CHAPTER 10

71.1K 2K 705
                                    

A/N: Please be aware that this story is unedited, sorry sa mga wrong typos and grammars



Maggie


Wala ako sa mood makinig sa klase ngayon. Nakatutok ang mata ko sa professor namin pero wala akong maintindihan ni isa sa mga pinagsasabi nito.

Hindi kasi ako mapakali isiping nasa darating na biyernes na yung annulment namin ni Theia. Parang ang bigat sa dibdib, parang bigla ko gustong mag-backout. Dapat ma-excite ako kasi sa wakas babalik na ulit ako sa pagiging single at hindi 'yon magiging sagabal sa internship ko sa abroad. Pero may isang bahagi sa puso ko ang nalungkot.

I admit, I'm already falling in love with my wife. Kapag naghiwalay ba kami at aalis ako, may babalikan pa kaya ako?

"Before anything else." malakas na anunsyo ng prof sa amin. "Congratulations to those students who were given the oppurtunity to be part of the internship traning program in the UK."

Almost everyone in the class applauded habang yung iba naman ay halatang bitter. Niyugyog ng mga kabigan ko ang aking balikat para batiin ako.

"Congrats sayo, magic sarap." ani Gail sa akin.

"Salamat." tipid na sagot ko.

"O ba't parang hindi ka masaya dyan?" tanong ni Yen. "Smile ka nga."

Peke akong ngumiti. "Masaya naman ako ah."

"Ah so that's your happy face?" may halong sarcasm ang boses nito. "Ayos ka lang ba? Kanina ko pa napapansin parang wala ka sa sarili mo."

Malungkot akong napabuntong-hininga at seryoso itong tinignan. "Nagdadalawang isip kasi ako e."

"Tungkol saan?" si Gail ang nag-tanong.

"Tungkol sa internship," sagot ko.

"Bakit naman?"

I blowout a breath and shrugged my shoulders. "I don't know, parang ayaw ko na lang ituloy 'to."

"Baliw ka!" asik ni Yen. "Huwag ka ngang magbiro ng ganyan."

"I'm not even joking, nawalan talaga ako ng gana.

"Nawalan ka ng gana or ayaw mo lang iwan ang asawa mo?"

Saglit akong natigilan, kapagkuwan ay nagiwas din ng tingin. Fine, aaminin ko na. Ayokong iwan si Theia. Isa ito sa mga rason kung bakit nagdadalawang isip ako ngayon.

"Sayang naman kung hindi ka tutuloy." wika ni Gail dahilan para mapatingin ako sakanya. "Ang swerte mo kaya. Can you imagine, out of almost 500 students na nag-apply para sa intership na yan, isa ka sa limang pinagpalang napili."

She's right. I am indeed lucky.

"Pero kung ayaw mo na talaga, eh di ibigay mo na lang sakin yan." dagdag niya sabay ngisi. "Game?"

"Depende." sagot ko, saka ibinalik ang atensyon sa klase.

Pag-sapit ng pananghalian, tahimik lang akong nakikinig sa chika ng mga kaibigan ko habang kumakain kami dito sa school caf. Wala talaga ako sa mood.

"Alam nyo na bang may papalit kay prof mamaya sa major subject natin?" balita sa amin ni Gail.

"Oo kanina ko pa nalaman." sagot ni Yen. "Sino kayang news journalist ang papalit noh? Sana kasing galing ni sir."

Isa kasing kilalang news field reporter at journalist ang professor namin sa major subject na Media Ethics. Halos lahat ng mga professors namin sa major subjects ay mga kilalang news reporters at news anchors.

We Got Married (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon