Chapter 9

272 39 2
                                    

Chapter 9 :

SUMAPIT ang gabi at tinotoo nga ni Valen ang kanyang sinabi sa akin kaninang umaga na ibabalik niya na ako sa Pilipinas,tahimik akong pumasok sa private plane at naghanap ng upuan. Nang makaupo na ako ng maayos nakita ko siyang pumasok sa isang silid,teka! Ano naman ang gagawin niya dyan sa loob ng pinagda-drayban ng Pilot?.

Napailing-iling na lamang ako saka hindi na siya inisip pa,maya-maya lang nagsimula ng umandar ang eroplano at hindi parin siya lumalabas hanggang sa lumipad na ang eroplano. Makalipas ang ilang oras lumabas na si Valen,tanging ako lang at siya ang tao.

Wala man lang mga attendant dito,siguro ganito lang talaga ang mga private plane ng mga mayayaman. Hindi ko naman ini-expect na sa private plane kami sasakay,ang ini-expect ko ay sa public plane.

Napatungo ako ng magtama ang aming paningin,hindi ko kayang makipagtinginan sa kanya ng matagal dahil naaalala ko ang nangyare sa amin at nahihiya ako sa mga ginawa ko kahit hindi ko na matandaan kung ano ang mga pinanggagawa ko sa kanya noong lasing ako. Bakit kasi nagpadala pa ako sa pagka-guilty ko ng pinaghintay namin si Paulnyms? Syempre magi-guilty talaga ako kasi pinaghintay siya namin ng 2 hours and a minutes dahil gumala at kumain kami ni Valen kaya ininom ko yun.

Kung nandito kapatid ko baka kanina niya pa ako nabatukan at nasinghalan dahil sa kagagahan ko *pout*.

Napatingin ako sa pintuan ng bumukas ito at nagtama ang aming mga mata,tahimik akong napatungo. Hindi ko talaga kayang makipagtitigan sa kanya ng matagal at baka mahimatay ako,ayoko din namang mahimatay sa harapan niya nuh! Nakakahiya kaya nun.

Natigilan ako ng paghinga ng makakita ako ng magkaparis na sapatos sa aking harapan,nang iangat ko ang aking mukha nakatitig siya sa akin ng malamig.

"You need something?" Tanong nito na hindi ako nakasagot agad.

Snap!

"Liova" tawag niya sa aking pangalan na nakapagpabalik sa aking huwisyo at mabilis na umiling bilang sagot,tumango siya at umupo sa katabi kong upuan.

Dahan-dahan akong bumalik sa pagkakahinga at baka mahimatay nga talaga ako sa harapan niya,nakaka-pressure naman kasi kapag katabi siya nuh!.

Lalong-lalo na kapag may crush ka sa isang tao na katabi mo *pout* mas mabuti pang dun nalang siya sa loob ng silid ng piloto,nakakainis! Hindi ko magawa ang gusto ko kapag katabi ko siya!.

Nahihiya ako at baka mamali ako sa mga ginagawa ko at pagtatawanan niya ako,wait! Bakit ko ba iniisip ang mga yun? Wala na! baliw ka na Liova!.

"Ilang oras lang ang byahe at dadating na tayo sa Pilipinas pagkatapos nun ihahatid na kita sa apartment mo after that 'wag ka ng mag-alala hindi na tayo magkikita muli" mahabang litanya ni Valen,hindi ko inaasahan na ito ang sasabihin niya.

Pinag-isipan ko naman ito kanina pero mukhang alam niya na ang iniisip ko,nagpa-salamat na lamang ako saka hindi na umimik pa at sumandal sa upuan.

Napatingin ako sa bintana at pinagmasdan ang mga ilaw sa baba hanggang sa bumigat ang aking talukap at ipinikit na ang aking mga mata,nagising ako ng makaramdam ng pagyugyog. Sandali,asan ako? Ang naalala ko nakatulog ako sa upuan bakit nasa higaan na ako ngayon? Nakarating na ba kami sa Pilipinas?.

Dali-dali akong tumayo at lumabas sa silid at nakasalubong ko si Valen na bahagyang nagtitimpla sa kanyang tasa.

"Thirsty?"

Tumango lang ako bilang sagot at kumuha siya ng isang tasa at tumimpla ng gatas,pagkatapos niyang magtimpla inabot niya ito sa akin at agad ko naman itong tinanggap saka nagpasalamat at sumimsim.

Kidnapped By Valen Grut - Trio Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon