07

124 10 4
                                    

"Ang daya mo naman, Elle. Pumayag ka na kahapon eh," maktol ko pero nanatili pa rin siyang tahimik.

Kulang na lang ay umiyak at maglupasay ako sa harap ni Elle para lang ayain siyang manood ng chess.

"Elle, naman kasi, eh! Ang daya-daya mo. Hmp!" nag-walk out na lang ako dahil sa sobrang inis.

Nagpunta ako sa lugar kung saan mahihirapan silang hanapin ako at ang lugar na 'yon ang pinaka-ayoko. Ang library. Laging bukas 'to, may event man o wala.

Kahit na ayoko sa mga librong nandito ay kumuha pa rin ako ng librong p'wedeng basahin. Para naman may silbi 'yong pagpunta ko rito. Inumpisahan ko nang basahin ang librong nakuha ko na ang pamagat ay Te amo.

Halos tatlong oras kong binasa 'yong libro bago ko matapos. Maganda 'yong story niya. Nakilala noong babae 'yong lalaki sa spain at na inlove sa isa't-isa. Pero tutol ang mga magulang ng lalaki sa pag-iibigan nila kaya gumawa sila ng paraan para mapaghiwalay sila. Ipinagkasundo 'yong lalaki sa isang mayaman na dalaga na anak ng kaibigan ng mga magulang niya.

Dumating 'yong time na ikakasal na ang lalaki sa mayaman na babae kaya nang malaman ito ng babae ay sobra siyang nasaktan at muntik na niyang kitilin ang buhay niya, kung hindi lang dumating ang matandang amo niya.

Kinausap siya nito, ang sabi ay 'hindi sulosyon ang pagkitil ng buhay para lamang mapawi ang sakit. Tandaan mo, hiram lang ang buhay natin sa Diyos. Kaya wala tayong karapatang kumitil ng buhay. Kung nasasaktan ka lumapit ka lang Sakaniya, handa siyang makinig at damayan ka'.

Nahinto ang babae sa sinabi ng matanda. Sinabi nito kung gaano siya nasasaktan ngayon at kung gaano niya kamahal 'yong lalaki. At ang sabi ng matanda sa babae ay 'bakit hindi mo siya ipaglaban. Lahat ng kinakaharap natin ay isa lamang pagsubok. Katulad na lang sa pag-iibigan niyo, sinusubok lang ng tadhana ang pagmamahalan niyo. Kaya iha, 'wag mong ituloy ang pagkitil mo sa iyong buhay bagkus ay ipaglaban mo na lang ang taong mahal mo dahil sinasabi ko sa 'yo na habang buhay mong pagsisisihan na hindi ka lumaban'.

At dahil doon sa sinabi ng matanda sa babae ay nagpakatatag 'yong babae at ipinaglaban niya ang pag-ibig niya para sa lalaking iniibig niya. At sa huli, natanggap din ng pamilya ng lalaki 'yong babae at hinayaan na silang magmahalan.

"Ikaw na babae ka, kanina ka pa namin hinahanap nandito ka lang pala." Malakas na batok ang dumapo sa akin kaya tinignan ko nang masama si Elle.

"Pake mo?" Isang batok muli ang natanggap ko.

"B*wisit ka talaga! At saka, kailan ka pa nahilig sa libro?" Tanong niya habang nakataas ang kilay.

"Ngayon lang. After kong basahin 'to." Pinakita ko sa kaniya 'yong librong binabasa ko kanina.

"Tss. Halika na." Hinila niya na ako palabas ng library.

"Saglit lang. Ibabalik ko lang 'to." Binitawan niya ang braso ko kaya ibinalik ko na 'yong librong hiniram ko.

"Akala ko ba manonood ka ng laro ni Kreios?" Ngumuso na lang ako. Ngayon pa? Eh, malamang tapos na 'yon.

"Tapos na 'yon, shunga!"

"Ako pa ang shunga?" Inirapan ko na lang siya.

Naglakad na lang ako papuntang room. Pagpasok ko ay nagulat pa ako nang makita si Kreios sa loob ng room kasama mga kaibigan niya.

"Kailan ulit laban mo?" Tanong ni Zoren kay Kreios. So, siya ang panalo kanina? Ang galing talaga ng bebe ko!

"Sa Friday," rinig kong sagot niya.

