CHAPTER 9

71.2K 2.1K 442
                                    

A/N: Please be aware that this story is unedited, sorry sa mga wrong typos and grammars

Theia


Nakayakap sakin si Maggie pag gising ko kinaumagahan. Dito kami sa terrace nakatulog kagabi dahil inabot kami ng madaling araw sa kwentuhan namin. Hindi lang usapan tungkol sa mga exes yung naging topic namin kundi sa iba pang mga bagay. It's been a while since I enjoyed having a long conversation with someone. Ako yung tipong taong hindi pala-kwento lalo na pagdating sa personal kong buhay. But last night was different, parang totoong mag-asawa ang turingan naming dalawa. We were able to get to know more about each other. Muntik ko pang masabi sakanya ang totoong nararamdaman ko pero agad ko ring napigilan ang sarili.

How I wish one day biglang sasabihin sa akin ni Maggie na hindi niya na itutuloy ang internship niya sa UK at mananatili nalang dito sa pilipinas para ipagpatuloy ang samahan namin bilang mag-asawa. But sadly, that would never happen.

Ayoko siyang pangunahan sa kung anumang balak niya; kung ipagpatuloy ba namin itong kasal o tatapusin ito sa itinakdang araw. We only have few days left as a married couple and we will separate ways after that. She's going to pursue her dream outside the country and it's going to be heartbreaking for me kasi mamimiss ko siya.

Speaking of it, pupunta mamayang hapon sa Estér ang abogadong humawak ng Annulment case namin. Tumawag kasi ito kahapon para ipaalam sakin na pupunta ito. I'm really nervous, what if bukas na yung hearing? What if huling araw na pala namin? Shocks, hindi pako handang makipaghiwalay kay Maggie ngayon. I still want to spend more time with her.

Malambing kong hinaplos ang mukha niya at saglit siyang pinagmamasdan. She's so pretty even while asleep, sino bang hindi ma fall sa kanya? Aside from being attractive, she's smart and hardworking. Ang himbing ng tulog niya habang sinabayan ng munting hilik.

My gaze went down on her lips. Nagbalik sa ala-ala ko ang muntikang paglapat ng labi namin kagabi. When our lips almost touched, I was perplexingly struck by a sudden desire to be claim by those lips. Sayang at hindi natuloy.

Maya-maya pa'y gumalaw si Maggie. Kinusot-kusot niya ang kanyang mga mata bago dumilat. Matamis ko siyang nginingitian nang lumingon siya sa akin.

"Good morning, wife." sweet na bati ko.
How can someone look this fine after waking up?

"Good morning, wifey." inaantok niyang sagot, nanatiling nakayakap ang isang braso niya sa katawan ko. She's so clingy.

"Anong oras ba klase mo ngayon?" i asked.

"8 AM." inaantok parin niyang sagot.

"Go get yourself ready, baka malelate ka nyan."

"Mamaya na." mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagyakap sa akin. Nakadantay ang ulo niya sa balikat ko.

"Baby, maghanda ka na para sabay na tayo aalis. Ihahatid kita sa school nyo."

Umungol siya bilang protesta. "But I'm still sleepy."

"Maggie, huwag kang batugan bumangon ka na dyan. Pareho tayong malelate sa ginagawa mo."

Bahagya siyang nag-angat ng tingin. "Ang bossy naman ng misis ko."

Lihim akong kinilig. "Just get up already."

Mahina siyang natawa saka bumitaw na mula sa pagyakap sakin. Akma na din sana akong babangon pero laking gulat ko nang bigla niya akong buhatin.

"Maggie!" napakapit ako sa leeg niya ng wala sa oras.

"What?" she acted innocent.

"Matutumba tayo! Ang bigat ko kaya."

We Got Married (ɢxɢ) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon