CHAPTER 6

9 0 0
                                        


Alas nuwebe ng umaga si mam saktong umalis sa aming room at wala na kaming susunod na subject dahil break time na namin. Nagsilabasan na ang mga klasmeyt ko para kumain. Napansin ko na kami na lang nila Angel, kalix at mga kaibigan niya ang natitira sa room.

Bigla akong kinalabit ni Angel. "Tara Athenna bili tayo ng pagkain sa canteen," aya niya sa akin.


"Sige. Nagugutom na rin ako eh," nakangiting sabi ko. Tumayo na kaming dalawa at hindi pa kami nakalalabas ng room ng biglang may tumawag sa kaniya.


Nagsalita ang isang kaibigan ni Kalix. "Oh Angel pakilala mo naman kami sa kasama mo," nakangising banggit nito.



Dahil nasa likod ako ni Angel hinatak niya 'ko para mapunta sa harapan. "Eto nga pala si Athenna Beatriz bago kong kaibigan."



Biglang naglahad ng kamay ang kaibigan ni Kalix "Hi Athenna, I'm Daniel. Nice meeting you," nakangiting banggit niya.

Inilahad ko din ang kamay ko at ngumiti. Baka kasi sabihin niyang masungit ako. Kita ko sa gilid na nakatingin si Kalix sa mag-kahawak na kamay namin ni Daniel.

Biglang nagsalita si Angel. "Oh hindi ba kayo kakain? tara sabay na kayo sa amin ni Athenna."


"Sige na mauna na kayo, mamaya pa kami bababa nila Kalix,"sabi ni Daniel. Tinignan ko si Kalix na nakatingin lang din sa amin. Nagulat ako dahil bigla niya akong tinignan kaya iniwas ko ang mata ko baka mamaya mahalata niya na gusto ko siya.


Lumabas na kami ng room at pumunta na kami sa canteen para kumain.



"Ano bibilhin mo Athenna?" tanong sakin ni Angel.


"Footshort at biscuit lang akin saka pala water na din wala kasi akong dala eh," tumango naman siya.


Si Angel na ang umorder ng aming pagkain. Sa room na lang namin kakainin ang binili namin dahil madami nang tao dito.


Umakyat na kami sa room at andoon na din ang ibang mga klasmeyt namin na kumakain. Kaniya kaniya silang pwesto ang iba ay nakabilog pa ang upuan at sabay sabay kumain. Namiss ko tuloy yung mga kaibigan ko nung high school, ganyan din kame sabay sabay kumakain at nagtatawanan. Dahil ngayon nasa Maynila na ako kailangan ko mag adjust sa mga tao dito kaya nagpapasalamat ako dahil may kaibigan agad ako at yun ay si Angel.


Habang kumakain, kami ay nag kukwentuhan ni Angel.



"Athenna bakit ka nga pala dito nag aral sa Maynila?" tanong niya.


"Dito kasi nagtatrabaho si papa, saka papa ni Kalix yung amo niya," nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya. "Tapos sabi sa'kin ni mama kahapon kinuha daw ako ng papa ni kalix bilang scholar kasi nakwento daw ni papa na lagi akong may honor kaya ayun andito 'ko sa mamahaling school," natatawang sabi ko.

"Ay papa mo pala yun kaya pala kamukha mo," nakangiting sabi niya.


Nagtataka akong tumingin sa kaniya. "Nakita mo na si papa?"



"Oo, ilang beses pa nga eh. Sa tuwing pumupunta kasi kami kila Kalix andun siya palagi sa bahay kasa-kasama si tito Edward. Sobrang bait kaya ng papa mo, kala ko nga nung una magkapatid sila ni tito Edward kasi sobrang close nila at sobrang close pa sila ni Kalix kala mo mag-ama," napangiti naman ako sa sinabi niya.


Ngayon ko lang nalaman na sobrang close pala si papa saka si Kalix. Mamaya magpapa kuwento ako kay papa about kay Kalix.



"Ahmm Angel asan pala yung mga kaibigan mo?" curious na tanong ko.

"Ah sila? Sa ibang school sila nag enroll eh. Hiwa hiwalay nga kame eh," natatawang sabi niya. "Saka kahit sumunod ako sa kanila, hindi pa rin ako papayagan ni papa. Gusto niya kasi yung malapit lang saka bantay sarado din ako ng driver namin," kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

Pagkatapos niyang sabihin yun hindi na ako nagtanong baka kasi ayaw niyang pag usapan. Binaling ko na lang ang tingin ko sa harapan dahil andito na pala ang teacher namin sa P.E

Nagpakilala na ang P.E teacher namin at nagsabi na din siya kung ano ang dapat naming dalhin para sa susunod na klase at kung kailan namin susuotin ang pe uniform na ibinigay.

"Okay class, magkakaroon tayo ng limang grupo para sa mga tasks na ipapagawa ko sa inyo."

Agad akong tumingin sa direksyon ni Kalix. Umaasa ako na sana siya ang maging isa sa mga kagrupo ko.


Nagbilang kami hanggang lima at ang magkaka grupo daw ay tabi tabi sa upuan tuwing subject niya. Kaya pumunta ako sa pwesto na sinabi ni Sir, titignan ko sana ang ibang mga kagrupo ko kaya lang nagulat ako dahil nasa likod ko si Kalix nakaupo. Shems dininig ni Lord ang panalangin ko! Ka grupo ko nga siya at for sure na mapapalapit ako sa kaniya lalo.










The Perfect OneWhere stories live. Discover now