Chapter 28-Jinho & Jihoo

9 6 0
                                    

Emiko's PoV


Pupunta raw kami ngayon sa bahay nila jinho at jihoo, medyo excited na kinakabahan ako.


"Malapit na tayo" saad ni kuya sa akin, nakasunod lang sa amin sina raiko, haru, yuki at iba pa naming kasamahan.


Medyo mahaba-haba rin ang byahe namin, i think mga kalahating oras na kaming bumabyahe dahil medyo malayo raw ang bahay nila.


Nang makarating kami sa kinaruruunan namin ay bumungad sa amin ang napakalaking gate, napahanga nalang ako dahil sa laki ng gate nila mas malaki pa ito kumpara sa gate ng mansyon namin.


Binuksan kaagad ng body guard nila ang malaking gate, Nakikita ko rin dito sa bintana ang napakaraming guard. Ganito pala kayaman ang yung jinho at jihoo na yun no? Makikita rin dito ang ibat-ibang klase ng mga sasakyan.


Huminto ang sasakyan ni kuya kaya naman nauna akong lumabas sumunod naman si kuya sa akin.


Pagkalabas ko palang ay bumungad na sa amin ang napakalaking mansyon, sa sobrang laki titingala pa ako sa itaas para lang makita ang tuktok neto.



Papasok na sana kami ng hinarangan kami ng kanilang bantay "Code" sabi pa neto.


"85504" sabi ni katana. Kaya naman pinapasok na kami, nakahinga naman ako ng maluwag akala ko di kami papapasokin.


Pag pasok palang namin ay sobrang laki na ng kanilang sala, marami ring guards ang nakabantay.


Pinaupo kami ng kanilang guard sa malaking sofa at antayin nalang naming bumaba si jinho. Tumambad samin ang napakalaking Chandelier.


Ilang minuto ang lumipas ay bumaba na ang sinasabing jinho, naka tuxedo ito at inaayos ang kanyang relo at tumingin sa amin. Nagulat nalang ako dahil ang sinasabi nilang jinho ay si keisuke.


"Sorry if i'm late, ginigising ko pa si jihoo but she was still asleep" sabi pa neto. Nakita kong nagulat din sina yuki at Haru, hindi naman din ako makapaniwala na ang kaklase kong si keisuke ay isa palang mayaman na tao akala ko kamag-anak lang nya yun.


Kaya pala nung una kong makita si keisuke ay agad na nakuha ng aking atensyon ang kanyang apelyido.


"it's okay" saad naman ni kuya.


"Hiro Who is our guest?"


Napatingala kami sa itaas ng biglang may nagsalita, nakasuot ito ng peach na pajama at peach naman na t shirt at Medyo malaki-laki din ang kanyang hinaharap napatingin nalang ako sakin, unfair naman ng mundo!! Hindi ko maaninag ang kanyang mukha dahil medyo madilim sa kinatatayuan nya

Bumaba naman ito na nakapaa lang, pagkatingin ko sa mukha niya ay hindi ako makapaniwalang si seoha pala ang babaeng yun?!


"Fuck Ryuu! Why are you still wearing that?! I'm Sorry pwede nyo ba akong bigyan ng sampung minuto?" tanong niya sa amin, tumango naman si kuya.


Hinila niya si seoha patungo sa kwarto neto. Bigla namang nagsalita si haru "Hindi na ako magugulat pa na si jihoo at seoha ay iisa" sabi pa neto.



Tinignan ko naman siya, so alam pala niya na si seoha ay si jihoo?! Bakit hindi niya sinabi sa amin?! "weh di nga?" sabi naman ni yuki.


Binatukan ko naman si yuki dahil nandito na naman tayo sa mga walang kwenta niyang biro.


Kaya pala nung sinabi ni alex na mahirap kalabanin si seoha dahil alam nyang si seoha ay assassin?


Bumaba na sila seoha at keisuke, nakasuot ito ng red silk dress at naka 4 inches red heels. Para siyang model kung tignan ang kanyang bewang ay medyo maliit tapos hindi rin siya nakasuot ng salamin, mukhang hindi si natasha ang mananalo ngayong taon.


"i'm sorry" patawad niya sa amin.


Umupo si seoha sa isang red single couch, si keisuke naman ay umupo sa harap namin.



nagdala ng isang wine at wine glass ang isa sa mga body guard nila at ibinigay to kay seoha este ka jihoo.


"So why are you here?" she asked while driking her wine.



Ibang seoha ang nakikita ko ngayon, hindi siya yung seoha na tahimik at nerd.


"Hindi ba nasabi sayo ni jinho?" tanong ni sebastian sa kanya, narinig kong bumuntong hininga siya.


"Hmm oww i almost forgot! I still don't agree with your decision or you and jinho have an agreement, well katana you know the rules of assassination don't you?" she grinned.


"Rules? Anong rules?" nagtatakang tanong ko at Binaling niya ang kanyang tingin sa akin.



"Oww hi miss president,  thank you for defending me at school but do you know what annoys me the most? The one who will answer the conversation even if he or she is not really the one I am asking, so when I speak and you are not the one I am talking to or I am asking you, don't  speak. Is everything clear"  mahinahon niyang sabi sa akin kaya naman hindi nalang ako nagsalita. Kinabahan ako sa mga inaakto ibang-iba talaga siya kumpara sa seoha na nakilala ko.


"Ryuu Don't talk like that to our guest" suway sa kanya ni keisuke, she rolled her eyes.


"Anyways, It's really okay for me to work with you because this is our last mission. after this mission we will leave the assassination" sabi pa niya.



"So kailan tayo magsisimulang mag-imbistiga kong saan ang hide out ng mga kalaban?" kuya asked.



"Hmm napag-isipan na namin yan ni jihoo pati na rin ang mga plano pero hindi namin alam kung gagana ba ang plano namin" sagot ni jinho.



Ano kaya ang plano nila? Magsasalita na sana ako ng masagi sa isipan ko ang sinabi ni seoha kanina. "You can talk, I know you're too eager to ask" she said coldly.


Bumuntong hininga ako at nagsalita "Ano ba ang plano nyo?" tanong ko sa kanila.



"when we found out that in st. fuji pala nag-aaral yung kapatid ni hmm ipapangalan nating si toby" sabi ni jinho.



Hmm sino kaya ang kapatid ni toby? Naaatat na naman akong magtanong.



Magtatanong na sana ako ulit ng biglang nagsalita si jihoo "Toby's sister will be our bait" So babae pala ang kapatid ni toby?! Pakaramdam ako ng awa dahil sa babae, hindi niya naman ata alam na ang kanyang kuya ay isa sa mga pinakadelikadong tao sa industriya ng organisasyon.


The Mafia And The Assassins [OnGoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon