Habang nag dadrive si papa bigla siyang lumingon sa'kin. "Ikaw Athenna pag nakarating na tayo dun sa bahay ng amo ko bantayan mo mga kapatid mo ha baka maglikot mga yan." Seryosong sabi ni papa.
"Opo papa," sabi ko.
Dahil sa sinabi ni papa, binulungan ko mga kapatid ko na huwag maglikot at palagi lang na tumabi sa akin.
Nakarating na kame sa bahay ng amo ni papa ay hindi mo pala 'to matatawag na bahay dahil sobrang lake neto, actually mansyon na ito kaya manghang mangha kami pagbaba namin ng sasakyan. May sumalubong na guard sa amin para kami ay papasukin.
"Magandang araw po," bati nung guard sa amin.
"Magandang araw din po kuya," sabi ko.
Pagkapasok namin andami ko nakitang mga katulong. Pano ba naman hindi maraming katulong eh ang laki ng mansyon nila.
May isang lalake na naka coat ang lumapit sa amin. Parang mga mayayaman lang sa pelikula ang peg. Kinausap nung mayamang lalake si papa at si mama, mukha siya ang amo ni papa. Bigla niya binaling ang mata niya sa aming magkakapatid.
"Oh eto naba mga anak mo Roberto?" nakangiting sambit niya.
"Opo boss sila po mga anak kong magaganda at gwapo," natatawang sambit ni papa.
Syempre maganda tlga 'ko panlaban nga ko sa Flores de Mayo palagi eh dahil matangkad daw ako, maputi, at matangos ang ilong at syempre may angking talino din naman.
"Oh sya pumasok na kayo, nagpahanda ako ng hapunan para sa inyo."
Tumango nalang kame bilang sagot.
Pagpasok namin napatulala ako sa ganda ng kanilang bahay at sa mga gamit na mamahalin, kaya natatakot ako baka may masagi o mabasag kami dito, mas mahal pa ata mga gamit nila kesa sa buhay namin. Andaming pagkain ang nakalatag sa lamesa at andun pa ang mga favorite ko. Natatakam na tuloy kame kumain.
Nakaupo na kame at hinihintay namin ang asawa at anak nung amo ni papa. Bigla ako makaramdam ng lungkot para sa'min dahil ang swerte nila kasi for sure nakukuha nila yung gusto nila at hindi sila nagshoshort sa pera. Napangiti nalang ako dahil kahit hindi kami mayaman sobrang saya namin palagi and I'm still grateful to have them in my life.
Nag umpisa na kaming kumain. Habang kumakain ako inilibot ko ang mga mata ko sa buong Mansyon nila dahil ang gaganda ng mga vase at mga paintings na nakadikit. Maya maya ay bigla akong napatingin dahil may pumasok sa pintuan nila pero iniwas ko agad ang tingin ko kasi baka mamaya sabihin nila na sobrang manghang mangha ako sa bahay nila (pero totoo naman)
Bigla ko narinig ang Asawa nung boss ni papa na nagsalita.
"Oh ayan na pala ang anak mo Edward,"sabi nito sa asawa.
"Kalix pumunta ka muna dito at may bisita tayo."
Napatingin ako dun sa anak nila at bigla akong napatigil sa pagkain ko dahil shet ang gwapo niya! Matangkad, matangos ilong, maputi, at sobrang bango amoy na amoy ko hanggang dito.
"Hi mom and Dad," bati nito sa magulang.
"Oh anak batiin mo din yung asawa at mga anak ni Kuya Roberto mo," nangiting sabi ng boss ni papa.
Tumingin at ngumiti siya kay mama at sa mga kapatid ko. "Good evening po," bigla syang napatingin sa akin na puno ng pagtataka, hindi ko alam kung bakit. Hindi siya nagsalita pero nakatingin pa din siya akin kaya pinilit ko ngumiti ng maayos sa kanya bilang pagbati kahit na sa kaloob looban ko ay kinikilig nako. Jusko Lord sobrang gwapo niya. Matutunaw na po ako sa titig niya parang awa niyo na po.
Bigla niyang inalis ang tingin niya sa akin kaya nakahinga nako ng maluwag. Akala ko mamamatay na ko sa kilig.
"Mom, Dad akyat na po ako."
"Hindi kaba sasabay sa amin kumain?" tanong ng mama niya
Bigla sya ngumiti at umiling. "I'm still full Mom," sagot niya. Nagpaalam na siya at umalis.
Biglang lumingon ang Asawa ng boss ni papa na si Alejandra. "Pagpasensyahan niyo na hindi makakasabay yung anak ko, kakatapos lang daw nila kumain ng mga friends niy," tumango tango naman sila mama bilang pagsagot.
Habang kumakain ako di maalis sa isip ko yung ngiti niya na mala anghel. Hinihintay ko pa namn na sabihin buo niyang pangalan para maisearch ko sa facebook. Buti nalang andyan si papa.
Tapos na kame kumain at nagpaalam na sila mama na kami ay uuwi na.
"Mag iingat kayo sa pag uwi ha? salamat dahil pinaunlakan niyo ang imbitasyon ko." nakangiting sabi ng boss ni papa.
Ngumiti din kame ng mga kapatid ko bilang pagtugon. "Opo boss salamat ng marami, dahil pinaunlakan mo ang pamilya ko na dito maghapunan," nakipag shake hands si papa sa boss niya.
Tumango ito. Akala ko mag cocomute kami pauwi pero sinabihan pala nung boss ni papa na kami ay ihatid nung isang driver nila dito.
Nakaramdam ako ng saya at lungkot dahil nakita ko yung gwapo nilang anak at nalungkot ako dahil baka hindi ko na siya makita ulit. Saka nakakahiya naman na pag palagi kami andun sa bahay nila.
Hindi ako naniniwala sa Love at first sight, pero ngayon nagbago na isip ko. Grabe onti nalang madudukot niya na puso ko. Totoo ngang madaming gwapo dito sa Manila at ang fefresh at babango pa tignan. Bigla tuloy ako ginanahan na tumira dito habang buhay.

YOU ARE READING
The Perfect One
RomansaI'm Jericha 20, 2nd year college student. I start making a story because I want to enhance my skills in writing, and to broad my imagination and ideas. I'm just a beginner, so i hope you guys bear with me. Thank you YISES! Start: July 26, 2021