"Ayumi Clayne Dela Cruz Takahashi! Tama bang iwan mo ako pagkatapos kitang hanapin?!" Napatingin sila Kreios sa amin ni Elle. Tawagin ba naman full name ko.

"Sino ba kasing may sabi na hanapin mo ako?" Tanong ko kaya galit siyang lumapit sa akin at malakas akong hinampas.

"Nakakab*wisit ka talaga! Kung hindi lang kita pinsan eh," sabi niya saka nag-walk out. Pagkatapos niya akong hampasin nang malakas sa harap nila Kreios, lalayasan niya ako? Unbelievable.

Hinimas ko na lang ang braso ko at hinayaan na lang siya. Ang sakit pa rin ng hampas niya. Feeling ko nabali 'yong buto ko sa lakas ng pagkakahampas niya.

"Oy, Yumi!" Nilingon ko si Kenzo na kapapasok lang ng classroom at hingal na hingal.

"Kailangan mo?" Walang-ganang tanong ko.

"Tawag ka ni Elle."

Pagkatapos niya akong hampasin sa harapan nila Kreios at talikuran, tatawagin niya ako? Manigas siya.

"Ayoko, kamo. Bahala siya sa buhay niya." Sabi ko at nag-cellphone na lang.

Tumakbo ulit paalis si Kenzo pero mayamaya ay nandito ulit siya.

"Ayumi, pumunta ka na kasi!" Iritadong sambit niya.

"Eh, sa ayoko nga eh. May magagawa siya?" Tumakbo naman siya palapit sa puwesto ko at mabilis akong binuhat na parang sako.

"Shuta ka, Kenzo! Ibaba mo nga ako! Ano ba, hoy! T*ngina mo ka!" pinagpapalo ko siya sa likod pero parang hindi man lang siya nasasaktan.

"Ganito dapat ang ginagawa sa mga taong mahirap kausap." Kinurot ko siya sa likuran kaya ibinaba niya ako.

"Kurot lang pala ang paraan para ibaba mo ako eh," umirap naman siya sa akin. Kaya tinawanan ko siya.

"Tss. Huwag ka ngang tumawa. Para kang pusa." At least cute.

"Ano naman? At least cute at maganda ako." Proud na sabi ko.

"Yuck! Nasaan ang cute at maganda?" Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko para suriin ang mukha ko. Agad ko namang hinampas ang kamay niya.

"Heh! Inggit ka lang kasi pangit ka!" Sabi ko at lumabas na ng classroom.

"Anong pangit? Eh, patay na patay ka nga sa akin dati." Napangiwi naman ako sa sinabi niya.

"Saan mo naman nakuha 'yang pangit na balitang 'yan?" Nadidiring tanong ko.

"Joke lang! Naniwala ka naman. Hindi ako pumapatol sa kaibigan, 'no."

"Same here." Tamad na tugon ko.

"Nasaan ba si Elle?" Tanong ko.

"Nasa garden,"

Sabay kaming pumunta ni Kenzo sa garden.

"Oh, nandito na pinsan mo." Agad namang lumingon si Elle sa amin.

Sinalubong niya ako ng yakap at nagulat na lang ako nang marinig ko siyang sumisinghot. Umiiyak siya?

"Hoy? Bakit ka umiiyak?" Natataranta na tanong ko.

"Sorry sa paghampas ko sa 'yo. Ikaw kasi eh!" Nagtaka naman ako. Bakit naging kasalanan ko?

"Ako pa ang may kasalanan ngayon?"

"Pinag-alala mo ako, g*ga ka! Akala ko may biglang dumukot sa 'yo. Iyon pala nasa library ka lang." Narinig ko ang mahinang tawa ni Kenzo pero hindi ko na lang pinansin.

"Sorry rin kung pinag-alala kita. Kasalanan mo rin kasi eh. Ayaw mo akong samahan manood ng game ni Kreios." Nakangusong sambit ko.

"Okay na kayo? Leche kayong dalawa, pinahirapan niyo pa ako." Parehas naming tinawanan si Kenzo.

"Sorry, Ken." Niyakap namin ni Elle si Kenzo para hindi na magtampo.

"Apology accepted. Pasalamat kayo mahal ko kayong dalawa." Mas lalo naming hinigpitan ang pagkakayakap sa isa't-isa.

This is the best trio I ever had.

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon