CHAPTER 3

26 1 0
                                    

Pagdating sa bahay agad akong dumiretso sa kwarto namin para maligo at magbihis. Habang hinuhubad ko ang damit ko bigla ako nakaramdam na parang may kulang, agad kong kinapa yung necklace ko kung nakasuot pa din pero nagtataka ako bakit wala yung bracelet ko na bigay ni Lola. Agad kong hinanap sa kwarto baka kasi nahulog lang, pumunta din ako sa baba namin pero hindi ko pa rin mahanap.

Agad akong pumunta sa kwarto nila mama para magtanong. "Ma nakita niyo po ba yung bracelet ko na nakasuot sa akin kanina?"

Nilingon ako ni mama. "Yung bigay ng Lola mo?" tumango naman ako. "Kanina bago tayo umalis dito sa bahay nakita ko na suot suot mo."

"Opo ma suot suot ko siya bago umalis, pero ma hindi ko na napansin kung nasa kamay ko pa ba yung bracelet ko. Andami kasi nating pinuntahan kaya nalibang nako," halos maiyak iyak kong sabi.

"Bigay pa naman yan ng Lola mo Athenna kaya dapat iniingatan mo," umiiling na sabi ni mama.

Bigla akong napayuko at umalis na. Dumiretso na ako agad sa cr para maligo at magbihis. Iniisip ko kung saan ko iyon nawala and mahihirapan akong hanapin 'yon dahil andami naming pinuntahan kanina. Napakahalaga nung bracelet na 'yon kasi bigay yun ni Lola bago sya mawala, tandang tanda ko pa ang bilin niya na ingatan ko daw iyon dahil mula pa 'yon sa ninuno niya.

Kakatapos ko lang magbihis at maligo kaya dumiretso na agad ako sa kama para mahiga. Inilabas ko ang cellphone ko at sinubukan kong hanapin sa facebook yung name ni Kalix. Kanina tinanong ko si papa kung ano ang apelyido ng boss niya at sabi niya Smith daw kaya sinearch ko agad ito.

Ilang minuto na akong naghahanap sa pangalan niya pero hindi ko pa din ito makita. Naiinis nako dahil ang sakit na ng kamay ko kaka scroll para lang mahanap.

"Bakit kasi ang daming Kalix Smith sa mundo, hindi ko tuloy mahanap facebook niya," naiinis na banggit ko.

Nilingon ako ng kapatid ko at biglang nagsalita. "Sino si Kalix ate?" Nagtataka niyang tanong.

"Ayun yung lalake kanina dun sa mansyon ng amo ni papa."

"Bakit ate crush mo si kuyang pogi?" tinignan niya 'ko ng mapang-asar na tingin.

"Hindi ha! Hinahanap ko lang, kasi gusto ko magpasalamat." etong batang 'to chismosa baka mamaya mabuking pa ako neto jusko.


Dahil tinamad na ako maghanap, mas pinili ko na lang na matulog ng maaga dahil pupunta daw kami bukas ni mama sa magiging school ko.

 

                              ****

Pagkagising ko narinig ko agad si mama na tinatawag ako dahil daw baka malate kami sa oras na ibinigay. Kaya dali dali akong bumangon at nag inat inat. Actually inaantok pa din ako kahit maaga na ako natulog, ewan ko ba.

Nagsuot ako ng plain white t-shirt at blue jeans. Gusto ko sana mag sandals pero bawal daw kaya nag rubber shoes na lang ako para hindi kami masita ng guard roon. Baka kasi katulad ng guard namin sa school doon sa baguio na akala mo principal kung umasta. Lumabas na ako ng kwarto para mag almusal.

Nakabihis na si mama at ready na kaming umalis. Excited na din ako na makita yung bago kong school.

"Ma malapit lang ba yung school ko dito sa bahay natin?" tanong ko kay mama

"Isang sakay anak mula dito hanggang sa bago mong school."

Lalo akong na excite dahil pwede pa ako gumala bago umuwi. Nag commute lang kami ni mama dahil wala naman kaming sasakyan.

Nasa gate pa lang kami ng school na papasukan ko bigla akong namangha dahil sobrang laki at ang ganda nito.

Bigla akong lumingon kay mama. "Hala mama ang ganda ng bago kong school! Excited na po ako pumasok!" Tuwang tuwang sabi ko.

"Oo nga nak ang ganda nga," kitang kita ko sa mga mata ni mama na namamangha din sya sa bago kong school.

Pumasok na kami sa loob at mas lalo
akong namangha dahil napakalawak ng field at may statue pa ni Dr. Jose Rizal sa gitna. Inilibot ko ang mga mata ko at pinagmasdan ang magagandang room.

Sa probinsya kasi namin hindi ganto kaganda ang school pero malawak siya at maayos. Doon simple lang pero masaya dahil madami akong naging kaibigan at madami akong ala ala sa school na 'yon.

Pumasok kami sa Faculty para puntahan ang magiging teacher ko.

"Magandang araw po," sambit ng isang guro

"Magandang araw din po Ma'am," bati namin ni mama. Umupo na kami para maumpisahan na yung gagawin at sasabihin ni Ma'am.

"Inayos na po namin lahat ng papel at
dokyumento na ipinasa niyo sa amin, kaya nabigyan na po namin si Athenna ng kaniyang section." Nakangiting sambit ng guro.


Ngumiti din si Mama. "Maraming salamat po Ma'am. Sana po maging maayos ang pag aaral ng anak ko dito."


"Sinisigurado po namin iyon Ma'am dahil may mga rules po kami dito sa paaralan na ito at ang sinuman pong lumabag ay may parusa, kaya sinisigurado po namin na magiging maayos at madaming matututunan ang anak niyo. Lalo na po dahil ang ganda ng anak niyo. Marami po kaming mga events dito na puwede niyang salihan lalo na po ang beauty pageant, pwedeng pwede po siya." tinignan ako ni mam at ngumiti.


Ngumiti kami ni mama bilang pagtugon. Kinilig naman ako sa sinabi ni mam at lalo ako na excite dahil mahilig ako sumali sa mga beauty pageant na iyan.




"Athenna bukas na ang start ng klase mo kaya maghanda ka na, for sure madami ka magiging kaibigan dito. At isa pa nandyan na sa papel yung section, schedule at oras ng pagpasok mo araw araw," binigay ni Mam ang isang papel.



"Maraming salamat po Ma'am," nakipag shake hands ako at si mama.



Lumabas na kame ng Faculty para umuwi. Kumain muna kami ni mama sa isang fast food chain dahil kami ay gutom na.


The Perfect OneWhere stories live. Discover now