Chapter 26

6 4 0
                                    

Emiko's PoV


Maaga akong nagising ngayon dahil sa ingay sa labas. Nag-aaway na naman ang kapitbahay namin.



Pumunta agad ako sa dinning area para kumain, "Goodmorning nanny" bati ko.


"Magandang umaga din nak, halika kumain kana. Ang aga mo atang nagising?"


"Ingay kasi sa labas nay"


"Ah ganun ba? Halika pinaghanda kita ng paborito mong ulam"


Umupo ako sa upuan ko, inilagay ko muna ang aking bag sa kabilang upuan bago kumain. "Nay asan si kuya?" tanong ko, ngayon ko lang napansin na wala si kuya dito sa dinning area dapat mga gantong oras nandito na siya.


"Maagang umalis ang kuya mo meron raw siyang aasikasohin sa opisina nya"



Ahh kaya pala.....



Pagkatapos kong kumain ay iniligpit ko ang aking pinagkainan at inilagay ito sa lababo nagdidilig pa kasi ng halaman si nanny ayaw ko siyang gambalain.


Lumabas ako ng bahay at dumiritso sa garahe, pinili ko ang binili kong kotse nung nakaraang taon ngayon ko lang din to gagamitin.


Pumasok agad ako sa kotse ko at pinaandar ang makina neto.


Maganda naman ang takbo ng byahe papuntang eskwelahan hindi masyadong traffic kasi maaga pa. Pagkarating ko sa school ay wala pang masyadong sasakyan na nakaparada sa parking lot, tinignan ko ang aking orasan para malaman kong anong oras na. 5:40? Ang aga ko namang pumasok! Sana pala nanood lang muna ako ng T.V


Lumabas ako sa kotse ko, tumingala ako sa kalangitan at nag-unat. Pakiramdam ko aantokin ako neto.


Dumiritso agad ako sa classroom, nakikuta kong kaunti palang ang tao dito. Wala pa nga sina rei at ichika, pero teka baka nandito na si akemi!


Inilapag ko kaagad ang bag ko sa upuan at lumabas ng classroom, tumingin ako sa baba baka sakaling makita ko si akemi pero di ako nagkamali! Kakalabas lang nya sa guidance office.



Patakbo akong bumaba ng hagdan at sinalubong si akemi ng mainit na yakap kaya naman nagulat agad ito, inayos nya ang kanyang eyeglass at niyakap naman ako pabalik.



"Bakit ang aga mo yatang pumasok?" tanong nya sakin


"Sobrang ingay kasi ng kapit bahay namin kaya maaga akong nagising at tsaka di na rin ako makatulog. Ngayon ko lang napagtanto na tahimik pala ang buong school sa mga oras na ito"


"Oo, pero manganda naman kasi nakakarelax ding mamasyal dito lalong-lalo na sa Rooftop pero hindi sa building natin"

"Saan?"

"Dun sa college, may susi ako"


Itinaas nya ang susi, kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.


"Tara punta tayo dun" maligayang saad ko sa kanya.


Reiko's PoV



Pagkalabas ko palang sa kotse ko ay dumiritso agad ako sa classroom. Inaantok pa rin ako......


Napahikab ako dahil sa antok kaya naman kinusot-kusot ko ang aking mga mata. Inilagay ko ang aking bag sa upuan ko at umupo.


Napansin kong nandito ang bag ni emiko teka?! Bakit ang aga namang pumasok ng babaeng ito? Imposible namang naiwan nya tong bag nya?


Tumayo ako at hinanap si emiko, pumunta ako sa rooftop ng building namin pero wala siya. Asan kaya yung babaeng yun?



Bumalik na lamang ako sa room at nagselpon, sunod-sunod ring pumasok ang aking mga kaklase pero wala pa ring imahe ni emiko.


Narinig kong papalapit na rin dito si ichika dahil sa tunog ng kanyang takong.

"Bakit maagang pumasok si emiko?" tanong niya.


"Hindi ko alam"

"Hmm baka may nangyari sa bahay nila or maaga lang talaga siyang gumising, hays nakakapanibago rin"


Ilang minuto ang lumipas ay pumasok na si akemi at emiko, masaya silang nagkwekwentohan kaya naman pinagkruss ko ang aking dalawang kamay at nakasimangot na nakatingin sa kanila.



"Anong mukha yan rei?" tatawang niya saad, inirapan ko nalang siya at lumabas ng classroom.



Kitang-kita dito sa lobby ang basketball court. Nagsimula na palang magpractice ang section A-1.



Nasulyapan ko si Kenji na nakatingin sa akin "Oiiiiiiiiii..... Nakatingin yung ano nya oiiiiii" pang-aasar na sabi sakin ni emiko, sinundot-sundot pa niya ang aking tagiliran.


"Ano na naman ba ang problema mo miko?" naiinis kong tanong sa kanya di man lang siya sumagot at tinignan si kenji at kumaway "Miss ka raw ni rei!!" sigaw neto kaya naman tinakpan ko kaagad ang kanyang bibig.


"Gusto mo bang makita si san pedro ha?!" inis kong bulong sa kanya. Nakita kong palihim na ngumite si kenji kaya naman bumalik nalang ako sa classroom.


Sumunod na naman sakin si miko at yumakap sa bewang ko "Sorry na reirei" puot nyang sabi.



"ewan ko sayo miko umalis ka nga sa harapan ko naiinis na ako sa mukha mo"


Kumalas siya sa pagkakayakap sakin at bumuntong hininga "Alam mo rei nakita ko nung nakaraang araw ba yun, nakita ko bunsong kapatid mo" pag-iiba nya ng usapan.


Tinaasan ko siya ng kilay, naalala ko na... Pumunta sina kuya at reiki sa mall tapos may ikwenento si reiki sakin na may nanlibre raw sa kanya ng icecream emiko raw yung pangalan.

"Oh tapos?"


"Ang cute pala ng kapatid mo no? Kaso di kayo magkamukha, mas hawig nya ng kunti si raiko" sabi pa niya, yeah maraming nagtataka kong bakit hindi raw kami magkamukha ng kapatid ko pero di ko nalang iyon pinapansin.


"Gusto kong makita ulit si reiki kasi gusto ko siyang ipasyal, parang bunsong kapatid ko na kasi siya" dugtong pa neto. Alam na alam kong gusto ni emiko na magkaroon ng bunsong kapatid. Siya lang kasi ang bunso raw sa kanila.


"Pwede din sa saturday or sunday..."

"Talaga ba— Ay sayang naman pupunta kasi kami sa boracay nyan" nalulungkot niyang ani, ano naman ang gagawin nila sa boracay? Hindi pa summer pero ang aga naman nilang magbakasyon.

"Ano naman ang gagawin nyo dun?" tanong ko.


"May event ra hindi ko alam kong ano pero yan yung napagmeetingan nung nakaraang araw" sagot naman nya tumango ako.

"Ah ganun ba? Sayang naman"

"Oo nga e pero next sunday or monday diba?"

"I don't know, sabihan ko nalang si kuya na hihiramin mo si reiki"

"Okay"


Nabuntong hininga nalang ako, parang interesado ata si emiko sa kapatid ko. Alam ko naman na cute si reiki pero medyo spoiled brat yung batang yun.



The Mafia And The Assassins [OnGoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon