CHAPTER 5

68.5K 2.3K 624
                                    


Nandito ako ngayon sa mall. Nabili ko na lahat ng dapat kong gagamitin para sa eskwelahan. First time ko pang makapag-shopping ng ganito karami, tapos card pa yung gamit. Feeling rich.

Dapat kanina pako nakauwi kaso malakas yung ulan sa labas, wala akong dalang payong. Hindi ko rin matawagan si Theia dahil na lowbat ako. Kaya naman naglibot-libot muna ako dito sa mall habang hinihintay humina ang ulan.

Tumigil ako sa paglakad nang marating ko ang toy kingdom. Sabi ni Theia bibilhin ko daw ang gusto kong bilhin kaya i-pupush ko na'to. Pumasok ako sa naturang toy shop saka hinanap ang kinaroroonan ng mga plushie. Agad ko yung nakita.

Daig pa akong five years old na bata habang namimili kung anong design ang bibilhin, ang dami kasi e. Inabot ko yung pikachu na plushie saka gigil yung pinisil-pisil. Eto na lang bilhin ko.

Pupunta na sana ako sa counter nang maagaw ng atensyon ko yung trending ngayon sa social media na reversible octopus plushie. Lihim akong natawa dahil si Theia agad unang pumasok sa isip ko. Moody siya eh. Minsan masungit, minsan naman ay anghel. I decided to buy one for her, ibibigay ko 'to sa kanya.

After kong mabayaran ang mga pinamili ko ay lumabas nako ng toy kingdom at nagtungo naman sa isang ice cream shop. Nalaman ko mula kay Sue dati na paborito ni Theia ang ice cream lalo na kapag double dutch yung flavor. I'll buy her one too, pambawi sa tiwala at generosity niya sa akin.

Bumili ako ng tig-iisang gallon ng double dutch at rocky road na siyang paborito ko naman, pagkatapos 'non ay bumaba nako sa escalator para silipin kung umuulan pa ba. Thank god, medyo humina na. Pwede na 'to, makakauwi na rin ako.

Tinungo ko yung exit at pumara ng taxi.
Nasa kalagitnaan nako ng highway nang biglang bumuhos ulit ang malakas na ulan. Grabe, bagyo ata.

Tinignan ko ang oras sa relong pambisig ko. Alas otso na ng gabi. Feeling ko nakauwi na si Theia at feel ko rin tinatadtad niya nako ng text at tawag.

"Kuya pakaliwa po. 251 po house number." tugon ko sa driver nang marating na namin ang subdivision.

Malakas pa rin ang ulan nang marating namin ang gate ng mansyon. After kong bayaran ang driver ay dali-dali akong kumaripas ng takbo bitbit ang mga pinamili ko. Buti nalang at agad akong nakita ng guard kaya mabilis nitong nabuksan yung gate. Deretso ang takbo ko hanggang sa marating ang main door ng bahay. Medyo nabasa pa yung damit ko.

"Good evening po, Tita." magalang kong bati sa mama ni Theia pagpasok ko. Nakaupo ito sa long sofa habang nagbabasa ng fashion magazine.

"Good evening, hija. Saan ka galing at basang-basa ka?"

"May binili lang po ako sa mall. For school requirements."

Tumango si Tita at ngumiti. "Mag-bihis ka muna bago ka kumain."

"Opo." umakyat nako sa kwarto ni Theia. Ilang beses muna akong kumatok sa pinto ngunit walang sumagot. Pumasok ako saka inilapag sa mesa ang mga pinamiling gamit at inilagay ang ice cream sa ref.

"Theia?" tawag ko sakanya. Nilibot ko ang buong kwarto pero wala siya. Mukhang hindi pa siya nakauwi. Usually nandito na siya sa ganitong oras e.

Nag-charge ako ng phone ko saka yun binuksan para alamin kung may text ba siya sa akin. Kaso wala. Medyo nalungkot ako. Ibig sabihin hindi ko siya makasabay kumain ng hapunan ngayon.

Nag-bihis ako ng damit pambahay saka bumaba at kumain. 

"Manang Luz, hindi po ba nakauwi si Theia mula kanina?" tanong ko sa mayordoma ng mansyon.

"Hindi pa, Mags. Baka nasa meeting pa yun ngayon."

"Ganon po ba, sige po salamat." malungkot akong kumaing mag-isa.

We Got Married (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon