CHAPTER 7

11 0 0
                                        


Hindi ako makagalaw ng maayos dahil na didisttract ako sa presence ni Kalix! Tuwing titingin ako sa gilid nakikita ko siya na nakatingin sa harapan at nakikinig, chill lang siya samantalang ako hindi na mapakali.

Last subject na namin itong P.E kaya maya maya ay uuwi na kami. Nag aayos na ng gamit si Sir para lumabas kaya ang mga iba ko ding klasmeyt ay nag aayos na din ng mga gamit at ng sarili, habang ako naman ay nag pulbo at liptint lang  para hindi haggard tignan pauwi. Tinignan ko si Angel na nag aayos na din ng mga gamit.

"Okay class dismiss," sabi ni Sir at umalis. Nagsilabasan na isa isa ang mga kaklase ko dahil 1pm na at tapos na ang aming klase ngayong first day of school.

Nakita ko si Angel na papalapit sa akin. "Tara Athenna sabay na tayo lumabas," aya niya sa akin. Ngumiti naman ako bilang pagtugon.

Nang  palabas na kame ng room lumabas na rin sila kalix at mga kaibigan niya.


Bigla ako hinawakan ni Angel sa braso. "Kain muna tayo sa labas bago umuwi."


Ngumiti naman ako. "Tara, ilibot mo na rin ako dito sa lugar niyo, hindi ko pa kasi kabisado eh," kita ko na lumingon siya at ngumiti

Palabas na kami ng gate at  bago kami lumabas  ay may biglang humarang sa harapan namin.

Tumingin siya sa akin at nagsalita. "Tito Robert texted me, he said he would take you home with me," said Kalix.

Nagulat ako dahil nasa harap ko siya at hindi ako agad nakapagsalita. Nakatingin lang lahat sila sa akin kaya kinalma at inaayos ko ang sarili.

"Wala namang text si papa or mama sa akin na susunduin nila ako." Pagkatapos ko sabihin iyon inilabas ko ang phone ko at  chineck, pagtingin ko meron ngang text si mama na sasabay daw ako kila Kalix pauwi.

Tumingin ako sa kaniya at naka angat na ang isa niyang kilay. "Ang taray naman netong lalakeng to," sabi ko sa isip ko.

Bumaling ako kay Angel. "Ahm Angel bukas na lang tayo lumabas nag text si mama sabay daw ako kay Kalix pauwi."

"Oh sige bukas na lang. Ingat kayo pag uwi ha?"

"Oo, ikaw din ingat ka," bigla siyang lumapit at niyakap ako. Nakaramdam ako ng tuwa sa puso ko dahil ganoon din kami ng mga kaibigan ko dati tuwing uwian namin.

Biglang nagsalita si Daniel at tumingin kay Kalix. "Magkakilala kayo kalix?" nagtatakang  tanong niya.

Tinignan naman ni Kalix ang kaibigan. "Yes," maikling sagot niya.

"Sige bro ingat kayo," tumango naman si Kalix. Nagulat  ako ng bigla niya akong hawakan sa braso. "Let's go Athenna," seryosong sabi niya.

Habang hatak hatak ako ni Kalix lumingon ako para kawayan si Angel. Tinignan ko ang kamay ni Kalix sa braso ko, nakaramdam ako ng kilig dahil sa ginawa niyang yon.

Nasa parking lot kami ngayon at hinihintay namin si papa na dumating. Tinignan ko nang palihim si Kalix at gulat ako dahil nakakunot na ang noo niya na nakatingin sa akin.

"What?" biglang tanong niya.

"Ha? anong sinasabi mo diyan?" shet mukhang nahalata ata ako.

"why are you looking at me?"

"Ikaw titignan ko? Asa ka," pag mamaang- maangan kong sagot.

Bigla siyang napangisi sa sinabi ko. "Liar."

"Hoy aba hindi naman talaga kita tinitignan! Sinisilip ko lang kung andiyan na ba si papa. Nakaharang ka kasi kaya kala mo ikaw tinitignan ko," pagsisinungaling ko. Nagulat ako dahil bigla siya tumawa.

Kunot noo ko siyang tinignan "Why are you laughing ha?"

"Nothing." Seryosong sabi niya.

"Baliw ata 'to bigla bigla nagbabago mood," bulong ko sa sarili.

Dumating na si papa at sumakay na kami. Si Kalix ay sa front seat nakaupo katabi si papa at ako naman ay mag isa lang dito sa likod.


"Oh anak nagkausap na ba kayo neto ni Kalix?" tanong sa akin ni papa

"Ahh opo papa..." naiilang kong sagot.

"Kumusta naman ang first day of school niyo?" tumingin siya kay KalIx.

"Okay lang po tito Robert." Jusko marunong naman pala magtagalog eh, english pa ng english.

Naiilang ako at di mapakali dahil kasama ko ngayon si Kalix. Hindi ako makatingin sa kaniya dahil baka makita niya 'ko sa side mirror at mahuli na naman niya ako diko na alam anong sasabihin ko.

Biglang nagsalita si papa. "Siya nga pala Kalix, binilin sa akin ng papa mo na sasabay na sayo palagi si Athenna umuwi. Sabi ko nga wag na kaso ayaw paawat ni papa mo," tumatawang sambit ni papa.

Tinignan ko si papa at nagulat ako sa sinabi niya.

"Its okay tito. No problem."


"Thank you talaga nak," ngiting sabi ni papa at tinapik sa balikat si Kalix.


Naalala ko na bukas pala ay mamamasyal at kakain kami ni Angel kaya kailangan ko nang magpaalam.


"Ah papa bukas nga po pala lalabas kami ng bago kong kaibigan pagtapos po ng klase namin."


"Hindi ka sasabay kay Kalix pauwi?"



"Opo papa. Ipapasyal daw po kasi ako ni Angel at kakain daw po kame."



"Mag-commute ka na lang bukas ha? kabisado mo na naman ata pauwi sa'tin? saka magpaalam ka din sa mama mo."


"Yes pa. Salamat po!" masayang sagot ko.


Napansin ko na nakatingin sa'kin si Kalix sa side mirror kaya tinignan ko siya at bigla niyang iniwas ang mga mata niya at tumingin na lang sa harapan.



Nakaramdam ako ng kilig dahil tinitignan niya din pala ako kapag hindi ako nakatingin or wala yung atensyon ko sa kaniya.

The Perfect OneWhere stories live. Discover now