10

134 10 0
                                    

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa alarm. Pinatay ko muna 'yong alarm at chinarge na muna ang cellphone ko bago magligpit ng higaan ko.

Matapos akong magligpit ay dumiretso na ako sa banyo para maligo. At nang matapos ay nagbihis na ako bago tumungo sa kusina.

"Good morning, mama." Humalik muna ako sa pisngi ni mama bago maupo sa upuan ko.

"Good morning, clay-clay." Bati pabalik ni mama.

"Okay ka na?" Napaangat ako ng tingin kay mama.

"Opo, ma."

Hindi na nagsalita pa si mama kaya ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko.

"Ako na r'yan. Pumasok ka na at baka ma-late ka pa." Sabi ni mama nang akmang huhugasan ko ang plato ko.

"Sige po, ma. Magto-toothbrush po muna ako." Tumango na lang si mama kaya lumakad na ako papuntang banyo para mag-toothbrush.

"Mama, aalis na po kami!" Paalam ko.

"O'sige, mag-ingat kayo."

Wala kaming imik pareho ni Elle habang naglalakad papuntang sakayan. At nang makasakay na kami ay saka lang siya nagsalita.

"Okay ka na?" Umiling naman ako.

"Galit sa akin si Kenzo," sabi ko habang pinaglalaruan ang kamay ko.

"Hindi 'yon. Basta kausapin mo siya mamaya." Tinanguan ko na lang siya.

"Paano kapag hindi niya ako pansinin?" Tanong ko kay Elle habang naglalakad papunta sa tambayan nina Rafael.

"Subukan ka niyang 'wag pansinin, lagot siya sa akin." Napabuntong-hininga na lang ako.

Nang makarating kami sa tambayan nila ay nakita ko siyang nakikipag tawanan kina Rafa. Napatigil siya nang biglang magsalita si Rafa at itinuro kami ni Elle. Mabilis naman siyang nagpaalam kina Rafa at lumakad sa gawi namin.

"Ano ginagawa niyo rito?" Seryosong tanong niya.

Napalunok ako bago magsalita. Peste! Bakit ganito nararamdaman ko? Bakit ako natatakot sa kaniya?

"P-P'wede ba kitang maka-usap? 'Yong tayong dalawa lang," sagot ko.

"Sige, saan ba?" Lumakad na lang ako at nagtungo sa wala masyadong estudyante.

"Ano pag-uusapan?" Huminga muna ako nang malalim bago sumagot.

"Sorry. Sorry kung matigas 'yong ulo ko. Bati na tayo, please? Sorry talaga. Hindi ko maipapangako na hindi na mauulit 'yon pero susubukan ko. Huwag ka nang magalit sa akin." May tumulo muling luha sa mga mata ko kaya agad ako yumuko. Mabilis naman niya akong kinabig at niyakap nang mahigpit.

"Hush now. Hindi ako galit, nag-aalala lang ako sa 'yo, okay. Tahan na. Ayoko lang kasing nakikita kita ka or si Elle na umiiyak, eh. Prinsesa ko kayo eh, kaya ayokong nakikitang umiiyak kayo." Napayakap na rin ako sa kaniya nang mahigpit.

Thank you, God, dahil binigyan mo kami ni Elle ng ganitong kaibigan. Ang swerte ng magiging girlfriend nito.

"Ano, okay ka na?" Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at sabay na pinunasan ang luha ko. Tumango na lang ako sa tanong niya.

"Huwag ka nang iiyak ulit, ha?" Tumango akong muli.

"Good girl."

Nakaakbay siya sa akin habang naglalakad kami pabalik ng room. Pagpasok namin ng room ay sinalubong kami ng mga kaklase namin nang nakalolokong tingin. Shuta, ayoko ng nasa isip nila.

Make You MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon