Tapos na ang dalawa naming subject at uwian na. Ang iba ay lumabas na ng room at ang iba naman ay nag aayos ng kanilang mga sarili.
Habang nag liligpit kami ng gamit biglang lumapit sila Kalix.
"Oh Angel tara na at nang mapasyal na natin si Athenna," sabi ni Daniel.
"Tara na! Para mahaba haba oras natin mag bonding!" tuwang tuwang sabi ni Angel.
Tinignan ko si Kalix at nakita kong nakangiti siya habang nag cecellphone. Napasimangot ako na baka crush niya yung kachat niya. Pagtingin ko ulit sa kaniya nagulat ako dahil nakatingin na siya sa akin. Kaya bumaling na lang ako kila Angel at Daniel na nag uusap.
"Mag-eenjoy ka sa pupuntahan natin," ngiting sabi ni Angel.
Hinawakan ko sa braso si Angel at nagsalita "Excited na nga ko eh."
Lumabas na kami ng room at nasa likod namin ni Angel ang tatlong magka-kaibigan. Habang naglalakad nakaramdam ako ng tuwa dahil hindi ako nahirapan makahanap ng kaibigan dito sa bago kong school. Naisip ko tuloy ang aking mga kaibigan na nasa Baguio.
Nasa mall na kami nila Angel at namamangha ako dahil sobrang laki ng mall dito sa Manila.
"Tara na Athenna maglaro muna tayo don!" turo niya sa arcade. Ngumiti ako at tumango.
"Ano gusto mong laruin natin Athenna?"
"Ahmm doon sa basketball, shoot shoot tayo hehe," nagpunta kami don at masayang naglaro.
Tinignan ko si Kalix na naglalaro din sa basketball at napamangha ako dahil sobrang galing niya magshoot ng bola. Mas madami ang nakuha niyang ticket kumapra sa amin nila Angel at Daniel.
"Oh kalix mukhang expired ka ngayon ah? I mean inspired hehe," biro ni Angel.
"Oo nga no? Mukhang ganadong ganado ka maglaro. Samantalang ayaw mo sumama samin ni Lucas pagpupunta kami arcade," tawang tawa sabi ni Daniel.
Hindi nagsalita si Kalix at patuloy lang na naglalaro. Napaisip ako sa sinabi nila Daniel. Siguro may nililigawan na ito si Kalix kaya ganyan sila mang asar. Nalungkot ako bigla sa inisip ko.
Biglang lumapit sila Kalix sa amin. "Tara kanta tayo!" magiliw na sabi ni Angel.
"Okay lang ba sayo Athenna?" Tanong ni Daniel.
"Oo naman. Kahit saan niyo gusto ayos lang sa akin," ngiti kong sabi.
Nagbayad na si Angel sa counter at sabay sabay kaming pumunta sa room na itinuro ng lalake.
Magkatabi kami ni Angel at si Kalix naman ay nakaupo sa pinakagilid katabi si Daniel at Lucas.
"Sino unang kakanta?" tanong ni Angel. "Ikaw Athenna?" baling niya sa akin.
"Kayo na muna kumanta, nahihiya ako e."
"Sige ako na lang kakanta. Bare with me guys HAAHAHA," at nagsimula nang kumanta si Angel, at napamangha ako dahil ang ganda ng boses niya.
"Oh Daniel ikaw naman kumanta!"
Kinuha ni Daniel ang mic na inabot ni Angel. "Mic test, mic test," natatawang sabi niya.
Nakatingin lang ako sa harap at nakikinig. Biglang nagtayuan ang mga balahibo ko ng kumanta si Daniel.
Sa unang tingin, agad na nahumaling
Sa nagniningning mong mga mata
Ika'y isang bituin na nagmula sa langit
Hindi ko mawari ang taglay mong tinatangi
Sadya namang nakakabighani
'Di maipaliwanag ang nararamdaman (ooh)Habang kumakanta si Daniel ay napatingin ako sa gilid at pinagmasdan ang kabuuan ni Kalix. Mas lalo akong napatitig sa kaniya ng ituon niya sa akin ang kaniyang paningin. Napatulala ako sa ganda ng kaniyang mga mata. Ang dalawang ito ay nagkikislapan na para bang may maganda siyang napagmasdan.
Nakaramdam ako ng kakaiba sa aking tiyan, nagbigay ito ng kuryente sa aking katawan. Ngayon ko lang to naramdaman at iba ang epekto ng kaniyang titig na hindi ko naramdaman kahit dati pa. Gusto ko ng umiwas sa pagtitig sa kaniya ngunit parang kumokontra ang aking katawan.
Namumukadkad ang aking ligaya
Sa tuwing ika'y papalapit na
Hawakan mo ang aking kamay
Oh, Paraluman
Ika'y akin nang dadalhin sa
'Di mo inaasahang paraiso (hoo-hoo)
Palagi kitang aawitan ng Kundiman
'Di magsasawa, 'di ka pababayaan
Isasayaw kita hanggang sa walang hanggan...Biglang bumalik ang diwa ko nang matapos si Daniel kumanta. Napaiwas kami ng tingin ni Kalix at itinuon ko ang aking paningin sa harapan. Bigla ako nakaramdam ng hiya kahit alam ko naman na parehas kami nakatitig sa isa't isa.
![](https://img.wattpad.com/cover/278932785-288-k982815.jpg)
YOU ARE READING
The Perfect One
Любовные романыI'm Jericha 20, 2nd year college student. I start making a story because I want to enhance my skills in writing, and to broad my imagination and ideas. I'm just a beginner, so i hope you guys bear with me. Thank you YISES! Start: July 26, 2021