CHAPTER 5

17 1 0
                                        


Nagpaalam na si sir para umalis at pumunta sa susunod niyang klase. Hindi siya nagturo dahil nga first day pa lang kaya nagbigay lang siya ng mga assignments at mga requirements na dapat naming dalhin para bukas.

Alas otso na ng umaga at hinihintay na lang namin ang teacher namin sa Oral Communication at siya ang magiging adviser namin. Habang kami ay nag iintay, ang mga iba kong klasmeyt ay busy sa pag cecellphone at pag kukwentuhan habang ako naman ay nakatingin lang sa labas at tinitignan ang bawat estudyante na dumadaan.

Napaayos ako ng upo dahil andiyan na pala ang adviser namin.

"Good morning class, sorry I'm late. Maybe you've already met each other?" ranong sa amin ni mam.


Tumango kami bilang pagtugon. Kumuha siya ng chalk at nagsulat sa board.



Biglang tumingin si mam sa harapan. "I almost forgot that I will be your advisor now until your grade 12. I, Ma'am Adelyn Rosario, will be your Oral Communication teacher."


Nagsulat ulit siya sa board at mukhang may election na naman na magaganap.



"So alam niyo naman na kung ano ang gagawin natin ngayon. Ayusin niyo ang pagboto at gusto ko na karapat dapat talaga ang inyong iboboto lalo na sa magiging president at vice president," seryosong sabi ni mam.



Tapos na magbotohan sa president hanggang secretary, ngayon naman ay sa muse & escort. Isa ako sa napiling maging secretary ngunit umayaw ako dahil hindi naman ako ganon kasipag, maganda lang (joke).


"Okay class the nomination for Muse and Escort are now open."


Tinitignan ko ang mga klasmeyt ko na nag iisip kung sino ang kanilang iboboto. Gusto ko sana inominate si Angel na katabi ko dahil ang ganda niya at bagay na bagay siya bilang muse.


Napansin ko na tumayo si Angel at itinuro ako. "I nominate Athenna Beatriz for muse." Ngiting ngiting sambit niya." Nagulat ako sa  sinabi niya at tumingin ako sa harapan at kita ko na nakatingin at nakangiti silang lahat sa akin, maliban kay Kalix na nasa harap lang ang tingin.



Biglang tumayo at nagsalita ang isa kong klasmeyt na babae. "The voting for muse is now close."


Andami nilang pwedeng iboto dahil madaming magaganda sa section namin isa na dun si Angel. Iboboto ko dapat siya kaso nahihiya ako dahil ako lang ang transfer dito.



Biglang nagsalita si mam. "Athenna Beatriz is our muse, so let's go to the escort."


Dahil sa sinabi ni mam bigla ako napatingin kay Kalix na chill lang na nakatingin sa harapan. Lahat ng mga klasmeyt ko ay nakatingin sa kaniya, mukhang siya ang maboboto sa escort.


May biglang nagsalita. "Ma'am wag na magbotohan si Kalix na agad ang escort," kinikilig na sabi nito.




Bumaling si mam kay Kalix. "Is it okay for you Kalix to be the escort of our section?" tumango naman si Kalix at biglang tumingin sa akin si mam. "Athenna is it okay for you to be a muse?"

Ngumiti ako kay mam. "Yes po Ma'am," nahihiya ako at kinakabahan dahil si Kalix ang magiging partner ko sa lahat ng events.


"Sure kayo na wala na kayong iboboto ha?" tumango naman silang lahat. "Athenna and Kalix are muse and escort ng section natin. So magkakaroon tayo ng Mr. and Ms. Intrams sa susunod na buwan kaya dapat kayong dalawa ay sumali para may pambato tayo sa ating section, at huwag kayo mag alala sa mga kakailanganin dahil andiyan naman ang inyong mga kaklase para tumulong," tumango kaming lahat.


Sa pangatlong line si Kalix nakaupo at kami naman ay nasa pang apat kaya nakikita ko siya mula dito. Napansin ko na may kausap siyang dalawang lalaki na katabi niya at sila ay nagtatawanan, mukhang mga kaibigan niya ito dati pa. Si Angel naman ay nakikipag usap din sa iba, minsan minsan kinakausap niya ako para tanungin kung okay lang ako.

Biglang lumapit si Angel sa akin at sumandal sa balikat ko. "Alam mo ba yang si Kalix kaklase ko na yan mula grade 9 at grade 10. Matalino yan lalo na sa math kaya minsan nagpapaturo kami diyan pag hindi namin alam, tahimik nga lang siya pero kapag kasama niya yung dalawang katabi niya puro tawanan sila. 5 yrs na sila magkakaibigan kaya hanga ako kasi pare parehas pa silang matalino at lagi silang nasa honor. Saka isa pa sobrang daming lumalapit kay Kalix na babae, syempre gwapo na matalino pa diba. Iniisip ko nga na ang swerte ng magiging gf niya," nakaramdam ako bigla ng selos (kala mo talaga kami na eh).


Tumingin ako kay Angel. "Wala pa bang nagiging girlfriend yan si Kalix?" Curious na tanong ko.



"Meron na dalawa, kaso nga lang yung huli niyang naging girlfriend hinawalayan niya kasi nakita niyang may kalandian sa park. Kalat na kalat nga yung balita na yun eh kasi famous sila sa dati naming school. Actually muse & escort nga sila nang buong school yun nga lang naghiwalay kaya simula nun ayaw na maging escort ni Kalix, kaya nagulat ako bakit pumayag siya na maging escort ngayon," nagtatakang kuwento niya.


Hindi ko alam kung makakaramdam ako ng tuwa dahil sa sinabi ni Angel na ngayon na lang ulit pumayag si Kalix na maging escort at ako pa ang partner niya. Bigla akong kinilig dahil doon.


"Ikaw ba hindi mo nagustuhan si Kalix?" tanong ko. Kinakabahan ako sa magiging sagot niya baka kasi gusto niya si Kalix.

Bigla siyang napailing. "No hindi ha, kahit na gwapo yan di ko nagustuhan yan di ko nga alam kung bakit eh." nakaramdam ako ng ginhawa sa sinabi niya. "Close kami niyan ni Kalix, napupunta ako lagi at mga kaibigan niya sa bahay nila dahil lagi kaming iniimbitihan ni tita, yung mama niya," nakangiting sabi niya.



Napatingin ako banda sa inuupuan ni Kalix at kita ko na nagtatawanan sila. Hindi ko maalis ang tingin ko sa mukha niyang mala anghel, ang ganda ng ngiti, ng mata at ng ilong full package na dahil matalino pa. Bigla akong nalungkot sa naisip ko na hindi niya ako magugustuhan dahil mahirap lang kame, amo pa ni papa ang tatay niya at hindi naman ako ganon kaganda sa mga naging ex niya pero okay lang atlis makikita ko siya palagi at mapapalapit ako sa kaniya.


The Perfect OneWhere stories live. Discover now