Chapter 13 :
Ilang araw na ang lumipas at ilang beses din kaming nagkita ni Valen,hindi ko alam kung coincidence ba yun o sinasadya niya talaga na magkita kami. Ano kaya ang problema niya? Okay sana kung coincidence lang kasi hindi naman yun namin sinasadya na magkita pero yung banggaan pa ako sa balikat,pakiramdam ko talaga hindi coincidence yun eh =_= ang attitude ng lalaking yun *pout*.
Ilang beses akong bumuntong-hininga,hindi parin mawala sa isip ko ang mga nangyare noong nakaraang araw. Pagkatapos niyang bumalik dito sa pinagtatrabahuan ko at pirmahan ang mga papeles agad siyang umalis,pagkahapon nakita ko na naman siya dito kasama ang dalawa at sa sumusunod na araw.
Ayoko mag-assume kaya hinayaan ko nalang ngunit hangga't tumatagal napapansin ko ang mga pasulyap-sulyap niya sa'kin at kung mahuli ko siya agad siyang umiiwas ng tingin na tila wala lang.
"Ang lalim ng problema natin bessywaps ah,sabihin mo sa akin at baka makatulong ang maganda mong gay frenny" litanya ni Dino at umupo sa kaharap kong upuan.
"Pagod lang yata ako" I lied.
Dino softened at tiningnan ako na nag-aalala.
"Ayan kasi masyado mong pinipilit ang sarili mo kahit pagod ka,for ten years Liova hindi ka parin nagbabago. Stubborn ka parin,kung ako naging Nanay mo baka mabatukan na kita"
Sumama ang timpla ng mukha ko dahil sa sinabi niya.
"Ayy! sorry,hindi ko sinasadya na mabanggit ang Mama mo"
Napabuga ako ng hangin saka tumayo sa aking kinauupuan.
"Magha-half day na muna ako,Dino" ani ko sa kanya habang kinukuha ang aking mga gamit sa locker.
"Oh sige,gusto mo bang ihatid na kita?"
Humarap ako sa kanya at umiling-iling.
" 'Wag na,kaya ko naman ang sarili ko"
"Sigurado ka?"
"Siguradong-sigurado" mabilis na sagot ko.
"Oh sige,mag-ingat ka sa pag-uwi"
Tumango ako sa kanya at lumabas na ng staff room,uuwi na muna ako at magpapahinga kahit saglit lang para kahit papaano mawala sa isipan ko saglit ang lalaking yun.
Ilang araw na siyang nagkakampo sa utak ko at kapag nagtagal gugusalian niya na ang ulo ko *pout*.
Mabilis akong nakarating sa bahay at matamlay akong pumasok sa loob,tinapon ko sa single sofa ang aking bag at nahiga sa mahabang sofa na kahoy,iidlip na muna ako at mamaya bibili ako ng makakain.
Ngunit makalipas ang ilang minuto hindi ako dinalaw ng antok,ano ba naman 'to? Kung kailan gusto kong matulog dun naman ako hindi dadalawin ng antok.
Umupo ako ng maayos at inilibot ang tingin sa loob ng aking apartment,loneliness can be heard on this room.
Ang tagal ko na palang mag-isa sa apartment na 'to,kung hindi lang sana kami iniwan ni Mama sana okay ngayon ang pamunuhay namin ng kapatid ko. Sana wala ako sa apartment na 'to at nag-eenjoy ako ngayon ng buhay ko but life is unfair.
Naghiwalay ang mga magulang ko,naiwan kami kay Papa,engage ako sa pinili niyang lalaki ngunit inagaw ng step-sister ko,he disowned me and for ten years naranasan ko ang kahirapan ngunit hindi ako nag-give up.
Nakilala ko si Dino at tinulungan niya akong magkatrabaho,tinulungan niya akong makakuha ng apartment na ito at naging kaibigan ko si Lixtus ngunit may kulang parin. Pakiramdam ko may kulang sa akin at hindi ko alam kung ano yun.
Tears fall on my cheeks,after a year ngayon lang ako ulit nakaramdam ng pangungulila sa Ina. Bakit kasi binanggit pa ni Dino yun kanina? Kung hindi niya yun sinabi edi sana hindi ko naalala ang mga nakaraan ko at hindi ko mararamdaman na nag-iisa ako although nandyan ang kapatid ko.
BINABASA MO ANG
Kidnapped By Valen Grut - Trio Series #1
Romance10 years ago, Valen Grut was at the top of the Bachelor's Top List, raking in trillions every month. He seemed to have it all, but something was missing in his life. Everything changed when he met Liova Montrella, a mesmerizing young beauty. From th...