Dumating na ang next teacher namin at kita ko na nagmamadali siya.
"Good morning class. Hindi ako makakapagturo ngayon, may importante kaming meeting ngayon sa faculty," malungkot na sabi ni mam. Tinignan ko ang mga kaklase ko at kita ko sa mga mata nila ang labis na pagkatuwa. Sino ba naman hindi matutuwa sa binalita ni mam.
"Mag iiwan ako ng mga activities para sa susunod na pagkikita natin ay may alam na kayo sa aking ituturo," binigay niya sa president namin ang activity na aming gagawin. Bumaling si mam at nagsalita ulit. "Puwede niyo na itong sagutan ngayon kung gusto niyo para na din magawa niyo sa bahay yung mga assignment or activities niyo sa ibang subject," ngiting sabi ni mam.
Tumango kami bilang pag sang-ayon. Nakaalis na si mam at sinulat na ng president namin ang activities na aming gagawin. Nilabas ko ang notebook ko at nag umpisa nang magsulat.
Bigla akong kinalabit ni Angel. "Ngayon mo na ba gagawin yang mga activities?" tanong niya sa akin.
Tapos na ako magsulat kaya nilingon ko si Angel. "Hindi ko nga alam eh. Ikaw ba?"
"Sa bahay ko na gagawin."
"Sige sa bahay ko na lang din gagawin para isahan na lang tutal may assignment tayo sa math."
"Pag hindi mo alam or maintindihan magtanong ka lang sa akin para pareho tayong magiging itlog," natatawang sabi niya.
"Inaalala ko lang yung sa math, mahina kasi ako dun," natawa ko ding sabi.
"Ako na bahala sa math. I got you!" bigla siyang kumindat na ikinatawa ko.
Bigla kong naalala ang usapan namin ni Angel na lalabas kami pagtapos ng klase. Nilingon ko siya at nagsalita. "Ahm Angel tuloy ba tayo mamayang uwian?"
"Ay oo nga pala may usapan pala tayo. Oo tuloy tayo. Nakapag paalam kana ba?"
Tumango ako. "Oo nagpaalam ako."
"So hindi ka sasabay kay Kalix pauwi?"
Bigla akong nakaramdam ng tuwa dahil sa binanggit niyang pangalan. "Yap. Saka nung nagpaalam ako kay papa andun si Kalix kaya alam niya din."
"Ikaw ha baka mamaya mahulog ka kay Kalix!" natatawa niyang sabi.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. "Hindi ha! Alam ko namang gwapo siya at matalino pero malabo siguro na magustuhan ko siya at magustuhan niya ako." Tipid akong ngumiti kay Angel. Hindi lo pinahalata na malungkot ako.
"Bakit naman? Sa ganda mong yan posible na magustuhan ka niyan ni Kalix."
"Malabo yon. Saka diba yung papa ni Kalix ay boss ni papa. Mayaman sila kami mahirap lang.." mapait kong sabi.
"Hindi naman sa yaman nasusukat ang pagmamahal. As long as na gusto niyo isa't isa why not diba." Ngiting sabi ni Angel. Nakaramdam ako ng tuwa dahil sa sinabi niya.
"Kung magustuhan or mahulog ka kay Kalix huwag mo isipin yung mga bagay na nakakahadlang sayo para magmahal. Hindi mahirap magustuhan at mahalin ang isang Kalix Smith, matalino at gwapo ba naman."
"Bat ba sa kaniya napunta ang usapan natin," natatawa kong sabi. "Saka for sure hindi naman ako magkakagusto sa kaniya." Ayaw ko pang sabihin kay Angel na nagugustuhan ko na si Kalix kasi hindi ko pa sigurado kung gusto ko ba siya or hinahangaan ko lang siya.
"Basta sabihan mo 'ko ha pag may nagugustuhan kana dito," tumango na lang ako at ngumiti.
Napatingin ako banda sa kinauupuan nila Kalix at nagulat ako dahil nakatingin siya sa akin. Tumingin ako sa likod dahil baka hindi naman ako ang tinitignan niya. Pagbaling ko sa kinauupuan niya kita ko na nag iwas agad siya ng tingin. May kung anong parte sa katawan ko ang kinilig. Pero ayaw ko din na umasa baka umuwi lang ako ng luhaan.
Nakatingin lang ako sa harapan at kita ko ang pagtayo ni Kalix at ang kaniyang dalawang kaibigan. Habang nakatingin ako sa kanila biglang bumaling ang mata ni Daniel sa akin at kumaway, ngumiti na lang ako bilang pagtugon. Hindi na ulit tumingin banda sa akin si Kalix at dire diretso lang na lumabas kasama ang mga kaibigan. Lumabas na sila ng room, at tumambay sa labas, nainip siguro dahil wala kaming klase. Dahil wala din ako magawa inilabas ko na lang ang cellphone ko at naglaro ng offline games na dinownload ko.
Habang naglalaro nakaramdam ako ng pag ihi kaya binalingan ko si Angel para magpasama. Ngunit pagbaling ko ay busy siya sa pag cecellphone. "Ahm Angel labas lang ako naiihi na ako eh." Paalam ko sa kaniya. Bumaling siya sa akin. "Samahan na kita." Ngumiti ako at umiling. "Hindi na ako na lang," dali dali akong lumabas.
Pagkalabas ko kita ko sila Kalix at mga kaibigan niya na sila Daniel na nagtatawanan. Dire-diretso akong naglakad at bago ako makalalayo ay may biglang tumawag sa akin.
"Oh Athenna san ka pupunta?" tanong sa akin ni Daniel.
Huminto ako at lumingon sa kaniya. "Sa rest room."
"Ah ganon ba. Dalian mo na lang baka mamaya dumating na teacher natin." Tumango ako at ngumiti bilang pagtugon.
Agad kong hinanap ang cr at pagkapasok ko ay may dalawang babae na nagsasalamin. Hindi ko na sila pinansin dahil ihing ihi na talaga ako. Pagkalabas ko ng cr ay wala na yung dalawang babae. Inayos ko muna yung buhok ko at lalabas na sana ako ng may marinig akong nag uusap.
![](https://img.wattpad.com/cover/278932785-288-k982815.jpg)
YOU ARE READING
The Perfect One
RomanceI'm Jericha 20, 2nd year college student. I start making a story because I want to enhance my skills in writing, and to broad my imagination and ideas. I'm just a beginner, so i hope you guys bear with me. Thank you YISES! Start: July 26, 2021