Chapter 15- My Fault?

17 10 0
                                    

Emiko's PoV

Ngayon ay araw ng panenermon, pinapapunta ngayon si kuya sa School dahil nga sa nangyari kahapon...

Kung di sana to sinimulang ng bwesit na bruha na yun hindi sana ako sesermonan ni tanda!

Nasa kotse ako ng kuya ko ngayon tahimik lang ang buong byahe hindi ako nagsalita at hindi rin siya nagsalita...

Nang makarating kami sa school ay agad niyang pinarking ang kanyang sasakyan sa parking lot, lumabas naman agad ako sa kotse niya. Nang makalabas siya sa kotse niya ay nagsimula ng magbulong-bulongan ang mga tao.

"Hala sino yan?"

"Hindi ko nga rin alam pero kasama niya si emiko"

"Baka kuya yan ni emiko"

"ang gwapo naman ng kuya niya!"

"oo nga no"

"Alam nyo bang nag-away sina nicole at emiko?"

"Oo narinig ko nga yan sa kaibigan kong nasa section A"

*Mur* *Mur* *Mur*

Bumuntong hininga naman ako nakasalubong ko sina ichika at akemi nakita ko ang lungkot sa kanilang mga mukha at lumapit sila sakin.

"Hays naiinis na talaga ako sa nicole na yan miksy kooo" kamot-ulong sabi ni ichika at pinagkruss ang kanyang dalawang kamay.

"pagpasensyahan mo na ang step-sister ko emiko, ako nalang ang humihingi ng pasensya" sincered na sabi sakin ni akemi.

"Aish! Pabayaan nyo na nangyari na e" natatawang sabi ko.

"are you done chatting with your friends emiko?" inis na sabi sakin ni kuya.

Nagsenyas ako kina ichika at akemi na aalis na ako tumango-tango naman ang dalawa.

Nang makarating kami sa dean's office ay nakita kong nandito na pala si Reiko at ang kuya nya pati na rin si nicole at ang nanay niya.

Umupo naman kami sa upuan namin, narinig kong bumuntong hininga muna ang nanay ni nicole "Why are you calling us dean?" seryosong tanong niya kay dean.

"I am calling you all because of the quarrel between your daughter and their sister" diritsahang sabi ni dean.

"So?" tinignan kami ng masama ng nany ni nicole, tsk like mother like daughter... Mag-ina nga sila!

"Mommy tinawag ka pong kabet ng babaeng yan" sabi ni nicole habang nakayuko.

"What?! How dare you to say that to me!!" inis na sigaw ng mama ni nicole.

"E sinabihan nya nga rin ako na tinakwil raw ako ng mommy ko" mahinahon kong tanong.

"Baka totoo naman talaga ang sinabi ng anak ko na tinakwil ka ng nanay mo! E palibhasa mukha ka namang pasaway!" inis na sabi sakin

"Ikaw nga kabet feeling asawa na" mahinang sabi ni reiko.

"Anong sinabi mo?!" galit na pumunta ang ina ni nicole sa kinauupuan ni reiko.

"Ang sabi ko ikaw nga kabet feeling asawa na"

Ay pota inulit pa!!

"Abay bastos kang bata ka!" akmang sasampalin niya si reiko ng biglang nagsalita si raiko.

"Mam Wag na wag nyo pong ididikit ang kamay nyo sa mukha ng kapatid ko" seryosong sabi ni raiko sa ina ni nicole..

"ang bastos ng kapatid mo! Hindi mo ba yan tinuruan ng tamang asal?!"

"Mam calmdown" mahinahong sabi ni dean.

Huminga naman ng malalim ang ina ni nicole bago bumalik sa kanyang pwesto.

"what will be their punishment?" tanong ni kuya.

"what they did wasn't too bad, I also know that it was just a girl's fight but what they did tarnished the reputation of section A, I decided that their punishment would clean up the whole school within a week" sabi pa ni dean.

What?!!!

"are you serious dean?" tanong ni raiko.

"yes, the whole school is not too dirty. Papawalisin ko lang naman sila" sagot naman ni dean. Magwawalis lang naman pala e! So easy!

"para saan ang pagpapatawag nyo sa kuya namin kong ganyan lang pala ang ipapagawa nyo samin?" inis na tanong ni reiko kay dean.

Napakamot nalang ako ng ulo dahil sa iniasta ni reiko kay dean, lumabas na naman ang kanyang pagiging maldita.

"I want emiko to apologize to nicole's mother, and nicole apologize to emiko's older brother since her mother is not here, and you reiko apologize to your brother for being reprimanded" sabi pa ni dean

*Sigh*

Nauna akong humingi ng tawad sa mama ni nicole, pagkatapos si nicole ay humingi din ng tawad sa kuya ko alam kong hindi siya sincered pero okay lang para di na lumaki ang gulo.

Napiliting humingi ng tawad si rei sa kuya niya hindi siya makatingin ng maayos sa kuya, alam kong nahihiya niya kasi first time niyang humingi ng tawad sa harap ng tao.

Magkatapos humingi ng tawad ni reiko sa kuya niya ay agad namang umalis ang ina ni nicole na walang pahintulot, bastos din siya!

Nagpaalam muna si kuya kay dean bago siya lumabas sinundan ko naman si kuya, huminto sa paglalakad si kuya at humarap sakin.

Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita "Bakit mo yun sinabi?" tanong sakin ni kuya.

"Ang alin?" tanong ko pabalik sa kanya.

"Yung kabet, alam mo ba ang pamilya ng Dellei Ay isa sa mga founding members ng kompanya natin? paano pagnalaman to ni daddy? Ni mommy? Ano nalang ang sasabihin mo sa kanila?! Alam mo bang malaki na ang tiwala sayo ni daddy ngayon ha! Emiko! Akala niya na seseryosohin mo na ang pag-aaral mo! Oo pinayagan ka niyang pasalihin sa organisasyon pero yung pag-aaral mo wag mong idadamay!" inis na sigaw sakin ni kuya.

Napayuko nalang ako, hindi ko alam kong ano ang sasabihin ko!

"wag mong kalimutan na nagpromise ka sa harapan niya nung mga araw na yun! Kinalimutan mo ba talaga? Or sinabi mo lang yun para di ka mapagalitan ni daddy-"

"Bakit parang kasalanan ko pa?" naiiyak kong sabi..

"Hindi ko naman sinabi na kasalanan mo, ang tanga mo lang kasi sa part na pinatulan mo pa ang anak ni mrs.Dellei" sabi pa niya.

"Edi tanga na kung tanga!" inis na sigaw ko.

Nakita kong marami ng nakating sa amin, animo'y nagtataka sila kong ano ang nangyari, narinig kong bumuntong hininga si kuya...

"Let's talk about it later, Susunduin kita mamaya alam kong di mo dala ang sasakyan mo" sabi pa niya.

Lumapit siya sa akin and he patted my head.

"I'm sorry" paumanhin niya saka niya ako tinalikuran.


The Mafia And The Assassins [OnGoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon