Prologue

704 13 2
                                    

Kung sakaling ikaw ay lalayo~ Dalhin mo na rin pati ang puso ko~

"P*tragess! Ang aga-aga nambubulabog!"

Inis akong bumangon at saka niligpit ang pinaghigaan ko bago pumasok sa banyo para maligo. Nang matapos na akong maligo ay nagbihis na agad ako ng school uniform bago lumabas ng kuwarto at tumungo na sa kusina.

"Good morning, mudra!" Masiglang bati ko kay mama na naghahanda ng almusal namin.

"Good morning clay-clay ko. Halika na rito at para makapag-almusal ka na."

Naupo na ako sa upuan ko at nagsimula nang kumain.

"Ayu, bilisan mo at malelate na tayo!" Nasa kalagitnaan kami nang pagkain ni mama nang marinig ko ang sigaw ng pinsan kong si Elle.

"Oh, nariyan na si Cristelle sa labas, teka at tatawagin ko," tumayo naman si mama at nagtungo sa labas.

"Maupo ka muna r'yan Elle, ha?" Ngumiti naman siya at tumango.

Binilisan ko na lang ang pagkain ko dahil ayaw niyan ang pinaghihintay siya.

"Tara na. Ma, alis na po kami." Paalam ko kay mama.

"Sige, mag-ingat kayo."

Naglakad na kami palabas ni Elle.

"Ang aga namang videoke 'yan. Hulaan ko, 'yan nagsilbing alarm clock mo 'no?" Tanong niya saka tumawa.

"Nakaka-b*wisit nga eh, panira ng panaginip." Sagot ko na ikinalakas ng tawa niya.

"Si Kreios na naman 'yan, 'no?" Tanong niya. Ngumiti lang ako.

"Kailan mo ba titigilan 'yan? Eh, alam naman natin pareho na si Nixie ang gusto niya,"

"Hayaan mo na kasi ako, bakit kasi hindi mo na lang ako suportahan?" Tanong ko.

"Paano kita susuportahan kung alam kong nasasaktan ka na?" Napatahimik naman ako sa sinabi niya.

"A-Ano ka ba, Elle! As long as hindi mo 'ko nakikitang umiiyak, hindi ako nasasaktan." Utal na wika ko.

"So? Hihintayin ko pang makita kang umiiyak para malaman kong nasasaktan ka na?"

"H-Hindi naman sa gano'n," nakatungong sagot ko.

"Ayu, bilang bestfriend at pinsan mo... ayaw na ayaw kitang nasasaktan, kasi kung nasasaktan ka, mas nasasaktan ako." Sambit nya.

"Sorry, pero masisisi mo ba ako? Hulog na hulog na 'ko kay Kreios eh," 

Bumuntong-hininga naman siya.

"Sige, pagbibigyan kita. Pero, once na makita kitang umiiyak dahil sa kaniya hindi ako magdadalawang-isip na sugurin siya."

Natawa naman ako.

"Seryoso ako, Ayumi, ha." Mataray na sabi niya.

"Thank you, Elle. Kaya love na love kita eh." Tawa ko, umirap naman siya.

Agad na kaming sumakay sa tricycle nang makarating kami sa sakayan. Mayamaya pa ay nakarating na rin kami sa school kaya naman agad na kaming nagbayad at agad na ring bumaba ng tricycle.

Papasok na kami ng room nang masalubong namin si Czavea.

"Oh? Nandito na pala 'yong magpinsang chaka." Maarteng usal niya.

Natawa naman ako.

"Chaka? Sinasabihan mo ba 'yang sarili mo?" Banat ko.

"How dare you?" Akmang susugod siya sa akin nang may magsalita sa likuran niya.

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon