Chapter 20 :
"Sana all nalang talaga may kayakap" bulong ni Samael habang sumisilip sa bintana.
"Tigilan mo na nga yan Hudas,lagot tayo kay Valen kapag nahuli niya tayong dalawa" asik ni Reav'n.
"Shh! Tumahimik ka nalang dyan at sabayan mo'ko" suway ni Samael sa kaibigan na naka-poker face sa kanyang gilid.
"Alam mo naman siguro na pwede kang kasuhan sa ginagawa mo diba?" Tanong ni Reav'n at pinag-krus nito ang dalawang braso.
"Oo alam ko kaya pinapatahimik kita" sagot ng kaibigan na hindi man lang tumingin sa kanya dahil abala ito sa kakasilip sa bintana.
"Suit yourself basta kapag nahuli ka 'wag mo akong isali,umandar na naman ang pagkamanyakis mo"
"Hindi manyakis ang tawag dito my friend,ang tawag dito ay observation"
"Saan mo naman yan nakuha aber?" Nakataas-kilay na tanong ni Reav'n sa kanya.
"Sayo" mabilis na sagot ni Samael at tumayo na ito ng maayos saka naglakad papalayo,sumunod sa kanya si Reav'n at hindi maitimpla ang mukha nito.
"At bakit naman sa'kin hudas? Wala akong natatandaan na nanilip ako at sinabi kong observation yun"
Bumuga ng hangin si Samael at nakapameywang na humarap sa kaibigan.
"Ang slow mo talaga,I'm being observant like you"
"Tsk! Iba ang observant sa paninilip Hudas" asik ni Reav'n.
"Yun ang nakalagay sa vocabulary ko eh"
"Ang sabihin mo umandar na naman yang pagkamanyakis mo Hudas"
"Okay-okay,whatever you say basta ang sa'kin lang nag-obserba lang ako nuh"
Natatawang sagot ni Samael sa kaibigan at pumasok sa kanya-kanya nilang sasakyan. Hindi alam ni Reav'n kung bakit sumama pa siya kanina sa plano ng kaibigan,ayan tuloy pakiramdam niya nanilip din siya kahit hindi niya naman ginawa.
NAKARATING sila sa Multipurpose kung saan sila palaging tumatambay at ito ang paboritong kitaan nilang tatlo.
"Siguradong matatagalan mamaya si Valen" ani ni Reav'n at bahagyang umupo sa sofang kahoy na nakapwesto sa gilid at sumunod si Samael.
"Hayaan mo na,makakaiskor yun mamaya"
"Ang bibig mo" suway ni Reav'n at pinanglakihan ng mata ang kaibigan.
"What? Nagsasabi lang naman ng totoo eh"
Napairap ang binata at hindi na lamang pinansin ang kaibigan.
"Sana all nalang talaga may kalampungan" wala sa sariling sabi ni Samael.
"Edi lampungin mo bebe mo,meron ka naman nun bakit dito ka nagrereklamo?"
"Galit na sa'kin yun,bigla-bigla nalang kasi akong umalis para sundan si Valen"
"Uso ang paalam muna bago umalis" masungit na litanya ni Reav'n at inirapan siya ni Samael.
"Ikaw kaya sa sitwasyon ko,sa tingin mo makakapag-paalam ka agad kung bigla ka na lang nag-utos atsaka inaalala ko din si Valen"
Reav'n nod. "May point ka but still I'm not agreeing with you"
"Psh! Arte. Ikaw ba?"
"Anong ako?"
"Kamusta ang love life mo? Nagkausap na kayo ni Samanta?"
"Kayo mag-usap kung gusto mo"
Samael chuckled. "Bakit parang galit ka? Ikaw kaya nakipag-break"
BINABASA MO ANG
Kidnapped By Valen Grut - Trio Series #1
Romance10 years ago, Valen Grut was at the top of the Bachelor's Top List, raking in trillions every month. He seemed to have it all, but something was missing in his life. Everything changed when he met Liova Montrella, a mesmerizing young beauty. From th...