22

112 7 0
                                    

Pagkatapos ng exam ay isang linggo na lang ay magsi-sembreak na kami. Kaya naman ang gagawin lang namin buong week ay magche-check ng mga papers. Pero sa ibang section ang che-checkan namin.

"Bakit iisa lang ang chine-checkan mo? Maduga ka, ah." Hinampas ko ang kamay ni Kenzo nang akma niyang ibibigay sa akin ang isang papel na chine-checkan niya.

"Eh, sa isa nga lang ang gusto ko, eh." ani ko.

"Dalawahin mo 'yang sa 'yo. Madaya ka, ikaw lang ang iisang chine-checkan." Inismiran ko na lang siya at hindi na lang pinansin.

"Ma'am! Hinay-hinay naman, mahina kalaban." Mahina naman akong tumawa. Ayan, buti nga sa 'yo. Papansin ka kasi.

"Ayumi, kunin mo na kasi itong isa." Iritadong sambit niya.

"Bahala ka. Ginusto mo 'yan eh." Natatawang sabi ko.

"Elle! Sa 'yo na 'to, oh." Hindi rin siya pinansin ni Elle kaya naman medyo lumakas ang tawa ko. Nandiyan kasi si ma'am kaya medyo lang.

"B*wisit talaga kayong magpinsan." Umiling na lang ako at pinagpatuloy na lang ang pagche-check.

Matapos kaming mag-check ay pinalabas na kami ni Ma'am para mag recess.

"Hoy, Kenzo! Hindi ka sasama sa amin?" Tanong ni Elle. Pero ang loko dere-deretso lang sa paglalakad na parang wala naririnig.

"Hayaan mo na 'yan. Pabebe masyado." Sabi ko at hinila na si Elle papuntang canteen.

Kapwa kami kumakain ni Elle nang padabog na tumabi sa amin si Kenzo.

"Oh? Akala ko ba hindi ka sasabay sa amin?" Takang tanong ni Elle sa kaniya.

"Akala ko kasi susundan niyo 'ko," sagot niya.

"Ano ka, gold? Uunahin ka pa namin kaysa sa nag-aalburuto naming tiyan?" Sabat ko saka sumubo ng carbonara.

"B*wisit ka talaga!" Muntik na akong mabulunan dahil sa biglang pagbatok niya sa akin.

"T*ngina ka! Bakit ka namamatok?! Epal ka." Sabi ko at malakas siyang binatukan.

"Tama na nga 'yan. Para na naman kayong mag-jowa na nag-aaway." Mabilis akong napangiwi sa sinabi ni Elle.

"Yuck! Kadiri! Magpapakamatay na lang siguro ako kung maging jowa ko 'yan." Nadidiring wika ko.

"Mas gugustuhin ko pang maging jowa ang pulubi kaysa sa'yo, 'no." Saad naman ni Kenzo.

"Ay! Pulubi pala ang nais mo?" Tumawa nang malakas si Elle kaya naman nakitawa na lang ako.

"P*tcha! Ewan ko sa inyo!" Inis siyang naglakad palayo sa amin.

Nagkatinginan naman kami ni Elle sa sabay na natawa.

"Lagot tayo," sabi ko habang tumatawa.

"Hayaan mo siya. Tignan mo bukas... siya rin ang lalapit sa atin."

Mabilis na naming tinapos ang kinakain namin at nang matapos ay bumalik na kami sa room.

Wala si ma'am ngayon kaya naman para na naman kaming nasa palengke.

"Ayumi, hindi ba marami kang alam na jokes?" Tanong ni Khairo.

"Hala? Sino sabi? Pero oo, kaso kaunti lang ang alam ko."

"Okay na 'yan. Tara rito sa harap." Mabilis naman akong tumayo at naglakad na papunta sa harap.

"Oh heto, bakit brown ang milo?" Nag-bakit naman sila. "Kasi, milopa." Natahimik naman sila.

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon