Chapter 22 :
Liova was busy dahil madaming costumer ngayon sa shop nila at ganun din ang kaibigan niyang si Dino,gustong-gusto niya ng umupo sapagkat nangangalay na ang kanyang mga binti.
Natural na maraming tao ngayon sa shop nila,Christmas is coming at hanggang ngayon wala siyang maisip kung ano ang ibibigay sa kay Valen.
Speaking of Valen,ilang araw niya na itong hindi pa nakikita. Ni-hindi man lang tumawag o nag-text ang binata sa kanya,malamang subrang busy din ata nun kasi maraming flight na aayusin dahil nga maraming uuwi ng Pilipinas kapag Pasko upang makasama ang kani-kanilang pamilya.
LUNCH came at dinala siya ng kaibigan sa isang kainan,Dino was looking at her na parang may kakaiba sa kanyang mukha kaya tinanong niya ito.
"May dumi ba ako sa mukha?"
Dino shooked his head.
"Eh ba't ganyan ka makatingin sa'kin?"
Dino heave a sighed.
"Nakatulog ka ba ng maayos o may problema ka?" Diretsahang tanong ng bakla niyang kaibigan.
"Maaga akong natulog kahapon atsaka wala naman akong problema,ba't mo natanong?" Nakakunot-noo niyang litanya.
"You look pale bessywaps,kung hindi ko lang alam na walang may nangyari sa inyo ni Mr. Grut iisipin kong buntis ka kaya namumutla ka ngayon tapos minsan nakikita pa kitang palaging pagod tapos matutulog ka sa opisina ko" mahabang usal ni Dino na nakapagpatigil sa kanya.
Ngayon niya lang naisip ang mga ito, kung hindi pa nasabi ni Dino hindi niya maiisipan ang mga ito. Liova and Valen never used protection kaya abot langit ang kaba niya dahil sa sinabi ng kaibigan.
Liova doesn't know the symptoms of a pregnant woman that's why she doesn't have any idea if she's pregnant or not.
"Bessywaps! Nakikinig ka ba?" Tanong ni Dino na nakapagpabalik sa kanyang huwisyo.
"Sorry may iniisip lang ako" she replied. Itinukod ni Dino ang isang kamay nito sa kanyang panga at tiningnan ang kaibigan na nakaupo sa kabilang upuan.
"Hays,magpa-check up ka na kaya? Hindi mo alam baka may sakit ka na bessywaps. Nag-aalala ako para sayo atsaka okay na ba kayo ng kapatid mo? Nagpakita na ba siya?"
Umiling si Liova bilang sagot.
"Umuwi ka ng maaga mamaya para makapagpahinga ka agad tapos bukas 'wag ka na munang pumasok dahil sasamahan kitang magpa-check up"
"Dino okay lang ako,wala akong sakit at---"
"Shh! 'Wag ka na umangal,kumain na tayo" asik ni Dino nang makarating ang kanilang in-order.
Hindi na muli nakipagsagutan si Liova sa kaibigan bagkos itinuon niya na lamang ang kanyang atensyon sa pagkain ngunit hindi parin mawala sa kanyang isipan ang sinabi nitong pagbubuntis.
Wala siyang kaalam-alam sa mga ganitong bagay sapagkat wala siyang oras na tumingin at makinig sa mga ganitong topiko,she's a workaholic woman for ten years at hindi napasok sa kanyang isipan ang pagbubuntis.
Paano kaya kung buntis talaga siya? Ano ang magiging reaksyon ni Valen? Magiging masaya ba ito? Tatanggapin ba siya nito at ang bata?.
Maraming tanong na pumapasok sa kanyang isipan na nakakapagpasakit ng kanyang ulo.
PAGKATAPOS na pagkatapos na kumain ng dalawa agad silang bumalik sa shop ngunit hindi siya pinatrabaho ni Dino sapagkat pinapasok lamang siya sa opisina nito at pinagpahinga,makalipas lamang ang dalawang oras pumasok si Dino na dala-dala ang kanyang bag.
BINABASA MO ANG
Kidnapped By Valen Grut - Trio Series #1
Romance10 years ago, Valen Grut was at the top of the Bachelor's Top List, raking in trillions every month. He seemed to have it all, but something was missing in his life. Everything changed when he met Liova Montrella, a mesmerizing young beauty. From th...