Hindi pa ako tuluyang nakalabas ng classroom ay tinawag na ni Maureen ang pangalan ko. Kakatapos lang ng klase niya sa subject na Media Ethics at pupunta na sana ako sa library."Ano po 'yon, Ma'am?" i asked.
"Are you busy?"
Medyo nag-hesitate akong sumagot. "Uhm pupunta sana ako sa library, bakit po?"
"Ah so busy ka nga."
"Di naman po masyado, tatambay lang ako 'don saglit habang hinihintay yung next class ko, bakit nga pala?"
Ngumiti siya ng matamis. "Gusto sana kitang imbetahan dyan sa labas para mag milk tea."
Medyo nag-aalangan ako ng konti dahil baka makikita ulit kami ni Theia na magkasama tulad 'nong isang araw. Selosa pa naman ang asawa kong 'yon. Pero nahihiya din akong tumanggi sakanya dahil bukod sa tinulongan niya akong makapasok sa RIBC, professor ko rin siya.
"Uhm pwede naman ma'am, kaso..." napakamot ako sa aking batok. "Baka kasi makita tayo ni Theia e, baka awayin na naman ako 'non."
Maureen laughed. Amusement dance on her eyes. "I get it."
Awkward akong ngumiti. "Pasensya na po."
"It's alright, I understand. How about dyan nalang tayo sa school caf? Okay lang ba?"
Ayoko sanang bigyan ng meaning ang pag-aaya niya kaso nakakapagtaka lang dahil sa lahat ng mga estudyante dito ay sakin lang siya ganito.
Perhaps Theia was right, baka nga may gusto 'tong si Maureen sa akin. Pero batid ko hindi yun ang kanyang rason dahil wala naman siyang ipinapakitang motibo na gusto niya ako. At isa pa, alam niyang committed ako diba? So why would she do that? Unless isa siya sa mga babaeng walang paki-alam kung kasal man o hindi ang taong kanilang nagugustohan. I need to avoid her if that is the case. Ayokong umabot sa point na pag-aawayan namin ito ni Theia.
I took a long breathe and was about to decline when she spoke again.
"Kung iniisip mo na may gusto ako sayo, pwes uunahan na kita. You're wrong, Maggie. Wala akong gusto sayo." aniya habang mahinang humalakhak.
Napakurap-kurap ako at hindi agad nakareact.
Mind reader ata ang isang 'to."Look, hindi ka ba nagtataka kung paano ko nakilala yung mama mo?" tanong niya habang nakangiti.
Natigilan ako. Bigla ko tuloy naalala ang mga pinag-usapan namin 'nong isang araw.
"I'm still curious though." honest kong sagot.
"Are you interested to know more about it?"
Saglit ko siyang tinititigan. Ngayon ko lang na-realize na parang pamilyar sa akin ang kanyang mukha, yung tipong parang nakikita ko na siya dati pero hindi ko lang matukoy kung saan at kung kailan.
"Well?" untag niya.
I found myself nodding. Sabay kaming lumabas ng classroom at nagtungo sa school cafeteria.
BINABASA MO ANG
We Got Married (ɢxɢ) ✔️
Romance~ COMPLETED ~ Side story 1 of Sweet Surrender 🦋 Started: July 24, 2021 Ended: October 30, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 ****UNEDITED****