CHAPTER 1

42 2 2
                                        

Pangatlong araw na namin dito sa bagong bahay na aming tinitirhan at hindi pa kami nakakapamasyal dahil busy pa si papa sa kaniyang trabaho.


Dahil wala akong magawa lumapit ako kay
mama na busy sa pagluluto ng aming pang tanghalian.



"Ma pwede po ba tayong mamasyal bukas para rin po na masanay na kami dito sa Maynila,"ngiting ngiti kong sabi.


Lumingon sa'kin si mama at ngumiti "Oo Athenna anak ipapasyal tayo ng papa mo bukas dahil day off niya naman, gusto daw ng papa mo na makita natin yung mga nag gagandahang parke at pasyalan dito sa Maynila."


Naexcite ako ng sobra dahil sa sinabi ni mama. "Excited nako ma para bukas saka gusto ko din makakita ng mga gwapo dito si Maynila," natatawang biro ko.




"Aba Athenna kaw talagang bata ka. Alam mo naman diba na kaya lumipat din tayo dito dahil para makapag aral ka, mag sesenior high kana sa susunod na buwan kaya dapat pag aaral ang pagtuunan mo ng pansin hindi yung mga ganiyan," inis na tugon ni mama.


Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa sinabi ni mama.

Alam ko naman na lahat ng sinabi ni mama and syempre mag aaral pa rin naman ako ng mabuti na may kasamang harot haha. Hilig ko talaga ang gwapo syempre sino ba naman may ayaw sa gwapo diba. Napakataas ng standards ko pero yung mga nagiging jowa ko hindi pasok sa standards na gusto ko pero mababait naman sila and marespeto kaya nagustuhan ko din sila. Sabi ko nga eh "Kahit gaano pa kataas standards mo para sa lalake kapag nakatagpo ka ng isang tao at nahulog ka, mababaliwala lahat ng mga 'yon," kahit na hindi sila physically attracted, at hindi sila yung inaasahan mo na makasama.


For me, my definition of love is those who doesn't look at the appearance and status of life that a person has, as long as you are respectful, kind and  loving and he can accept all your flaws and imperfections, I thinks that's love. And of course God should not be lost at the center of everyone's relationship. I think when you find that kind of person, you can just say that he's the perfect one.

                             
   
                             ****



Maya mayang 1pm ay aalis na kami nila mama para mamasyal, dadalhin ko ang cellphone ko para mag picture at may maipost sa instagram (mahirap lang kame pero dapat may pang post sa ig haha) antagal ko na din ksi hindi nakapag post naghihintay na mga fans ko charot. Pagdating namin dun pipicturan ko ang mga magagandang view na madadaanan namin at isesend ko sa mga kaibigan ko sa Baguio, namimiss ko na mga kulitin namin.


Nagsuot ako ng white crop top and black fitted skirt with pair of white shoes. Sinuot ko din ang sunflower necklace na binigay ni trixie (isa sa malapit na kaibigan ko) at ang bracelet na binigay ni Lola nung bata pa ako, syempre kailangan maging bongga suot natin baka mamaya makakita ako ng gwapo. Nakahanda na kame para umalis ngunit wala pa si papa kaya inantay namin siya.


Naiinip ako dahil 2 pm na wala pa rin si papa kaya minabuti ko na magtanong kay mama.


"Ma asan na si papa? akala ko po ba 1 pm aalis na tayo?" bored na tanong ko.


Lumingon si mama sa'kin pagtapos niya na magtipad ng text kung kanino. "Malapit na ang papa niyo, natagalan lang sya dahil kinuha niya yung sasakyan ng amo niya para gamitin natin sa pamamasyal," nakangiting sambit ni mama.



Kaya pala kanina pa busy si mama sa pag tetext 'yun pala si papa yung ka text niya.


Nakarinig kami ng ingay ng sasakyan kaya nagpaunahan ang mga kapatid ko na lumabas. Ako naman ay nagpahuli ng labas para isure kung patay naba ang ilaw at efan, mahirap na baka mamaya masunugan pa kame. Namangha ako sa montero na dala ni papa, talagang mayaman ang amo niya.


Nakapasok na kami sa loob ng sasakyan at kita ko sa mga mata at labi ng kapatid ko na sila ay nasisiyahan. Bigla kong naisip yung mga pangarap ko para sa mga kapatid ko, gusto ko na pag nakapagtapos ako ng pag aaral susuportahan ko sila sa mga gusto at kailangan nila. Gusto ko na maging maganda at maginhawa ang buhay namen. Kaya diko napigilan na hindi mapaluha dahil sa mga pangarap ko para sa kanila.


Dahil isang oras ang biyahe patungo sa pupuntahan namin naisipin ko na tawagan ang mga kaibigan ko sa Baguio kesa matulog.


"Hi Trixie!" masayang bati ko.


"Hello Athenna! Miss na miss na kita alam mo ba yun huhu!" naiiyak na sabi niya.


"Miss na miss na din kita sabunutan, joke lang. Imissyou more! Alam mo ba na papunta kame ngayon sa pinakamagandang pasyalan sa Manila!" masayang banggit ko.


"Parang gusto ko na din tuloy pumunta diyan! Wag kang painggit ha. Sendan moko picture ha? para ket man lang sa picture makita ko hahaha," hindi ko maiwasan na mamiss itong bruhang 'to.


"Oo naman, Ikaw pa malakas ka sakin eh. Sige na bruha ka tawagan nalang ulit kita mamaya! iloveyou!"


"Sigee bruha ka din! mwuah!" binaba ko na ang tawag at napangiti ako dahil sa usapan namin ni Trixie.




Maya maya ay nakarating na kame sa tinatawag nilang Intramuros, andaming view na pwedeng ipost sa ig kaya dali dali kong nilabas ang phone ko para magpicture. Pinicturan ko din ang mga kapatid ko para naman may memories sila dito sa Manila, nag family picture din kame para maipost ko sa ig at facebook. Pagtapos namin mamasyal, kumain din kami sa Mang inasal na malapit sa Luneta Park. Sobrang saya namin dahil first time namin na mamasyal kaso nga lang yung tatlo kong kuya ay nasa Baguio dahil andun ang kanilang mga pamilya.




Gusto ko sa susunod na pasyal namin hindi na namin iisipin kung kasya ba yung pera namin at kung may sasakyan ba kami. Promise ko sa kanila na gagawin ko lahat para makaginhawa kame sa buhay.



Habang nag ccr sila mama, lumabas muna ako para magpicture ulit. Maya maya habang naglalakad ako may nabunggo akong isang lalake na namamasyal din ata dito. Lilingon na sana ako para mag sorry kaso nga lang biglang may tumawag at si mama 'yon, kaya dali dali akong bumalik sa loob dahil aalis na daw kame


Bago kami makaalis ay sinabi ni papa na pupunta daw kami sa bahay ng amo niya. Kaya na excite kaming lahat.

The Perfect OneWhere stories live. Discover now