Chapter 18-Reiki

12 8 0
                                    

Emiko's PoV

Pupunta ako ngayon sa mall para mag-grocery, empty na kasi ref ni kuya so napag-isip-isipan kong mag-grocery. Sobrang dami ng tao ngayon dito sa mall hindi ko alam kong ano ang event ng mall.

Papasok na sana ako sa grocery store ng may nakasalubong akong bata, parang nawawala siya kaya naman nilapitan ko. "Hi" sabi ko sa kanya kaya naman tinignan niya ako, ang cute naman niya!

"Did you see my kuya? He said he would buy ice cream for me. Ang tagal niya kasing bumalik so i decided to look for him but i think i lost" he said, sa pagkakaalam ko Nasa 5-6 yrs old siya.

"Gusto mo bang hanapin natin siya?" i asked.

Maaga pa naman, 5 Pm pa ng hapon kaya Meron pang oras para hanapin ang kuya niya

Tumango-tango naman siya kaya naman hinawakan ko ang kamay niya, bago kami nagsimulang maglakad ay nagtanong muna ako kong ano ang pangalan niya at ang sagot naman niya ay "my Name is Reiki" he said, well medyo kapangalan niya si rei but ki lang yung last ng name niya kay rei kasi Ko yung last ng name niya.

Nilibot namin ang buong play ground but di pa rin nahanap ang kuya niya, kaya naman pumunta kami sa food court. Nagtingin-tingin muna kami ng pagkain, baka may magustuhan siya pero ang sabi lang niya gusto niya ng ice cream kaya naman pumunta kami sa ice cream shop. Malaki-laki din ang shop na to!

"Reiki ano ang gusto mong flavor?" tanong ko sa kanya.

" I want Black walnut!" masiglang sabi niya sakin. Urgh! Ang sarap niya pisilin!

"Hmm isang Black walnut and isang chocolate fudge nga miss" sabi ko.

"Okay po Mam, Mag-antay nalang po kayo jan" sabi ng babae, kaya umupo kami sa tabi ng may fountain.

Lumingon-lingon muna ako baka sakaling makita ko ang kuya niya pero di ko naman alam kong ano ang itsura ng kuya niya, kaya naman tinignan ko ang mukha ni reiki, gwapong bata si reiki so gwapo din ang kuya niya.

Nakita kong naglakad na papalapit sa amin ang babae at ibinigay ang ice cream. Dali-dali naman niyang kinuha ang ice cream niya.

Tumingin ako sa labas ng shop, ng bigla siyang nagsalita "Ate what is your name?" he asked.

"Ah my name is emiko" sagot ko naman.

"Are you japanese? Because your name is japanese" he asked again. Kaya naman nilingon ko siya, ang kanyang mukha ay nabalutan na ng ice cream kaya naman kinuha ko ang tissue at pinunas ko sa mukha niya.

"I am half japanese, my dad is japanese and my mom is pure filipina" i said while wiping his face.

"Me too!" sabi pa niya at inisa ang kanyang dalawang kamay at tumawa ng mahina.

"did you know what emiko means?" i asked again, nakita kong nag-isip-isip siya.

"I don't know, what is the meaning of emiko?" he asked

"Ang meaning ng emiko ay blessed" sagot ko pa sa kanya. Pero parang di naman pinagpala, ang nakikita lang sakin ni mommy ay sakit sa ulo.

"what is the meaning of reiki?" he asked again.

"I don't know"

"how did you know the meaning of your name?" pout niyang sabi.

"Si daddy ko kasi ang nagsabi niyan" sagot ko pa at tumango-tango siya.

Ilang minuto ang lumipas ay naubos na niya ang kanyang ice cream samantalang ako ay hindi pa nakakalahati.

Tumayo siya at pumunta sakinat hinawakan ang aking kamay "Tara na hanapin na natin kuya ko" sabi pa niya. Tinanguan ko na lamang siya at tumayo.

Kalahating oras na nakakalipas pero di pa rin namin mahanap ang kuya niya, kahit sa banyo wala kaya naman bumalik kami sa play ground, umupo ako sa upuan ng play ground at tinignan ang mga batang naglalaro si reiki naman ay nag behave lang.

"Kuya!" sigaw niya at bigla nalang siyang tumakbo papunta sa kuya niya kaya naman tinignan ko kung sino ito.

"reiki! saan kaba pumunta? kanina pa kita hinahanap— owh What a coincidence" raiko said, so kaya pala reiki ang pangalan niya kasi magkapatid pala sila. Ito pala ang sinabi ni rei na may kapatid siyang lalaki pero bakit nandito siya? Ang sabi kasi ni rei na nasa lolo at lola ang kapatid niya.

Bat parang favorite line niya yung "What a coincidence"?

"Ate Emiko helped me find you, tagal mo kasing bumalik so I looked for you but I realized I was missing. Ate Emiko found me at the grocery store so she helped me find you" reiki said habang nakahawak sa kamay ni raiko, parang mag-ama sila kong titignan..

"Ah ganun ba? Do you want to eat at resto? My treat" he looked at me.

"No thank you nandito lang naman ako para mag-grocery at pagkapos neto uuwi na ako" sabi ko pa, ngumite muna at saka umalis.

"Emiko wait!" sigaw niya kaya naman lumingon agad ako at tinaasan siya ng kilay.

Naglakad siya patungo sa kinatatayuan ko "Tulungan na kitang mag-grocery, Pasasalamat ko na rin ito sa pag-alaga mo ka kapatid ko" sabi pa niya, bumuntong hininga ako saka tumango.

Di pa kami nag-simulang maglakad ng biglang nagsalita si reiki "Kuya buhatin mo ako, I feel sleepy" he said, kaya naman binuhat siya ni raiko.

Nang makarating kami sa grocery store ay pumasok agad ako, kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang notes.

Kalahating oras na rin ang lumipas kaya chineck ko kung nandito na ba lahat ng binili ko. "hmm ano pa kaya ang kulang?" bulong ko sa aking sarili.

"Ano pa ba ang bibilhin mo?" tanong sakin ni raiko.

"Hmm wala na tara na" sagot ko pa at nagmadaling pumunta sa counter area.

Inilagay na namin lahat sa counter lang lahat ng binili ko, bigla namang nagsalita ang babae "Ang cute naman ng anak nyo mam" sabi pa niya, kaya naman napa ubo ako ng di sa oras.

"Hindi ko po yan anak, Kapatid po niya yan" sabi ko pa kaya naman humingi siya ng sorry, mukha na ba akong nanay?

Nang makalabas kami sa grocery store ay nagyaya si raiko na siya na raw ang maghahatid sa akin pero tinanggihan ko kasi paparating na rin ang driver ko. Nakita ko ding nakatulog na si reiki.


The Mafia And The Assassins [OnGoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon