Chapter 2 :
"Valen,ilang steak ba ang nakain mo at nagkaroon ka ng eyebags?" Sarcastic na tanong ni Samael sa kanya na bahagyang nakatihaya sa couch ng penthouse niya.
"Ilang alak din ba ang nilaklak mo para magmukha kang sabog? Ayy! Hindi ka naman pala mukhang sabog dahil araw-araw sabog ka na" pangbabara niya sa kaibigan.
"Enough! Ang aga-aga eh nagdedebate na kayong dalawa,may mga problema ba kayo?" Inis na tanong ni Reav'n na kalalabas lamang ng kusina at inalis nito ang suot-suot na apron. Valen can cook too pero nasa mood ngayon magluto si Reav'n kaya hinayaan niya na lamang ito sa kanyang kusina at alam niya namang hindi siya kayang patayin nito sa lason.
Valen is friends with Reav'n For four years kaya marami ng alam ang dalawa sa isa't-isa while Samael is friends with them in three years pero komportable parin ang dalawa kahit three years palang nito naging kaibigan.
"Ako walang problema baka si Valen meron" ani ni Samael at umupo ng maayos. "Oww! Right! I remember,ano ang dapat mong ikukwento kagabi?".
Ngumuso ang binata saka tumingin kay Reav'n.
"I'm heartbroken,I want a hug" nginiwian siya ng kaibigan saka pinameywangan. "Eh kung hampasin kaya kita ng sandok?" Nawala ang nguso niya saka tumayo at pumunta sa inuupuan ni Samael at yumakap sa kaibigan.
Hinayaan lang niya si Valen na yumakap sa kanya dahil mannerism na ng binata ang pagyakap sa mga ito although hindi sanay si Reav'n kaya si Samael na lamang ang niyayakap niya.
"Hindi mo ako mahal! Buti pa ang hudas mahal ako" asik niya at binatukan siya ni Samael. "I only allowed you for hugging me cause you said your heartbroken right now so spill the tea Valen before Reav'n will burn your penthouse"
Kumalas siya sa pagkakayakap kay Samael at sinamaan ito ng tingin. "Ang sasama ng ugali,kitang-kita talaga na hindi niyo ako mahal".
Napahilamos g mukha si Reav'n saka umupo sa kaninang inuupuan ni Valen. "Sasabihin mo ba o mag-iinarte ka nalang dyan? Kapag hindi mo pa sasabihin ito talaga ang unang beses na lalasunin kita" naiinis na usal ng kaibigan dahil maikli lang ang pasensya nito kaya naman napakwento siya ng wala sa oras.
"Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig" kanta ni Samael. "Shut up Sam! nakakarindi ang boses mo!" Naiinis na talaga siya dito dahil kanina pa siya nito inaasar simulang dumating kaninang umaga.
"Dude,I'm not a love expert cause I'm a no string attached Man but I will just say this once. Follow your heart dahil alam kong wala ka namang utak" natatawang ani ni Reav'n at nakitawa na din si Samael.
Mas lalong sumama ang timpla ng kanyang mukha,bakit kasi nagbabasakali pa siyang matulungan siya ng kanyang mga kaibigan? Mga baliw ito at mga walang utak kaya hindi siya nito matutulungan.
Kailangan niya ng isang tao na may alam sa mga babae,Oww! Right! he has sisters! Silly brain ngayon lang gumana!.
"Eh ikaw ba Samael,ba't ka uminom kagabi ha?" Pang-iibang topiko ni Valen dahil ayaw niya ng pag-usapan ang tungkol kahapon,nagkibit-balikat si Samael na nakapagpataas sa kanyang kilay at napalitan ito ng ngisi.
"Ano? May napupusuan ba ang mahal naming Hudas? Sabihin mo lang at tutulungan ka namin" pang-aasar niya at inirapan siya nito. "Val,hindi babae ang problema niya" seryosong sabat ni Reav'n at mas lalong kumunot ang kanyang noo.
Imposible naman ata na hindi babae ang pinoproblema ng babaero niyang kaibigan,may nakita na ba itong katapat kaya nagkakaganito ito ngayon? Kung hindi babae ang problema nito eh ano?.
"Paano ko malalaman kung hindi sasabihin ng ugok na 'to?" Naniningkit-matang usal ni Valen. "Tinataboy siya ngayon ng Mama niya sa bermuda-triangle" natatawang sagot ni Reav'n at binato ni Samael ng throw pillow ang kaibigan.
BINABASA MO ANG
Kidnapped By Valen Grut - Trio Series #1
Romance10 years ago, Valen Grut was at the top of the Bachelor's Top List, raking in trillions every month. He seemed to have it all, but something was missing in his life. Everything changed when he met Liova Montrella, a mesmerizing young beauty. From th...