13

108 8 0
                                    

"Nakahanap ka na ng palaka?" Tanong sa akin ni Elle.

"May nakita ako kanina kaso biglang tumalon paalis." Sagot ko.

Bukas na kasi kami magda-dissect kaya heto kami ngayon naghahanap ng palaka na nakakalat sa daan.

"Hoy, anong ginagawa niyong dalawa?" Tanong ni Lorence.

"Naghahanap ng palaka para bukas," sagot ko.

"Samahan mo nga kami manghuli ng palaka, Rence." ani Elle.

"Ilan ba kailangan niyo?" Tanong niya.

"Tig isa kami," sagot ni Elle.

"Tawagin ko lang si Sindong. Magaling 'yon manghuli ng palaka eh," aniya saka naglakad paalis.

Pagkaraan ng ilang minuto ay dumating na si Lorence kasama ang kapatid niyang si Shaun.

"Hulian mo raw sila ng palaka. Tig isa sila." Sabi niya sa kapatid.

"Sige, wait a minute, kapeng mainit." Natawa na lang kami ni Elle sa sinabi niya. Daming alam, eh.

"Ano bang gagawin niyo sa palaka?" Tanong ni Lorence.

"Ida-dissect namin bukas," sagot ko. Tumango-tango naman siya.

"Tapos na naming gawin 'yan."

"Kayo nag-paralyze ng palaka?" Tanong ko.

"Hindi. Si ma'am Collante," sagot niya. Tumango na lang ako.

Tahimik lang kaming tatlo habang hinihintay si Shaun. Mayamaya pa ay nakita na namin siyang tumatakbo palapit sa amin.

"Ito na mga prince charming niyo, oh." Lokong bata 'to.

Nagpasalamat na lang kami sa magkapatid bago umuwi ng bahay.

"Anong gagawin mo sa palaka?" Tanong ni mama habang nakaturo sa hawak ko.

"Sa Science po namin." Sagot ko.

Inilagay ko sa malaking garapon 'yong palaka para hindi makawala.

Kinabukasan ay maaga kaming pumasok ni Elle. At halos lahat ng estudyanteng madaanan namin ay nakatingin sa hawak namin.

Kung makatingin 'tong mga 'to parang ngayon lang nakakita ng palaka. Wala bang palaka sa bundok? Tss.

Nang makarating kami ng room ay kaunti pa lang ang naroon at gaya namin ni Elle ay may dala rin silang palaka.

"Nga pala, Ayu. Alam ba ni Krieos na ikaw ang magdadala ng palaka niyo?" Tanong ni Elle.

"Oo, sinabi ko kagabi." Sagot ko.

Kinikilig nga ako kagabi eh.

Malapit nang mag bell at unti-unti na ring nagdatingan ang mga kaklase namin.

First subject namin ang science kaya nang mag-bell ay pinapunta na kaming lahat sa laboratory.

"Good morning, Lauan. Lahat ba may dalang palaka?" Tanong tanong ni ma'am. Nag 'yes' naman kami.

"Good. So, before we start, may I know if may absent ba?" Tanong ni ma'am.

"Wala pong absent, ma'am. Present po lahat." Sagot ni Karyl.

"Good. Now, go to your partners."

Lalapit na sana ako sa puwesto ni Kreios nang makita ko siyang naglalakad na palapit sa akin. Shuta! Paano kumalma?

Nakipagpalitan siya kay Joanne ng upuan. Nakatingin lang ako kay ma'am hanggang sa tuluyan na siyang maka-upo sa tabi ko.

P*trages, Ayumi. Kumalma ka nga.

"By the way, may dala ba kayong gloves niyo?" Tanong ni ma'am.

Natigilan na lang ako sa sinabi ni ma'am. Ang t*nga mo, Ayumi. Inuuna pa kasi ang landi, eh.

"Here," napatingin ako kay Kreios at may inabot siya sa akin na isang pares ng gloves. Nginitian ko na lang siya at nagpasalamat.

Nag-umpisa na kaming mag-dissect. Si Kreios na ang nag-paralyze ng palaka namin kaya no'ng lapitan kami ni ma'am ay namangha na lang siya nang makitang unat na ang paa ng palaka namin.

