CHAPTER 8

8 0 0
                                        



Ako ang unang ibinaba ni papa dahil mauuna ang bahay namin kila Kalix. Nang makababa na 'ko bumaling ako kay papa at nagpaalam. "Salamat pa sa paghatid," ngiting sabi ko. Ngingitian ko sana si Kalix kaso pagbaling ko sa kaniya ay nakatingin lang siya sa harapan kaya minabuti ko na lang na pumasok sa loob.

Nang makapasok ako sa loob nakita ko sa sala ang mga kapatid ko na naglalaro. Hinanap ko agad si mama dahil hindi ko ito makita.

"Oh Aliyah asan si mama?" tanong ko sa pang lima kong kapatid.

Tinigil niya ang kaniyang paglalaro at tumingin sa akin. "Umalis si mama ate."

"Saan daw nagpunta?" nagtataka kong tanong.


"Hindi ko alam ate. Basta sabi sakin ni mama bantayan ko daw sila Cesca." Si Cesca ay ang bunso sa aming lahat. Tumango na lang ako at pumasok sa kwarto para magbihis.


Nang makapagbihis nako lumabas na ko sa cr at diretsong humiga sa kama. Wala akong magawa kaya inilibas ko na lang ang phone ko para malibang. Naalala ko si Angel kaya dali dali kong hinanap ang kaniyang facebook account. Nang mahanap ko na ito agad kong inistalk ang account niya at kita pa lang sa bawat pictures at pinupuntahan niya na may kaya sila. Agad kong pinindot ang add friend para pag may itatanong ako ay dito ko na lang siya kakausapin.

Hinanap ko naman ngayon ang account ni Kalix at ng makita ko ito bigla akong napanguso dahil naka locked ang profile niya. "Napaka private naman nitong tao." Bulong ko sa sarili. Iaadd ko na sana siya kaso bigla akong nahiya at baka hindi naman niya ito iaccept.

Nakaramdam ako ng antok kaya minabuti ko na lang na matulog. Bigla akong nagising dahil sa ingay na nagmumula sa labas. Tinignan ko ang orasan at alas kuwatro na pala, gusto ko pa sanang matulog kaso naisip ko na baka hindi ako dapuan ng antok mamayang gabi. Lumabas na ako ng kwarto at tinignan kung bakit ang ingay ng mga kapatid ko.

Paglabas ko kita ko ang mga kapatid ko na may hawak hawak na mga paborito nilang pagkain.

"Saan galing yan?" tanong ko sa kanila.

Lumabas si mama galing kusina. "Namili ako anak ng mga kakailanganin natin dito sa bahay." Ngiting sabi ni mama. Tinignan ko ang lahat ng pinamili ni mama at napakadami nito.

"Dapat ma hinintay mo na lang ako na makauwi para sana natulungan kita magbitbit."

"Yun nga sana balak ko nak, kaso sabi ni papa mo susunduin niya ako pagkatapos ko mamili."

"Sumahod na ba si papa ma?"

"Oo nak kaya namili ako." Tumango na lang ako at bumalik na si mama sa kusina para mag ayos.

Lumapit ako sa mga pinamili ni mama at tinignan ko kung nakabili ba siya ng paborito kong pagkain. Natuwa ako dahil may nakita akong chuckie at martys. Agad ko itong kinuha at kinain.

Alas nuwebe na ng gabi at tapos na ako maghilamos ng naisipan kong magbukas ng mga social media accounts ko. Tinignan ko kung inaccept na ba ni Angel ang friend request ko. Natuwa ako dahil friends na kami sa facebook at nakita ko na nag iwan siya ng message.

"Hi Athenna! Sabay tayo pumasok bukas ha? Sa ground floor tayo magkita."

Ngumiti ako at agad na nag type. "Sure Angel! See you tommorow!"

Halos alas onse na ako nakatulog at narinig ko ang alarm ko kaya agad agad akong bumangon. Gusto ko pa sanang bumalik sa kama para matulog ulit saglit kaso naalala ko na may usapan pala kami ni Angel.

Tapos na akong kumain at handa na akong pumasok. Saktong ala sais ako umalis ng bahay. Nag commute na lang ako at agad kong nakabisado ang daan dahil ayaw ko nang abalahin si mama. Nakarating na ako sa school at pag pasok ko ay wala pa si Angel, kaya inintay ko na lang siya.

Onti pa lang ang mga pumapasok dahil maaga pa. Habang tumitingin ako ng mga pumapasok sa gate ay nakita ko si Angel na kumakaway sa akin at agad siyang lumapit.

"Sorry ngayon lang. Si papa kasi inutusan pa yung driver namin kaya ayun natagalang umalis." Pagpapaliwanag niya sa akin.

Ngumiti ako. "Okay lang no! Saka medyo kakarating ko lang naman."


Bigla niyang inilagay ang kamay niya sa aking braso. "Tara na akyat na tayo." Aya niya sa akin.


Pagpasok namin sa room agad kong tinignan ang upuan ni Kalix at kita ko na nandun na siya at nakikipag tawanan sa kaibigan. "Akala ko late na naman siya." Bulong ko sa sarili.

Biglang napalingon sa'kin si Angel. "May sinasabi kaba?" nagtatakang tanong niya.
Umiling na lang ako at tipid na ngumiti. Bigla akong kinabahan baka mamaya ay narinig niya.

Nakaupo na kami at iniintay na lang ang teacher namin. Dumating na ang teacher namin sa math at agad siya na nagturo. Hindi ko halos naintindihan ang itinuro ni mam. Matalino ako pero pagdating sa math nabobobo ako, ewan ko ba.


Pagtapos magturo ng prof namin umalis na siya agad at nag iwan ng assignment at mga requirements para sa kaniyang subject.





The Perfect OneWhere stories live. Discover now