CHAPTER 2

72.4K 2.3K 1.4K
                                    

Maggie




Inis kong sinundan si Theia ng tingin mula sa veranda ng kwarto niya.

Napaka-bossy talaga ng babae 'to kahit kailan. Kung ako lang yung masusunod hinding-hindi ako titira sa bahay na 'to noh!

Ilang beses ko na siyang sinuway at pinagtataguan pero nahahanap niya parin ako. In short, wala akong takas sa kanya. Hays, kung pwede lang sana ibalik ang oras para itama ang katangahan namin noong pareho kaming nalasing sa bar.

Halos yumanig ang buong mundo ko nang gumising ako ng umagang 'yon na ikinasal na daw ako sa babaeng nag-ngangalang Altheia Dominique Huang Samson, isang half Chinese-half Filipina na negosyante at step sister ng kaibigan kong si Sue.

At first hindi ako naniwala dahil baka prank lang ito sakin ng mga kaibigan at ka-dorm mates kong sila Yen at Gail. Ever since nagkaroon kami ng in-counter ni Theia noon sa school kung saan aksidente niya akong natapunan ng juice, lagi akong tinutukso ng dalawa.

Ngunit kinomperma mismo ng abogadong si Atty. Faustino nang pumunta ito sa dorm para ibigay sakin ang copy ng marriage certificate namin ni Theia na legit daw talaga yung kasal namin. I was confused as hell. Kailan pa naging legal ang same sex marriage sa pinas? Paano nangyari? Parang ang impossible ata?

Bwesit! kasalanan talaga 'to ni Atty. Jones. Ang lecheng amerikanang yun ang may pakana ng lahat! Hindi ko akalaing magagawa nitong talian ang kinabukasan ko. Kaya pala sa simula ay hindi nako komportable dito. My instincts never failed me after all.

Nakilala ko si Atty. Jones dahil minsan ko na itong sinagip mula sa isang snatcher dati. At dahil 'don ay naging feeling close na ito sakin.

Pumunta ako sa bar ng gabing 'yon para sana mag-apply bilang part-time cashier, at unexpected kaming nagkita. She invited me to join her table because she said she was alone. At dahil sa kakulitan nito ay wala nakong nagawa kundi samahan ito.

I got so drunk to the point na ni-reject ng manager yung application ko 'nong nag interview ako. And the rest was history.

Nag-file na si Theia ng annulment sa korte at siya narin ang nag-asikaso sa lahat since ito naman ang may pera. Naghihintay nalang kami sa magiging desisyon ng husgado kaya naman habang nasa proseso pa yung annulment namin ay dito niya muna ako pinatira sa bahay nila.

Naiinis nga ako sa set up naming 'to eh, kasi kung tutuusin ay hindi naman kailangan. But she's too persistent, daig pa siyang totoong asawa kung maka-asta. Napaka-demanding at manipulative pa.

Napabuntong hininga nalang ako saka bumaba ng hagdan para maghapunan. Mabuti na lang at mabait si Tita Esther sa akin. Ang sweet at maalaga nito, salungat sa anak nitong maldita.

"Good evening po, Tita." bati ko sa mabuting ginang.

"Good evening, Maggie." bati din nito sabay tapik sa katabing silya. "Eat your dinner, I'm sure nagugutom ka na galing eskwela."

Magalang akong umupo sa tabi nito, ito pa mismo ang naglagay ng pagkain sa plato ko na agad kong pinigilan.

"Ako na po, Tita." nahihiyang sabi ko.

"It's okay, hija."

Tahimik kami pareho habang kumakain.
Nasa kalagitnaan ako sa pag-slice ng manok nang magsalita ito.

"I'm sorry if Theia has been harsh on you." ani Tita sakin.

"Okay lang po, Tita." magalang kong sagot.

We Got Married (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon