Chapter 23

7 6 0
                                    

Emiko's PoV


Paulit-ulit nalang.... Dalawang araw na nilang binubully si seoha, dalawang araw ko na din silang sinaway pero ayaw pa ring makinig. Ngayon ay ang pangatlong araw ni seoha na pagpasok sa school na ito, pumasok siya  at dumiritso sa upuan nya tinignan ko lamang siya at binaling ang tingin kina reiko.


"Masama ba pakiramdam mo emiko?" tanong sakin ni rei.



"Hindi okay lang ako, teka diba may nabanggit si miss aoki na may school trip raw?" kailan kaya yun? At anong lugar kaya ang pupuntahan namin? Medyo excited na rin ako.


"Akala ko ba alam mo? Hays wala ka na naman sa sarili mo nun no—" hindi natapos sa pagsasalita si rei nang may narinig kaming ingay.


Napatingin agad ako kay seoha nakita kong nakapaligid na sa kanya sina Nicole, Elle at ella. Fuckkkk!!!!



Tumayo agad ako, sakto namang dumating si keisuke, sunod si yuki at haru. Sinenyasan ko silang awatin ang tatlong to.



"Walang lalapit sa amin, ang lalapit ay madadamay" sabi ni nicole. Akala nya ba makikinig ako sa mga sasabihin nya?! Nagkakamali siya!!


Lumapit ako pero di pa ako nakakalapit sa kanila bigla nalang akong tinulak ni nicole kaya naman natumba agad ako sa mga upuan sa pagkakalakas ng pagkakatulak nya yung ibang upuan ay tumilapon na. Tumama ang ulo ko sa isang upuan kaya naman tumayo si ichika at pinuntahan ako. Nagsimula na ring awatin nila keisuke  at yuki sila pero ang titigas pa rin ng ulo ng mga babaeng ito!


Bakit sila humantong sa ganito? Maliit na bagay lang naman ang natapunan ng juice sa damit! Sumusubra na sila. Tumayo ako ng bigla nalang akong nadulas sa tiles kaya naman napaupo na naman ulit ako. Inilagay ni haru ang bag niya at pumunta agad sakin, nakita ko ang pag-aalala sa mukha nya. Bigla nalang nag-init ang pisngi ko dahilan para hawakan nya ang aking noo, tumayo nalang agad ako at pinagpagan ang aking palda.



Patuloy pa din sa pag-awat sina yuki at haru pero di pa rin sila nakikinig. Kinuha ko ang matulis kong bagay sa bag ko at itinutok kay elle kaya naman tumahimik ang buong klase ang iba ay lumabas na sa room at ang iba naman ay nasa gilid walang emosyon ko silang tinignan isa-isa "Hindi ba kayo titigil? Pang-ilang araw na ba to? Pangatlo or pang-apat? Hmm tapos bukas.... May pupuntahan akong burol, sino ang mamatay?"


"Tch! Akala mo ba natatakot ako? Bakit? Papatayin mo ba ako?" tanong niya sakin


"Emiko bitawan mo yan!"mahinahong sigaw ni haru, tinignan ko lamang siya saglit at binalik ko ang tingin ko kay elle.


Idiniin ko sa leeg nya ang bagay na hawak ko at nagsimulang magtanong "Bakit kayo humantong sa ganito?" mahinahong tanong ko sa kanila sabay tingin sa kuko ko.


Hindi sila sumagot, tinignan ko si seoha na nakayuko lamang. "Magsasalita kayo or hindi?" mas lalo kong idiniin ang matulis na bagay sa leeg nya kaya naman may tumulo na dugo.


"Emiko Calm down, bitawan mo yan" yuki said.


"Paano ako magiging mahinahon e putangina ilang araw na akong sinasaway sila pero ang titigas pa rin ng mga ulo neto!" inis na sigaw ko kaya tumahimik sila.


"Nagtatanong ako kaya naman sagutin nyo!"


Ilang minuto ang lumipas bago nagsalita si ella "Dahil mang-aagaw siya" maikling sagot nya. What?! Mang-aagaw?


"What do you mean?" tanong ni rei, papalapit siya kinatatayuan ko.


"Yang malanding babae na yan nilandi ang boyfriend ko, sino ba namang babae ang hindi magagalit nyan!" inis na sigaw nya sa amin kaya naman tinignan ko si haru at tinaasan ng kilay.


"Nilandi? Wait... What?!"


"Parati nalang walang time sakin si haru kapag nasa klase tinitignan ko siya pero yung tingin nya ay nakay seoha, ilang araw ko na ring napapansin na sobrang busy nya" paliwanag nya sa akin. Lumalakas naman ang pintig sa puso ko, Don't tell me may gusto si haru kay seoha?!


"Babe mapapag-usapan natin ito okay, so please itigil mo na ang pambu-bully kay seoha" mahinahong sabi ni haru kay ella pero bigla nalang tumakbo si ella palabas ng classroom kaya naman sinundan agad siya ni haru.


Bumuntong hininga ako at itinapon ang matulis na bagay sa bintana, sinabihan ko na rin ang buong klase na ayusin ang mga tumilapong upuan. Sana di na nila uulitin to kasi pinapahiya nila ang section namin! Sasabihin na naman ni miss aoki na "ito ang pinaka worst na section na nahandle ko!" hays naiirita pa naman ako sa boses ng matandang babae na yun.


Nang matapos na nila ayusin ang mga upuan ay bumuntong hininga ako at umupo sa upuan ko.

"Na highblood ata si miss president"

"Sino ba naman ang hindi mahihighblood nyan e tatlo or apat na araw na nya atang sinasaway sina nicole pero ayaw makinig"

"nawala na sa isip ko ang magiging class president mas mabuting maging normal student nalang"

"Si haru naman walang pakinabang! Palibhasa girlfriend nya si ella kaya di nya mapagalitan buti pa si yukine minsan may pakinabang din"


Nagsimula na naman ang mairita sa mga bulongan na yan akala nila di ko maririnig!


Kinuha ko ang malaking libro ko at hinampas sa upuan, nakita kong nagulat silang lahat maliban nalang kay seoha, seryoso pa rin ang mukha niya. Minsan ko lang rin siyang marinig na magsasalita lalo na pag pinapasagot siya sa mga katanungan ng mga teachers namin, Tahimik siya na babae hindi siya tulad ng iba.


Tumigil sila sa pakikipag-usap sa kanilang kamag-aral.


Pumunta sa harapan ko si akemi "Okay ka lang ba?" tanong nya sa akin, tumango na lamang ako at tumingin sa may bintana.


"alam mo miksy pagchichismisan na naman tayo ng kabilang section lalong-lalo na sa A-1" malungkot na sabi sakin ni ichika.


Hindi ko nalang siya pinansin patuloy pa rin akong nakatingin sa karagatan. Sana naman ay di na nila ito uulitin, at sana magkaayos na rin sila si haru at ella. Pero di ko pa rin maintindihan imposible namang na love at first sight si haru kay seoha, hindi namang ganyang klaseng tao si haru pero sa totoo lang maganda talaga si seoha lalo na kapag nakasuot siya ng eyeglass.

The Mafia And The Assassins [OnGoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon