CHAPTER 16

77.5K 2.1K 644
                                    

Maggie

Isang matalim at nakakamatay na tingin ang sumalubong sa akin paguwi ko sa bahay. It's already nine in the evening, at inaasahan ko nang mangyayari 'to.

"Wifey, let me explain." masuyo at kalmadong hiling ko kay Theia habang dahan-dahan siyang nilapitan. She was standing in the middle of the living room wearing the most angriest expression I've ever seen on her yet. "Can we talk?"

My wife didn't respond. Pero nanatiling naka-plaster sa mukha niya ang galit na kulang nalang ay katayin ako ng buhay.

Huminga ako ng malalim at akma na sanang magpaliwanag pero bigla siyang tumalikod at padabog na umakyat sa hagdan.

"Wifey, please hear me out." sinundan ko siya agad hanggang sa marating namin ang kwarto. Sinubukan kong hawakan ang braso niya, pero iniwaksi niya lang ang kamay ko. 

"I'm mad at you right now, Maggie. Huwag mo akong kausapin." aniya sa malamig at walang emosyong boses. Tinungo niya ang kama at nilagyan iyon ng maraming unan sa gitna na para bang nagsisilbing hallow block. Humiga siya doon saka ibinalot ang sarili gamit ang kumot.

I sighed. Umupo ako sa gilid niya at sinubukang alisin ang kumot sa kanyang mukha, pero sa ginawa ko ay patalikod lang siyang humiga.

"Wifey, pakinggan mo muna ako please? I'll explain everything to you." I leaned in and gave her a tight hug. "Sige na humarap ka muna sakin."

Theia remained silent.

"Wifey please? Magusap muna tayo."

"I'm not in the mood right, Maggie. Ipagbukas mo na yan. Matulog ka na." hindi parin nagbago ang tono ng boses niya. It was still cold.

"Sorry na." hinila ko ulit ang kumot para alisin iyon sa katawan niya, ngunit hindi parin ako nagtagumpay. "Theia, sorry na please?"

"Sorry ka ng sorry tapos uulitin mo pa rin. Makikipag-kita ka parin dyan sa Maureen na yan."

"Wifey, hindi ko naman sya pwedeng iwasan e. Bukod sa prof ko sya, boss din sya ng RIBC. Siya ang nagmomonitor sa aming mga interns."

"Ah ganon? So part rin ba ng pagiging professor at boss nya ang pakikipaglapit sayo to the point na gabi ka ng umuwi?"

Napabugha ako ng hangin at muli siyang niyakap. "If only you will listen to me, may rason kung bakit--"

"I told you i'm not in the mood right now." putol niya sa ibang sasabihin ko. "Galit ako sayo, matulog ka na dyan."

"But i can't go to sleep knowing that you're mad at me."

"And who's fault is it huh?" ang taray talaga.

"Mahal mo pa ba ako?" sa halip ay tanong ko.

"Don't even question my love for you, Maggie dahil alam mong oo."

Lihim akong kinilig, kapagkuwan ay muli siyang sinuyo. "Then forgive me. Sorry na."

"Ayoko, bahala ka dyan. Buti nga at naisipan mo pang umuwi e. Ba't di ka nalang natulog duon kina Maureen? Mukhang close naman na kayo ah. Bumalik ka nga 'don, magsama kayong dalawa."

"So pinamimigay mo na ako?"

"Gusto mo ba? Sabihin mo lang at ibibigay kita sa kanya ngayon mismo. Ihahatid pa kita."

Tuluyan na akong natawa. "Ang cute mo naman magselos, misis ko."

"Ewan ko sayo, Maggie. Huwag mo na nga akong kausapin. Go to sleep and stop bugging me."

"I love you." i hugged her again.

"I hate you."

"Bati na tayo po."

We Got Married (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon