Chapter 25-Representative

7 5 0
                                    

Emiko's PoV


"quiet!"



Nagsiupuan ang aking mga kamag-aral ng biglang sumigaw si haru, huminga naman ng malalim si akemi at nagsalita. "Dalawang linggo nalang ay magsisimula na ang St. Fuji Festival Nandito ako, Kami para sabihin sa inyo kong anong patimpalak ang gagawin sa festival. Nangunguna ang Basketball, sa isang section dapat may labindalawang manlalaro. Sa Volleyball naman ay labindalawang manlalaro din, And the rest is badminton, football, Etc. May mga clubs na rin, Ang hahandle ng mga clubs ay ang Section A-1. Ang B-1 naman ay Roleplay, ang irorole play nila ay Romeo and Juliet. At yung walang ihahandle ay mag-enjoy nalang sabi ni dean, At tsaka bago ko makalimutan May pageant palang magaganap So kayo ang mag decide kong sino ang magiging representative. Anyone?"



Sino nga ba? Gustong pasalihin si rei ng pageant para naman maging babae ito kahit isang araw lang medyo boyish kasi to e.



Itataas ko na sana ang kamay ko ng biglang Nagtaas ng kamay si nicole. Pota naunahan ako!!!


"Seoha"


What?! Tinignan ko si seoha pero di man lang siya nagulat pero okay na rin kong si seoha gusto ko kasing makita siyang nakamakeup siguro ang ganda nya.



Itinaas naman ni seoha ang kanyang kamay "I didn't know anything about that pageant, so just choose another representative" she said coldly.



Itinaas ko ang kamay ko "Si reiko Akemi!" nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni reiko kaya naman nagblee ako sa kanya.


"Si elle or si ella sana yun kaso absent sila parehas"


"oo nga no? Sayang naman!"


Pwede naman sina elle or ella kasi maalam sila sa pageant na yan kaso nga lang wala sila dito.
Ang iba naman ay sang-ayun at ang iba hindi, narinig ko rin na si seoha nalang kasi baka pagdating sa pasagutan mukhang mananalo kami.



"let's just vote on who wins will be our representative" haru said, well pwede na rin.



Nagsimula na silang nagbotohan, nauna si rei sumunod naman si seoha. Itinaas ko ang kamay ko nung isinulat na ni akemi ang pangalan ni rei sa pisara, dalawampu't dalawa naman ang bumoto kay rei. Sunod na isinulat ni akemi ang pangalan ni seoha sa pisara, mukhang panalo ata si seoha. Dalawampu't tatlo naman ang bumoto kay seoha so that means, si seoha ang magiging representative namin ngayong taong ito.


Hindi ko masasabi na si seoha ang mananalo kasi last year ang nanalo ay si Natasha Herani, siya rin ang nanalo nung nasa first year palang ako ay si Natasha pa rin. Sunod-sunod ang pagkapanalo niya kaya di na ako mag-eexpect kong sino talaga ang mananalo ngayong taon.


Hindi na lamang nagsalita si Seoha.



"Don't worry ms. Seoha magprapractice naman kayo pagkatapos ng Klase alas 5pm ng hapon, by the way Ms. Class president Ikaw ang mag-aassist ni seoha. So that's all for today— oh! Wait! Ang mababanggit ko ay teams ngayong taong to, A1- Empire ,A2-Aztecs, A3-Slam dunkers, B1- Dominators , B2-Monarchy at panghuli ang B3-Terminators" saad ni akemi at idinikit sa gilid ng black board namin ang isang bondpaper na doon nakasulat ang mga teams ngayong taon.



Sa tingin ko rin malalakas ang magiging kalaban namin ngayon taon.


Pumunta ako kay seoha at umupo sa harap nya, buti nalang at lumabas saglit si keisuke para magcr. Tinignan nya lang ako saglit at ibinalik ang kanyang tingin sa binabasa nyang libro.



"Hmm Gusto mo bang Pumunta tayo sa mall ngayong darating na sabado? Para ito sa mga gagamitin mo ngayong darating na pageant" tanong ko sa kanya, tumango lamang ito kaya naman bumalik agad ako sa upuan ko. Feel ko talaga mahirap pakisamahan tong babaeng ito.



Teka lang... Muntik ko ng makalimutan! Pupunta pala kami sa boracay ngayong darating na sabado't linggo. Aishhh ano na ang gagawin ko? Paano ko matutulungan si seoha neto? Aha!!! Pwede din naman si akemi!!



Bumalik ako kay seoha at bumuntong hininga bago nagsalita "Hmm seoha Pwede bang si akemi nalang may lakad kasi kami ngayong sabado at linggo" saad ko, gusto ko sanang pasamahin si akemi...



"ok no prob" maikling sagot niya habang ang kanyang atensyon naman ay nasa libro nya pa rin kaya naman pumunta ako sa likuran nya at tignan kong ano ang binabasa nya.



Teka lang favorite ko tong libro na to ah! Lahat ng series ay nabili ko na pero hindi ko pa rin nabasa lahat medyo busy kasi ako. "Pang-ilang series na yan?" tanong ko sa kanya.



"5" maikling sagot nya, hala!! Sakin kasi series 3 palang ako,,, tumango nalang ako at bumalik sa upuan ko ayokong tignan ng matagal baka ma spoil ako hindi ko na nga alam kong sino ang magkakatuluyan sa kanila kasi medyo complicated yung love story nina jacob at Anna.


"Hoy babae ka!"



Napatalon nalang ako sa gulat ng biglang sumigaw si rei, tinignan ko siya at matatalim ang kanyang tingin sa akin kaya naman tumakbo ako palabas ng classroom at sumunod naman siya sakin kaya naman mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko lumingin ulit ako kay rei at—


*boinkkkk*


Natumba ako ng may nabangga ako natumba rin ang nabangga ko kaya naman tinignan ko kong sino ito. Nagulat nalang ako ng si Luca Clave Lavigne pala ang nabangga ko!


Tumayo ako , nagpunta ako sa kanya at iniabot ang aking kamay pero di man lang niya pinansin at tumayo lamang siya, pinagpagan nya ang kanyang pants at naglakad . Huminto siya sa may right side ko , rinig na rinig  ko ang kanyang paghinga.

"Nevermind"


Huh? Akala ko may sasabihin siya pero yun lang pala! Nakakatakot kasi paminsan-minsan si Luca pero naging kaklase ko siya noon pero minsan lang kami nag-uusap pag may mga group activies, matalino din siya tapos tahimik at di palakaibiganin. Kagaya nya rin si seoha pero medyo iba nga lang ang ugali ni seoha cold type of woman kasi si seoha minsan lang din siya magsasalita.


"Nabangga mo si luca no?" tanong sakin ni rei, ngayon ko lang napansin na nasa likod ko na pala si reiko.


"Oo" maikling sagot ko.



Umakbay na naman siya sa akin "Di ka kasi nag-iingat hays tara na bumalik na tayo sa classroom baka mahuli tayo ni prof dito" saad pa niya.



Kaya naman bumalik na agad kami sa classroom buti nalang at wala pa si prof, kasi kapag nahuli kaming nasa labas ng classroom may parusa na namang matatanggap.


The Mafia And The Assassins [OnGoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon