46

141 9 0
                                    

Simula noon ay palagi kaming nagkikita ni Kreios tuwing linggo, linggo lang kasi ang free time niya kaya ayon.

Okay na rin 'yon dahil start na rin ng klase kaya magiging busy na rin ako tuwing week days.

"So, kayo na?" Tanong ni Elle.

Kauuwi ko lang galing school at dahil medyo malapit lang naman ang bahay nila Elle sa school na pinagtatrabahuhan ko, dumiretso na ako rito.

"Hindi pa, tsaka hindi naman siya nagmamadali eh." Sagot ko, tumango-tango naman siya.

"Ay 'te! Si Czavea ito, 'di ba?" Pinakita naman niya sa akin 'yong picture na sinasabi niya.

"Siya nga, sikat na pala siya?" Nagkatinginan naman kami ni Elle.

"Hindi naman siya sobrang sikat, kung hindi ko pa nakita itong post na 'to hindi natin malalaman," sagot naman niya.

"Una na ako, Elle, marami pa pala akong gagawin." Paalam ko saka kinuha na ang mga gamit ko sa sofa.

"Nagpunta ka lang yata rito para magmeryenda eh," natawa naman ako sa sinabi niya. "Aba't napakagaling mong nilalang."

Naglakad na ako palabas at hindi na pinansin ang sinasabi niya.

Pagkarating ko sa apartment ko ay nagpahinga muna ako nang ilang minuto bago pumunta sa banyo para maligo. At pagkatapos ay in-open ko na ang laptop ko para gumawa ng PowerPoint para bukas.

Inabot akong ng ilang oras bago matapos 'yong tatlong PowerPoint, tatlong grade kasi ang hawak ko. Matapos 'yon ay isa-isa ko 'yong pinag-aaralan at nagsusulat ng p'wedeng maitanong.

Napahilot na lang ako sa batok ko nang matapos ko ang ginagawa ko at pagtingin ko sa oras ay alas otso y medya na. Ganoon ako katagal gumawa?

Since alanganin na ang oras para magluto ay napagpasyahan kong mag-order na lang. Ida-dial ko na sana ang number ng Jollibee nang may marinig akong kumakatok. Napakunot naman ako ng noo at naglakad na papunta sa pintuan at nang pagbukas ko ay nakita ko si Kreios.

"Oh? Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kaniya.

"Have you eaten?" Tanong niya, umiling naman ako. "Bakit hindi pa? Anong oras na oh," seryosong tanong niya, napakamot naman ako sa ulo ko.

"May tinapos pa kasi akong mga PowerPoint at hindi ko na namalayan 'yong oras, pero balak ko na sanang mag-order kaso dumating ka at... may dalang pagkain," sabi ko at napatingin sa hawak niyang pagkain.

Bumuntong-hininga naman siya. "Let's eat." aniya at naglakad na papunta sa kusina.

Sumunod naman ako agad sa kaniya at kumuha na ng mga plato.

"Tapos na trabaho mo?"

"Hindi pa, babalik pa ako roon mamaya pagkatapos nating kumain." Tumango-tango na lang ako sa sagot niya.

"Ako na ang maghuhugas nito bumalik ka na sa hospital." Sabi ko habang nililigpit 'yong mga pinagkainan namin.

Nakanguso naman siyang lumapit sa akin at saka niyakap ako mula sa likod.

"Mamaya na, let me hug you for a while." Agad namang nagsitayuan ang balahibo ko nang maramdaman ko ang mainit na paghinga niya sa leeg ko. "Naubos ang lakas ko sa mga pasyente kanina kaya magcha-charge muna ako." Parehas naman kaming natawa sa sinabi niya.

"So, ako ang source ng lakas mo?" Natatawang tanong ko.

"Yeah," sagot naman niya.

"Okay, pero hayaan mong tapusin ko muna itong mga huhugasan, okay?" Napabuntong-hininga naman siya bago humiwalay sa akin. "Umiglip ka na muna, doon ka na sa kwarto ko dahil maliit lang 'yong sofa, hindi ka magkakasya roon." Sabi ko, tumango na lang siya bago maglakad papunta sa kwarto ko.

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon