"Lisa..." A very familiar voice whispered into my ear. I can hear a lot of voices mumbling.
"Please.. comeback." My head hurts. Those voices. I know them.
"Lisa! Gising!" Agad akong nabangon sa sigaw ni Nestor. Nanaginip nanaman ako. Pag tingin ko kay Nestor ay hindi ito mapakali.
"Lisa.." He called. I frown.
"Bakit?" I asked.
"Ang señorita.. " Agad akong kinabahan.
"Anong nangyare sa señorita?" Naguguluhang tanong ko.
"Nawawala ang señorita.." Mabigat ang mga paa kong tinungo ang casa. Para akong nabibingi sa lakas ng kabong ng dibdib ko.
Kitang kita kong nag kakagulo ang mga tao sa casa. Agad kong nilapitan ang señor na pabalik balik sa pag lakad.
"Señor.." tawag ko dito.
"Limario.. " tawag nito sa akin. Agad na lumapit si Louisa na halatang umiiyak.
"Señor.. kagabi ay ako ang nag hatid ng kanyang gamot. Kaninang umaga ay maaga itong gumising upang tignan ang mga halaman sa hardin." Paliwanag ni Louisa. Inihatid ko siya kagabi at alam kong ligtas itong nakapasok sa kanyang silid.
"Hindi umaalis ang señorita ng hindi ako kasama o si Limario." Mabagal ang naging pag hinga ko. Kita ko ang mga lalakeng tauhan ng señor na hinahalughog ang maliit na hardin.
"Señor! Wala po siya sa malaking hardin o sa asul na batis." Hayag ng isang lalake.
"Halughugin ninyo ang buong hacienda! Huwang kayong babalik hanggat hindi ninyo nakikita ang aking anak!" Utos ng señor. Kahit ang asawa nito ay hindi din mapakali.
"Limario.. may alam ka ba kong saan maaring nagpunta ang anak ko?" Tanong ng señor. Isang iling lang ang naisagot ko sa kanya. Mariin akong napapikit dahil sa pag kirot ng ulo ko.
"Señor! Ito po si Carding, may nakita daw itong sasakyan na umaaligid sa labas ng casa kanina." Saad ng isang lalake.
"Señor.. kaninang umaga po ay may nakita akong dalawang sasakyan na umaaligid sa labas ng casa. Alam ko pong sasakyan ng señorito Luico ang isa doon. Matagal po itong tumambay sa labas. Pag balik ko po ay wala na ito at narinig ko na nawawala na ang señorita." Paliwanag ng lalake.
Kinahapunan ay hindi pa din bumabalik ang señorita. Hindi ko na mabilang kong nakailang ikot na ako sa buong hacienda. Paubos na ang lakas ko ngunit hindi ako titigil sa pag hahanap. Dumating na din ang mga pulis kanina upang tumulong sa pag hahanap.
Bumalik ako sa hacienda upang kausapin ang señor. Isang tao lang ang pumasok sa isip ko na pwedeng dumakip sa dalaga.
"Señor.." tawag ko dito.
"Limario.. namumutla kana. Mag pahinga ka muna." Umiikot na ang paningin ko dahil sa pagod at gutom, isama mo pa ang nakakamatay na sakit ng ulo.
"Si Marco.. maaring may kinalaman siya sa pag kawala ng señorita." Saad ko.
"Papá! Totoo ba ang nabalitaan kong nawawala daw si Ruby Jane?" Hindi sumagot ang señor.
"Baka naman ay nakipag tanan na yun." Agad uminit ang ulo ko sa sinabi ng lalake. Buong lakas ko itong hinawakan sa kwelyo niya.
"May kinalaman ka ba sa pag kawala ng señorita?!" Taas boses na tanong ko dito.
"Bitawan mo nga ako! Ano bang sinasabi mo?!" Malakas akong tinulak nito.
"May nakakita daw ng sasakyan mo sa labas kanina!" Saad ko.
"Lucio... pag nalaman kong may kinalaman ka sa pag kawala ni Ruby Jane ay ako mismo ang papatay sayo." Hindi makapaniwalang napatawa ang lalake.
BINABASA MO ANG
You | Jenlisa
FanfictionLalisa Manoban, a 24 year old CEO of a multi-million dollar company. A cold hearted woman who only dedicates her life to her work. One day.. she will meet the woman in her dreams and it will change her life forever.. They say that your mole is where...