24

109 7 0
                                    

Since wala akong magawa ngayon ay tinawagan ko si Elle.

["Gusto ko nang umuwi! Ayoko na rito!"] Mahina naman akong tumawa.

"Bakit na naman?"

["Nakakab*wisit si Jumong, eh! Ang epal niya masyado."] Sagot niya. Si Jumong 'yong may gusto sa kaniya sa probinsya nila.

"Anong ginagawa sa 'yo?"

["Sinabi niya kina mama na kami na raw. Like duh! Asa naman siyang papatulan ko siya."]

"Bakit kasi ayaw mo siya? Guwapo naman siya ah," pang-aasar ko.

["Hay nako! Guwapo nga, ubod naman ng yabang."] Malakas akong tumawa kasi naiimagine ko kung paano umikot ang mata niya.

"Alam mo ba kanina-" hindi niya ako pinatapos sa sasabihin ko.

["Hindi pa..."]

"B*wisit ka naman, eh!" Narinig ko naman siyang tumawa.

["Ano ba 'yon?"]

"Kanina kasi sinamahan ko si mama nag-deliver ng halaman sa bahay nila Kreios," ani ko.

["Oh tapos?"]

"E'di nagpaganda ako tapos pagkarating namin sa bahay nila... wala siya," sabi ko.

["Sayang effort mo sis!"] aniya saka tumawa.

"Siguro pinuntahan niya si Nixie, 'no?" Wala sa sariling usal ko.

"Malay mo," sagot naman niya, "Oh, 'wag kang iiyak ha?"

"Hindi ako iiyak, g*ga." Sabi ko.

Nag-usap lang kami nang kung ano-ano hanggang sa magpaalam na siya dahil may pinapagawa raw sa kaniya.

Maghapon na naman akong walang ginagawa kaya naman natulog na lang ako at nang magising ako ay naamoy ko na ang nilulutong meryenda ni mama.

"Mabuti naman at nagising ka na. Heto at kumain ka muna." Kumuha ako ng platito at kumuha ng dalawang maruyang naluto na.

"Masarap?" Tanong ni mama.

"Mainit po, ma." Sagot ko na ikinatawa naman ni mama.

"Bagong luto, eh."

Matapos akong kumain ay nagtungo na lang ako sa sala at nanood na lang nang kung ano.

~~~

Matapos ang halos dalawang linggong sembreak namin ay pasukan na naman.

Maaga akong nakagayak kaya naman ako naman ang nagpunta kina Elle para siya naman ang antayin ko.

"Naks! Ang aga mo, ah." Wika ni Elle na kalalabas lang galing banyo.

"Magbihis ka na roon." Saad ko at saka inirapan siya.

Nang matapos siyang magbihis ay nagpaalam muna siya sa mama niya bago kami lumabas.

"Malapit na pala pasko, 'no?" ani Elle.

"Saan kayo magpapasko?"

"Dito raw sabi ni papa."

Pagkarating namin sa sakayan ay naghintay pa muna kami ng isang pasahero bago umalis.

Mayamaya pa ay nakarating na rin kami sa school.

"Yumi! Elle! Hintayin niyo ako!" Napalingon kami ni Elle sa taong tumawag sa amin.

"Ano't nag-commute 'yan?" Takang tanong ni Elle, nagkibit-balikat naman ako.

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon