"Hindi na ba talaga natin mababalik yung dati?" sabi ng babae
"Yes. You cheated on me, didn't you? and why do you still want me to come back to you!"
Nagulat ako dahil kilala ko ang boses na iyon!
"I'm sorry for what I did to you. Please forgive me Kalix," naiiyak na sabi ng babae
"I have forgiven you for a long time, so can you please stop approaching me," seryosong sabi ni Kalix
"No! Alam kong mahal mo pa rin ako."
"I don't love you anymore." Sumilip ako kita ko na umalis na si Kalix. Hindi pa rin umaalis ang babae sa kinatatayuan niya at kita ko na umiiyak siya. Nakaramdam ako ng awa para sa kaniya.
Eto siguro yung nakuwento sakin ni Angel na nanloko kay Kalix. Hindi ko din naman masisisi si Kalix sa mga sinabi niya. Sino ba naman hindi masasaktan pag niloko ka ng taong mahal mo.
There are other people who when cheated and hurt they will still accept the person who hurt them because they love it. There are others that they will not accept again because they have been hurt. People have different meanings of love, others are blinded by love.
It's not bad to give a chance to the person you love, but when it's too much, you should stop. Let us not allow ourselves to be exhausted and have nothing left for us.
Naalala ko na may klase pa pala kami kaya dali dali akong naglakad. Nakaginhawa ako dahil wala pa ang teacher namin, akala ko malalate ako. Pumasok na ako sa room at umupo.
"Bakit ang tagal mo naman umihi?"
tanong sa akin ni Angel."Ah naligaw kasi ako," pag sisinungaling ko. Tumango na lang siya at hindi na nagsalita.
Dumating na ang teacher namin at hindi ako makapag focus dahil sa mga narinig ko kanina. Tumingin ako kay Kalix at napaisip na ang gwapo niya at matalino pa, pero nagawa pa ring lokohin. Nakaramdam ako ng awa para sa kaniya. Kanina habang nag uusap sila ng babae ramdam ko sa boses niya na nasasaktan pa din siya.
Minabuti ko na lang na makinig at mag focus sa lesson na itinuturo. Minsan ay tinatawag ako para mag recite ganun din si Kalix. Naalala ko bukas nga pala namin susuotin ang P.E uniform namin at magkagrupo kami ni Kalix sa mga activities na gagawin. Excited na 'ko para bukas at lalo akong mapapalapit sa kaniya.
Umalis na ang teacher namin at oras na para kumain. "May dala ka bang baon Athenna?" tanong sa akin ni Angel.
"Wala eh. Ikaw ba?"
"Wala din. Tara bili na tayo," aya niya sa akin.
Nasa loob na kame ng canteen at onti pa lang ang tao. Maaga din kasi umalis ang teacher namin kaya maaga din kami nakapag recess.
Bumaling sa akin si Angel. "Ano sayo Athenna?" tumingin ako sa kaniya. "Sandwich na lang akin tapos choc-O." Sabi ko sa kaniya at ngumiti.
Tapos na siya bumili at ibinigay niya na sa akin ang pagkain ko.
"Dito na lang tayo kumain tutal onti pa lang naman ang estudyante," tumango ako at umupo na kami. Habang kumakain kami, nagulat ako dahil nasa harapan namin si Kalix, Daniel at isa pa nilang kaibigan.
"Puwede ba kaming makishare ng table?" nakangiting banggit ni Daniel.
"Oo naman! Para naman kayong others," natatawang sabi ni Angel.
Bumaling sa akin si Daniel. "Okay lang ba Athenna?"
Tumango ako at ngumiti. "Oo okay lang."
"Eto kasing si Kalix ayaw tumabi dun sa ibang estudyante, kaya dito na lang kami sa inyo." Sabi niya at napakamot sa ulo.
"Alam mo naman yan si Kalix maarte," sabi ni Angel at nagtawanan sila. Ako naman ay tipid nakangiti
Nasa harapan ko si Kalix kaya hindi
ako makakain ng maayos. Ramdam ko nakatingin siya sa akin kaya naglakas loob akong tumingin sa kaniya. Bigla kong iniwas ang mata ko dahil nakatingin nga siya sa akin. Halo halo ang nararamdaman ko pag tinitignan niya ako. Para akong malulusaw.Nagulat ako ng bigla siyang nagsalita. "Hindi ka ba sasabay sa akin pag uwi?"
Tumingin ako sa kaniya at kita ko na naghihintay siya ng sagot. "Ahm hindi eh..." naiilang kong sagot.
"Diba nga aalis kami mamaya," singit ni Angel.
"San kayo pupunta?" tanong ni Daniel
"Sa mall. Kakain kami ni Athenna at ipapasyal ko na din siya. Hindi niya pa kasi kabisado itong lugar natin."
"Ah oo nga pala no. Puwede ba kaming sumama?" Nagulat ako sa tanong niya na iyon.
"Of course. Why not? Saka para hindi na din mailang to si Athenna sa inyo." Natatawang sabi ni Angel
Tumingin si Daniel kay Kalix. "Tara bro sama tayo."
Tinignan ko si Kalix at kita ko ang paglingon niya sa akin. "Sure," sabi niya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kaya nag iwas ako ng tingin sa kaniya.
"Btw Athenna eto nga pala si Lucas," turo ni Angel dun sa isang kaibigan ni Kalix.
Ngumiti ako at kumaway. "Pagpasensyahan niyo na si Athenna ginto kasi laway niyan kaya ayaw magsalita," biro ni Angel na ikinatawa naming lahat.
"Bro ang ganda ni Athenna no?" sabi ni Daniel. Nagulat ako kaya tumingin ako kay Kalix.
"Kanina ko pa kasi napapansing nakatingin ka sa kaniya," sabi niya at nakangisi.
"Shut up," sabi ni Kalix at binaling sa iba ang tingin.
Tinawanan nilang tatlo si Kalix. Nakaramdam ako ng saya, hiya, at kilig. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain habang sila ay nag kukwentuhan.
Tapos na kaming kumain at sabay sabay na kaming umakyat nila Kalix. Pagdating namin sa room wala pa halos ang iba naming mga kaklase. Siguro ay nagsitambay pa sila.
![](https://img.wattpad.com/cover/278932785-288-k982815.jpg)
YOU ARE READING
The Perfect One
RomanceI'm Jericha 20, 2nd year college student. I start making a story because I want to enhance my skills in writing, and to broad my imagination and ideas. I'm just a beginner, so i hope you guys bear with me. Thank you YISES! Start: July 26, 2021