"Good job, Mr. Del Fuego." Puri sa kaniya ni ma'am.

"U-Uh... Ako na lang ang maggugupit sa balat ng palaka." Utal na sabi ko. Ayumi, umayos ka nga!

"Are you sure?" Tumango na lang ako saka kinuha 'yong gunting na pang gupit.

Bago ako mag simula ay itinali ko muna 'yong buhok ko para hindi sagabal. At nang matapos ay inumpisahan ko nang gupitin nang dahan-dahan 'yong balat.

At nang matapos ay iniangat ko na ang paningin ko kay Kreios para sana sabihin na tapos ko na kaso nagulat na lang ako nang makitang nakatingin siya sa akin. Agad akong nag-iwas ng tingin.

"T-Tayo pa lang ang natatapos?" Tanong ko.

"Of course. Hindi ka naman maarte sa paghawak sa palaka kaya mabilis tayong natapos." Sh*t! Kinikilig ako!

Hindi na lang ako umimik sa sinabi niya. Mayamaya pa ay lumapit muli sa amin si Ma'am Collante.

"Good job, Mr. Del Fuego and Ms. Takahashi kayo ang unang natapos. Dahil diyan kayo ang unang tatanungin ko." Sabi ni ma'am.

Tinanong ni ma'am kung saan 'yong lungs, small and large intestine, stomach, at heart ng palaka. Nasagot namin lahat kaya kami ang unang pinalabas ni ma'am.

Nagpunta ako ng cr para maghugas ng kamay. Bakit ganoon? Naka-gloves na nga ako pero ang baho pa rin ng kamay ko.

Nang makabalik ako ng room ay dumiretso ako sa upuan ni Elle para manghingi ng alcohol kaso ang bruha, hindi nadala 'yong alcohol niya. Lumapit naman ako sa upuan ni Kenzo para maghalungkat ng alcohol kaso pareho sila ni Elle, mga wala alcohol amp*tek.

"P*tcha! Mga walang alcohol!" Inis na sabi ko.

"Oh, alcohol," mahinang binato ni Kreios ang alcohol niya at buti na lang nasalo ko.

Nagpasalamat na lang ako sa kaniya bago ako maupo sa upuan ko. Kinuha ko na lang 'yong cellphone at earphones ko sa bulsa at nakinig na lang ng music.

"Nuga mwora haedo nan naya nan guenyang naega doega sipeo... I wanna be me, me, me..." mahinang pagkanta ko sa kanta ng itzy na wannabe.

"Gudi mwonga doel piryeneun eopseo nan guenyang nail ttae wanbyeolhanikka... I wanna be me, me, me..." tuloy ko.

Ilang sandali pa ay nagdatingan na rin ang mga kaklase namin kasabay si ma'am.

"Good job, Lauan. Pinabilib niyo talaga ako. Akala ko isa rin kayo sa sakit sa ulo gaya ng mga naunang section pero nagkamali ako. Kaya dahil diyan, may plus points kayo direct to the card." Naghiyawan ang mga kaklase ko sa sinabi ni ma'am. Napa 'yes' na lang ako sa utak ko.

Napaaga ang recess namin dahil wala 'yong teacher namin sa Math.

"Anong feeling ng makapartner si Crush?" Tanong ni Kenzo.

"Masaya syempre." Sagot ko.

"Nag-enjoy ka naman?" Tanong din ni Elle.

"Of course! Minsan lang mangyari 'yon kaya inenjoy ko na." Sabi ko saka malakas na tumawa.

Sabay silang umiling kaya naman pareho ko silang binatukan.

"Magtatanong-tanong kayo tapos gaganiyan kayo?" Inis na sabi ko.

Matapos kaming mag-recess ay bumalik na kaming tatlo sa room. Pagdating namin ng room ay sakto namang tumunog 'yong Bell.

Mabilis natapos ang dalawang subject namin at in-announce rin na half day lang kami ngayon dahil may pagmi-meeting-an daw ang mga teachers.

Next, next week na pala ang Foundation. Iyon siguro 'yong pagmi-meeting-an nila.

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon