Chapter 21

9 6 0
                                    

Emiko's PoV

Nagsiupo na ang mga bisita sa upuan nila, nandito na rin ang lahat. Si kuya, si yuki ako at haru pati na rin si ichika, hindi ko lubos maisip na inimbita ni mommy si ichika.

"mama isn't here yet so we'll start the meeting later" mommy said.

Nagulat ako ng biglang sinabi ni mommy na pupunta dito si Mama. Hindi maganda ang relasyon namin ni Mama lalo na sa pagtanggi ko sa fix marriage.
[Mama- Elizabeth's mom/Emiko's lola]

Natatakot akong makita si Mama! Natatakot ako! Gusto ko ng umalis dito! Ayokong makita si Mama! Hindi ako mapakali.

Tumayo ako ng biglang may humarang sa daan ko, Pabango palang niya alam na alam ko kung sino siya. Hindi ako makatingin sa mata nya ng maayos, hindi ako makagalaw! Takot ako sa kanya! Ayoko siyang makita!

"Where the hell are you going Emiko"

Fuck!!!

"ahmm Mama! How are you?" tanong ni kuya, tinignan ko siya at nagsenyas na umupo ulit.

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa ginawa ni kuya. At umupo muli.

"always fine" sabi pa niya.

"mama is already here, so we're going to start the meeting" dad said

"So, may gaganaping malaking event sa boracay, Lahat ng business partners natin ay dadalo lalong-lalo na ang ating head mistress na si mrs. victoria" sabi pa ng secretary.

Miss victoria? Diba kapatid yan ni mommy? Si tita victoria? So pupunta din pala si tita victoria sa boracay.

Ang buong atensyon ko ay nakay secretary kimberly. Ano kaya ang sinasabi nilang malaking event?

"May mga special guest tayo, isa na riyon ang limang pinakamalaking kumpanya sa buong mundo, nangunguna na rito ang Youko Company, pangalawa ang Hayame , pangatlo ang Ferrero, pang-apat ay Bianchi at panghuli ang Park Company. Lahat ng mga sikat na companya sa pilipinas ay dadalo so madami ding bodyguards ang nakabantay sa loob at labas ng Event area pati na rin sa likod neto dahil ang limang binanggit kong companya kanina ay merong mga pinakaimportanteng tao lalong-lalo na ang mga apo ni mr. Youko" dugtong pa ni secretary kimberly.

Gaano ba ka importante ang mga apo ni mr. Youko? Bakit parang medyo mahigpit ang siguridad ng event area?

"kailan ba sisimulan ang event na yan?" tanong ng isa sa mga lawyer namin.

"Ngayong darating na sabado at linggo" sagot naman ni secretary kimberly.

Ilang minuto na rin ang nakakalipas simula nung nagsimula ang meeting, nilaro-laro ko lang ang pagkain ko. Nakakabored naman! Hindi ko na maintindihan ang mga pinagsasabi nila, inaantok na rin ako.

Nabaling ang tingin ko kay ichika, malungkot siya ngayon parang di siya mapakali. May problema ba siya? Nag-aalala tuloy ako sa kanya. Gusto kong puntahan siya sa kinauupuan nya at sabihin na "Okay ka lang ba?", "Masama ba pakiramdam mo?". Pero di ko magawa! Nandito si mama, natatakot nga akong tumingin kay mama.

Isang oras na ang lumipas malapit ng matapos ang meeting na to, gusto ko ng umuwi at dumiritso sa kwato at magpahinga, feel ko ang bigat ng pakiramdam ko.

Hays natapos na rin ang meeting!  "That's all for today, pero di pa rin sumagot si mr. Youko sa inamail ko kagabi. Hindi pa rin sure kung sa sabado at linggo ba ang event or sa susunod na sabado't linggo pa gaganapin ang event" sabi pa ni secretary kimberly.

Sana sa susunod nalang na linggo or di kaya sana di nalang matuloy, medyo kinakabahan ako sa event na yan. Di ko nga alam kong anong klaseng event e.

"Ichika Can we talk?"

Napatingin agad ako kay mama ng bigla niyang nilapitan at tinanong si ichika, nanlaki agad ang mata ko. Ano kaya ang sasabihin ni mama kay ichika? Kinakabahan ako na may halong kuryusidad.

"Mama! No please... I think kailangan pa ni ichika ng panahon para makapag isip-isip" saad ni dad.

"okay lang po ako tito" ichika said.

Sumunod si ichika kay Mama patungo sa veranda, ako naman tong si chismosa sumunod pa!

Nasa gilid ako ngayon ng pinto ng veranda namin sumilip ako kunti para di ako masyadong makita. Pero medyo madilin naman dito banda kaya naman hindi talaga ako makikita ni Mama, inilagay Ng yaya namin ang Dalawang wine glass at isang Beaune wine isa sa mga pinakapaboritong wine ni Mama.

Nagsalin si Mama ng isang basong wine at ibinigay kay ichika, nakita kong tumangi si ichika. Hindi ko marinig ang pinag-usapan nila kailangan ko atang mas Lumapit sa kanila. Dahil sa kuryusidad ko mas lumapit ako at pumunta sa may malalaking halaman at nagtago, mukha na akong si aling marites neto!

"Ano po ba ang pag-uusapan natin Mama?" tanong ni ichika.

Lumanghap muna ng sariwang hangin si Mama bago siya nagsalita, mukhang importante ata ang pag-uusapan nila! "Tungkol ito sainyo ni yuki"

Hindi na ako nagulat pa, alam ko ang tungkol sa kanila ni yuki. Alam ko rin ang mararamdaman ni ichika kaya nga ayokong may makakaalam sa kong ano ang relasyon namin nila ichika at yuki dahil alam kong may masamang mangyayari.

Hindi nagsalita si ichika, at yumuko na lamang ito. Nakita ko ang seryosong mukha ni Mama kapag seryoso ang mukha ni Mama mas lalong natatakot ako sa kanya!

"may komonekasyon pa ba kayong dalawa?" tanong ni Mama habang dahan-dahang iniinom ang Wine sa kanyang baso.

"Wala na po" maikling sagot ni Ichika.

She nodded.

Bigla nalang tumahimik ang buong paligid ng makita kong nakatingin sakin si mama, napatayo tuloy ako sa gulat.

"Tapos ka na bang mangchismis emiko?" walang emosyong tanong niya sakin.

Kinakabahan ako ngayon, ang lakas ng pintig ng puso ko. Hindi ako makahinga! Nakakatakot! Natatakot ako sa kanya! Hindi ko alam ang isasagot ko! Hindi ako makatingin ng diritso sa mga mata niya. Gusto kong tumakbo at umalis sa mansyong ito!

Napatalon ulit ako sa gulat ng biglang nag ring ang cellphone ni mama, ito na ata ang pagkakataon ka para makatakas!

"sige umalis na kayong dalawa" sabi nya.

"Teka lang, ichika di pa tayo tapos mag-usap. Ipagpatuloy muna natin ito kapag nasa boracay na tayo" tugtong pa ni mama, tumango naman si ichika at naglakad papunta sakin habang nakayuko at niyakap ako.

"Bigyan mo ako ng limang minuto" sabi niya sakin, hindi ko maintindihan ang sinabi nya!!!!


The Mafia And The Assassins [OnGoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon