman nababagay dun" pabirong sabi ni matt kay yuki at hinila ang kamay nito.

Tumawa naman sila ichika at akemi, si rei naman ay seryoso pa rin ang kanyang mukha.

"Pabayaan mo na sila miko, malaki-laki din naman tong table natin" saad ni rei, bumuntong hininga nalang ako at pinabayaan sila. Umupo naman ulit si Matt sa kinauupuan niya kanina.

"Order muna ako ng pagkain, Rei and miks ano ang gusto nyo?" tanong sakin ni ichika.

"Pasta lang sakin" sagot ko.

"Sakin Salad nalang, medyo busog pa kasi ako" sagot naman ni reiko.

Tumango-tango si ichika at tumayo "Teka lang ichika samahan na kita" ani ba ni akemi, tumayo si akemi at sinamahan si ichika.

"Pre ano gusto mo?" tanong ni matt kay yuki.

"Wala kumain na kasi ako kanina" sagot ni yuki.

"Bakit ka pa umupo dito kong busog ka naman?" inis na tanong ko sa kanya, nakatingin pa rin siya sa labas.

Bumuntong hininga siya at sumagot "Gusto ko ngang tumingin sa langit diba? Bingi ka ba?" sagot naman niya, kaya babatukan ko na sana siya ng bigla siyang umilag.

"Ops.. Ops.. Ops.. Alam ko na ang galawang emiko" sabi pa niya, at tumawa naman si matt.

"Galing mo talaga pre, bilib na ako sayo" papuri ni matt sa kanya.

"Sos ako pa— Aray!!"

Yun!!! Hahaha nice one rei!

"Hindi mo pa alam ang galawang reiko kaya mag-ingat ka" seryosong sabi ni rei kay yuki.

"Makakaganti din ako sayong matanda ka" sabi ni yuki habang hinihimas ang kanyang ulo. So napalakas pala ni rei ang pagkakabatok.

"anong sinabi mo?" inis na sabi ni rei saka tumayo.

"Sabi ko matan—"

"S-sabi ni yuki maganda" -Matt

"Ayos-ayosin mo pananalita mo unggoy ka ha" sabi ni rei at saka bumalik sa pagkakaupo.

"Tama na yang away nyo, kain muna tayo rei, miksy" hindi ko namalayan na nandito na sina ichika, bilis naman nila!

Inilagay na nila ang pagkain naman sa lamesa. Nagsimula na kaming kumain ng may biglang tumawag sakin kaya tumahl ako at tinignan ko kong sino ito.

Si mommy....

"Miko san ka pupunta?" tanong ni rei.

"May tumawag sasagutin ko lang to" Sabi ko pa, at nagsimula ng maglakad palayo sa table namin.

"Hello?"

[go to the mansion tonight at 6 pm, We have a visitor so don't be late]  she said coldly.

"Okay po"

*tototot* *tototot*

Bihira lang tumawag sakin si mommy simula nung pinaalis niya ako sa mansyon, tatawag lang siya kapag may bisita o di kaya tungkol sa kumpanya. Kapag bibisita naman si lolo ay dun na niya ako papansinin, hindi alam ni lolo ang nangyari sa pagitan naming mag-ina. Si daddy at si kuya lang ang nakakaalam tsaka sina ichika at rei pati na rin ang mga kasambahay namin sa mansyon.

Huminga ako ng malalim at saka bumalik sa table namin.

Nang makabalik ako ay agad namang tumingin sakin sina rei at ichika kaya tinaasan ko sila ng kilay "Sino yung tumawag?" tanong sakin ni rei.

Bumuntong hininga ako bago umupo, "si mommy" maikling sagot ko kaya naman tumingin agad sakin sina rei, ichika at yuki pati na rin sina akemi at matt na may halong curiosity.

"Anong sabi?" tanong ni rei sakin.

"papapuntahin ako sa mansyon mamayang alas 6 ng gabi" sagot ko.

"Bakit raw?" tanong ni ichika.

"May bisita raw" sagot ko naman kay ichika.

"Yan din sabi ni dad sakin kanina, punta raw ako sa mansyon niyo mamaya" saad ni yuki.

"Teka lang di ko gets, akala ko nasa mansyon nyo ikaw nakatira emiko" naguguluhang sabi ni akemi.

"Sa totoo lang hindi naman ako sa mansyon nakatira, sa kuya ko ako nakatira" paliwanag ko naman

"Ah kaya pala nung sinabi ni nicole na tinakwil ka ay totoo pala, akala ko joke joke lang yun" sabi ng chismosong matt.

"Hindi ako tinakwil no, may alitan lang" inis na sabi ko.

So kumalat pala ang balita, Ay teka... Kakalat naman talaga kasi madaming chismoso at chismosa dito sa school na to.


The Mafia And The Assassins [OnGoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon