A/N: Please be aware that this story is unedited, sorry sa mga wrong typos and grammars
Maggie
Masigla akong pumasok sa unibersidad ngayong araw. Aktibo pa akong nakinig sa klase. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko sa mga oras na 'to, i'm smiling with all ears.
Nagising ako kaninang umaga na nakayap sakin si Theia. She hugged me possessively, yung tipong takot maagawan. Parang may kung anong humaplos sa puso ko dahil 'don. Tapos inalagaan pa niya ako kagabi. I was really touched dahil sa loob ng ilang buwan namin bilang mag-asawa ay kagabi pa lang kami nagkaroon ng ganong close interaction. Plus, ang lambing pa niya. Halos hindi ako makatulog dahil naka-dikit yung katawan niya sakin, she even sang a lullaby to make me fall asleep. Ang sweet niya talaga, nakakapanibago.
I always see my wifey as a cold hearted woman. Sinong mag-aakalang may ganung side pala siya? Nag-sisi tuloy ako sa mga pagsusungit ko sa kanya noong mga nakaraang linggo.
"In fairness, Magic sarap. Ang saya mo tignan ngayon."
I gazed at my friends. Nasa school caf kami at kasalukuyang kumakain ng pananghalian.
"Hmm?" tanging sagot ko.
"O tignan mo, wala pa sa sarili. Ano kaya nangyari kagabi?" ngumisi si Gail.
"Wala ka ng paki 'don."
"Hmm parang alam ko na kung ano." segunda ni Yen.
"Mga chismosa." sabi ko na lang.
Both of them laughed.
Nasa kalagitaan ako sa pagngunguya ng chicken adobo nang biglang lumapit sa table namin ang student assistant ng Arts & Science Department na si Jon.
"Mags, pinapatawag ka ng dean."
Nagsalubong pareho ang kilay ko. "Huh, bakit daw?"
"Hindi ko alam e, inuutosan lang ako."
"Haluh ka, Magic Sarap. Anong kasalanan mo?" pananakot nila Yen at Gail sakin.
"Malay ko ba." mabilis kong inubos ang kinain ko saka nagpaalam sa aking mga kaibigan para pumunta sa office ng Dean nang Arts & Sciences department. Medyo kinabahan ako ng konti, ano bang nagawa ko?
"Ma'am?" tawag ko sa atensyon ng Dean pagdating ko sa opisina nito.
"Sit down, Miss Yuson."
Agad naman akong umupo. "Pinapatawag nyo daw po ako?"
Tumango ang Dean at ngumiti. "I have a good news for you."
Medyo nawala yung kaba ko at napalitan ng pagtataka. "Anong good news po?"
"Natanggap na nang BBC ang application mo for Internship. Isa ka na ngayon sa mga mapalad na graduating journalism students ang makakuha ng chance makapag-internship sa abroad."
Nanlaki ang mata ko. "As in!?"
"Yes." tipid pero nakangiti nitong sagot .
I'm shocked, natuptop ko pa ang sariling palad sa bibig ko dahil sa hindi inaasahang balita. It's always been my dream to take my internship abroad. Matagal ko na itong pinapangarap nuon pa man. Hindi ko akalaing tatanggapin ang application ko nuong nagkaroon ng malaking event dito sa school kung saan nandito ang mga international broadcasting networks para mag-recruit ng mga interns sa mga tulad kong nangangarap maging news anchor balang araw.
God, this is a big opportunity for me! At sa BBC o British Broadcasting Corporation pa. Sa United Kingdom mismo!
"Totoo po talaga 'to, Ma'am? Hindi po scam?" hindi parin ako makapaniwala.
BINABASA MO ANG
We Got Married (ɢxɢ) ✔️
Romance~ COMPLETED ~ Side story 1 of Sweet Surrender 🦋 Started: July 24, 2021 Ended: October 30, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 ****UNEDITED****