CHAPTER 14

77.5K 2.1K 1.4K
                                    

Maggie


Pinaghalong kaba at excitement ang nararamdaman ko habang pinalibotan ng tingin ang buong lobby ng Ricci International Broadcasting Corporation. Grabe, nakasalubong ko pa kanina ang ilan sa mga kilalang field reporters at newscasters. Mas lalo tuloy akong na-inspire maging katulad nila balang araw.

Isang tikhim mula sa di kalayuan ang umagaw sa aking atensyon, paglingon ko ay si Maureen ang nakikita ko.

"Good morning, I didn't expect you to come this early." aniya habang may ngiti sa labi.

"Good morning ma'am, na-excite lang kasi ako." nahihiyang sagot ko saka ngumiti rin.

"That's okay. Apat kayong mag-iintern dito sa RIBC at ikaw pa lang yung nandito ngayon. Let's sit down for a while and wait for the others, shall we?"

"Sige po." pumuwesto kami sa isang rounded na sofa na malapit sa reception area.

"Forgive me for being nosy, Miss Yuson. But I just want to know, bakit mo pala tinanggihan yung offer na ibinigay sayo ng university para mag intern abroad?" she asked.

"Aside sa personal reason ma'am, na-realize ko rin na mas madaming oppurtunity dito sa pilipinas." sagot ko. "Saka baka ma-home sick lang ako pagdating duon kaya dito na lang ako."

Tumango-tango siya. "And here I thought your husband doesn't allow you kaya hindi ka na lang tumuloy, diba sabi mo kasal ka na?"

Medyo napangiwi ako. "Kasal ako ma'am pero hindi po sa lalaki."

"Ow?" she sounded curious.

"I'm married to a woman." proud kong sagot.

"Seriously?" she looked shocked.

"Yup."

"No way. Legally or kasal-kasalan lang?"

"We're legally married for almost five months now."

Amusement dance on her eyes. "Ilang taon ka nga ulit?"

"Twenty one po."

"Hmm still young, pero kung sa bagay nasa legal age ka na rin naman. Quiet shocking though. Hindi ko inexpect nasa muli nating pagkikita, may asawa ka na."

Bahagya akong napakunot-nuo sa huling sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin, ma'am?"

"Your mother's name is Monica Lee right?"

Nagulat ako. "Paano nyo po nalaman?"

Lumambot ang expresyon ng kanyang mukha. "Kilala ko kasi siya."

"Talaga po???"

Tumango si Maureen tsaka biglang nalungkot. "But I heard that she passed away two years ago."

Nalungkot din ako kasabay ng pagbigat ng aking puso. "Oo. Nagkaroon kasi siya ng malubhang sakit."

May kung anong emosyong lumarawan sa mukha ni Maureen. "Hindi niya pala nagawang makauwi sa South Korean noon......I thought she went back there."

"Hindi na. Nasanay na kasi siya sa simpleng buhay niya dito sa pilipinas. Tapos nabuo pa ako, kaya nanatili nalang siya dito at namuhay ng simple kasama ako."

"Why, where's your dad?"

Nagkibit balikat ako. "Ewan ko 'don. Two years old lang ako nung naghiwalay sila e."

We Got Married (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon