Chapter 24

7 7 0
                                    

Emiko's PoV


Naglakad lang ako ngayon papunta sa school, kahit may sasakyan ako gusto ko pa ring maglakad para naman maexercise ko ang mga binti ko.



Habang naglalakad ako ay biglang may nagkakarerang dalawang sports car, itim at asul ang sports car na ito. Muntik na nilang masagasaan ang pusa pero buti nalang ay nagtakbo agad ito sa may kalye. Bakit sila nagkakarira dito? Hays pambihira!



Nang makarating ako sa school ay nakita ko agad ang dalawang sports car na nakaparking sa parking lot kaya naman pinuntahan ko si yuki para magtanong kong kanino yan.


"Hindi ko alam ngayon ko lang rin nakita nag sports car na yan" sagot naman nya kaya naman tumango na lamang ako.


Sabay kami ni yuki na pumasok sa classroom, pagpasok ko palang ay nasa kanikanilang mga upuan na sila. Hays buti nalang wala nang awayan, napansin ko ring absent si elle at ella. Teka anong nangyari sa kanila? Dahil ba ito sa nangyari kahapon?


Inilapag ko ang aking bag sa upuan at umupo, sakto namang pumasok si miss aoki. "Bakit absent si elle at ella?" tanong nya sa amin, wala man lang sumagot kaya napabuntong hininga na lamang ito.


Nagsimula ng magturo si miss aoki ng biglang kumatok ang SSG vice-president. "yes?"


"Pinapatawag po ang SSG president, SSG secretary" sabi naman nya, tumayo naman kaagad si akemi at haru at lumabas.


Nagpatuloy naman sa pagtuturo si miss aoki nakinig na lamang ako para naman may matutunan ako kaunti.



"Air bags are used in motor vehicles because they are able to reduce the effect of the force experienced by a person during an accident. Air bags extend the time required to stop the momentum of the driver and passenger. During a collision, the motion of the driver and passenger carries them towards the windshield."


"If they are stopped by a collision with the windshield, it would result in a large force exerted over a short time in order to bring them to a stop. If instead of hitting the windshield, the driver and passenger hit an air bag, then the time of the impact is increased. Therefore if t is increased, for a constant change in momentum, the force on the body is reduced."


Parang aantukin ako neto! Sinampal-sampal ko ang aking sarili para di ako antukin, hindi naman ako nagpuyat kagabi pero bakit ako inaantok! Kapag physical science na aantokin talaga ako pero yung ibang subject hindi naman...



Tinignan ako ni rei kaya naman tinignan ko rin siya "Anong nangyari sayo?" naguguluhan nyang tanong.



"Wala lang to inaantok lang ako" sagot ko sa kanya, ngumuso siya at tumango. binaling nya ang kanyang tingin kay miss aoki, ako naman ay hindi na kayang makinig pa dahil sa antok.



Bakit napapadalas na ang pagiging antokin ko?



Nawala agad ang antok ko muntik na akong matamaan sa binatong chalk ni miss aoki, bakit parati nalang ako ang target nya? Anong problema ng matandang dalaga na to? Inaano ko ba siya?



Humalakhak naman ng mahina si rei kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Inaantok ka pa ba miss Yamada?" tanong niya sakin hindi ko siya sinagot at inirapan ito.



Nakita ko ang matatalim nyang mga tingin sa akin na animoy' kakaladkarin nya ako palabas ng classroom at doon ako tuturuan ng leksyon kong paano gumalang. Marunong naman akong gumalang sa mga taong gagalang din sa akin, kung hindi lang sana nya ako pinag-ipon ng sama ng loob di sana ako ganyan sa kanya.


"class dismiss" Padabog naman siyang lumabas ng silid. Pagkalabas palang niya ay agad namang nagsigawan ang buong klase parang nasa palengke ako neto.




Kinuha ko ang aking towel at Lumabas ako sa classroom. pumunta ako agad sa cr para maghilamos ng mukha para naman magising na ang buong organs ko sa katawan, hindi ko alam kong bakit parang ang tamlay-tamlay ko ngayon wala naman akong sakit pero parang ang bigat talaga ng pakiramdam ko...



Hindi ko namalayan na sumunod pala sa akin sina rei at ichika, naghugas muna sila ng kamay at pagkatapos tinignan nila agad ako.




Nakita kong parang tatawa na si ichika "Bakit?" wala sa mood kong tanong sa kanya at humalakhak naman siya.



"Alam mo emiko, i think ikaw ang best nagpapikon kay miss aoki. Feel ko talaga bibigyan ka ng award nyan best of suplada, best of maldita, best of walang mudo. Parang nasayo na ata ang lahat lahat"




"buti nalang nakailag ka miko kong hindi maheheadshot ka talaga" natatawang sabi ni rei.




Hindi ko sila pinansin, pinatuyo ko muna ang aking basang mga kamay at pinunasan ang aking mukha ng towel at lumabas ng cr.



Sinundan na naman ako ng nina rei at ichika "Oi di namamansin, napikon na naman" sabi ni ichika.



"Bakit ba kayo sunod ng sunod sa akin? Pagtatae ba ako susunod din kayo? Mga hinayupak" inis na saad ko.


Umakbay sakin si rei at hinalikan ang buong mukha ko "Alam mo parang baby sister na kita, pangarap ko talagang magkaroon ng baby sister but lalaki kasi ang lumabas sa sinapupunan ni mommy, at tsaka medyo magkahawig nga tayo ng ugali pero mas maldita ka nga lang sakin. Kong magiging kapatid lang sana kita matutuwa talaga ako" sabi pa niya.


"Nag-iba ng usapan ah"



"Syempre para naman di mapikon ang baby ko"

"yuck kadiri mo rei!"

-_-#

Humalakhak siya at kumalas sa pagkakaakbay sakin, si ichika naman ang umakbay sakin "Napikon na naman ang baby namin"


"umayos nga kayo! Kapag ako nainis sa inyo bahala na kayo sa buhay nyong mga bwesit kayo!"


"wag mo kasing inisin rei!"


"Luh? Ikaw nga yung nang-inis sa kanya"


"Aish bahala kayo sa buhay nyo"


Kinalas ko ang pagkakaakbay sakin ni ichika at naglakad pabalik classroom, umupo agad ako sa upuan ko at tumingin na naman sa bintana.

"Sorry na miko, love you"

"kadiri mo talaga rei, okay na sakin yung sorry pero yung love you urgh nandidiri talaga ako sayo"

Natawa naman siya at yumakap sa leeg ko "Sana naging kapatid nalang kita" bulong nya sakin.

Hindi ko nalang siya pinansin, napasok nalang agad sa isip ko ang ate kong si ate Isane. Hindi ko man siya nakita or nakalaro nung bata pa kami alam na alam kong buhay siya at hahanapin ko siya kapag nahuli na namin si toby alam kong alam nya kong nasaan si Ate Isane


The Mafia And The Assassins [OnGoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon