CHAPTER 4

22 0 0
                                        



Nakauwi na kami at inihanda ko na ang uniform at bag ko para bukas. Tuwang tuwa ako dahil gray ang uniform ko at purple naman ang palda. Binigay din pala sa akin ito kanina kasama ang id. Tinignan kong mabuti kung na sa bag na ba lahat ng gamit na kakailanganin ko.


Kumatok ako sa pintuan nila mama para magtanong. " Mama saan mo po pala kinuha yung pambayad ng tuition ko?"



"Hindi ako ang nagbayad ng tuition mo anak, kung hindi yung amo ng papa mo," nagtataka naman akong tumingin sa kaniya.


Na bother ata si mama sa itsura ko kaya nagsalita ulit siya. "Kaya dito ka nag aral sa Maynila kasi kinuha ka ng amo ni papa mo bilang scholar nito. Nakwento kasi ni papa mo na may honor ka at matalino kang bata," nakangiting sabi ni mama.



Kaya pala ang ganda ng school ko kasi amo pala ni papa ang may sagot sa pag aaral ko. Ipapangako ko na hindi ko sasayangin itong opportunity na ibinigay sa akin para makapag aral sa pribadong paaralan.




                             ****



Nagising ako dahil sa alarm ko
pagtingin ko sa cellphone 5 am na at ang pasok ko ay 6:30 am kaya may isa't kalahating oras pa ako para maghanda.

Paglabas ko ng kwarto naghahanda na si mama para sa almusal ko.

"Oh anak gising kana pala, eto oh itlog at hotdog ang niluto ko para ganahan ka sa pagkain at sa pagpasok mo," ngiting ngiting sambit ni mama.


Natuwa ako dahil mga paborito ko ang niluto ni mama. Pagkatapos ko kumain diretso ako agad sa cr. Suot suot ko na ang uniform ko at bagay na bagay ito sa akin! Ang sexy ko tignan sa uniform ko. Naglugay lang ako ng buhok dahil basang basa pa ito.


Sinamahan ako ni mama na pumunta sa school dahil hindi ko pa kabisado ang daan, kaya habang na sa jeep kami sumisilip ako sa bintana at tinatandaan ang daan papuntang school para sa susunod ako nalang mag isa mag cocomute. Ayaw ko na din pahirapan si mama na gigising lagi ng maaga para ihatid ako.


Nakapasok na ako sa school at umalis na si mama. Kinakabahan ako dahil first day of school and wala akong kilala dito ni isa.  Nasa thirdfloor ang room ko kaya kinakailangan kong umakyat ng hagdan.


"Asan kaya yung room ko dito," tanong ko sa sarili.

Hinanap ko agad ang room ko dahil 6:20 na at 10 minutes nalang start na ng klase baka mapagalitan pa ako ng prof ko.



Nasa harap na 'ko ng room ko at kinakabahan akong pumasok dahil nahihiya ako.


Nagulat ako ng may biglang umakbay sa akin. "Hi? dito din ba ang room mo?" tanong sa akin ng isang magandang babae.


"Ah oo dito nga ang room ko," naiilang kong sagot.


"Tara na pasok na tayo sa loob, tabi na lang tayo ng upuan," aya niya sa akin.


Pumasok na kami sa loob at nandito na din pala halos lahat ng mga kaklase ko.

Bigla akong nilingon nung babaeng umakbay sa akin kanina. "Hi I'm Angel Addison," Pagpapakilala niya.


"Hello ako naman si Athenna Beatriz. Nice meeting you Angel," nakangiting sabi ko at inilahad ang aking kamay.


Biglang nawala yung hiya ko kanina dahil may nakaclose at nakilala agad ako.

Habang hinihintay ang iba pa naming kaklase nilibot ko ang mata ko sa buong room. Nagulat ako dahil pagtingin ko sa harap andaming nakatingin sa akin, kaya bigla kong iniwas ang tingin ko, buti na lang nagsalita agad si Angel.


"Pagpasensyahan mo na kung lahat sila nakatingin sayo, ikaw lang kasi ang transfer sa section na 'to eh."

"Ha? so magkakakilala na kayong lahat?" bulong ko dito.

Bigla naman sya ngumisi. "Oo. Halos lahat kasi ng nag aral dito galing sa Mabalakat High school. Hayaan mo mababait mga 'yan," pagpapakalma niya sa'kin.

Nahinto kami sa pag uusap dahil biglang dumating yung teacher namin.

"Good Morning class," seryosong bati nito.

Tumayo kami at bumati. "Good Morning Sir," masaya naming bati.

"Okay class you may sitdown," pag utos niya sa amin.


"You are now Senior high and umaasa ako na magiging matino kayong lahat at walang magiging pasaway."

Tumango kaming lahat bilang pag sang-ayon. Madami pa siyang binabanggit about sa rules and regulation at kung paano ang magiging takbo ng kaniyang pagtuturo.


Napatingin kami lahat sa pintuan dahil may bagong dating, at nagulat ako dahil kilala ko iyon.


"Oh Mr. Kalix, bakit ngayon ka lang?" tanong ni Sir sa kaniya.

"Sorry sir, I woke up late," pag-papaumanhin na sabi nito.


Tumango tango si Sir at tumingin sa aming lahat. "You should all be here before 6:30. Go to your seat Kalix."

"Thank you Sir," sagot ni Kalix.

"Okay class, we have a transfer from baguio. Can you stand in front and introduce yourself Ms. Athenna?" sir asked me.



Bigla ako nakaramdam ng hiya dahil tinawag ako ni sir at klasmeyt ko pa ang anak ng amo ni papa!


Tumayo ako at pumunta sa harapan. "Good morning Sir, good morning classmate. I'm Athenna Beatriz, 17 years old. I live in Baguio and came here to study," pagkatapos ko sabihin sa kanila yon ay nakita ko si Kalix na nakatingin sa akin kaya iniwas ko kaagad ang mata ko at tumingin ng diretso sa harapan dahil sa sobrang hiya.

"You can go back to your sit now Athenna," pag-utos ni sir. Agad naman ako na bumalik sa upuan ko.


"Tutal magkakakilala na kayong lahat hindi na kayo magpapakilala dito sa harapan. Dahil si Athenna lang ang transfer lumapit kayo sa kaniya para bumati at magpakilala."


Nahiya ako lalo dahil isa isa na silang lumalapit sa akin at nagpapakilala. Tapos na sila magpakilala at si Kalix ay andun pa rin sa upuan niya. Wala atang balak magpakilala sa akin, sabagay kilala ko na naman siya.


"Oh Kalix bakit hindi ka magpakilala kay Athenna?" tanong ni sir.


Biglang napatingin Si Kalix kay Sir. Akala ko ay hindi niya susundin si Sir, pero nakita ko siya na tumatayo at palapit sa akin. Shet kinikilig ako na nahihiya.

"Hi, I'm Kalix John Smith," bati niya sa akin. Ngumiti naman ako bilang pagtugon.



Umalis na siya at bumalik sa kaniyang upuan at doon lang ako nakahinga ng maluwag. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil sobrang lapit niya sa akin kanina. Halong kaba, kilig, at hiya ang naramdaman ko.


"Kalix John pala ang name niya so tatawagin kitang KJ," bulong ko sa sarili.

The Perfect OneWhere stories live. Discover now