Chapter 12

229 31 0
                                    

Chapter 12 :

Lupaypay akong napahiga sa desk sa loob ng locker room ng mga staff,inaantay ko si Dino na dumating. Ngayon ang ikatlong araw at babalik na siya sa pagtatrabaho,nakakahiya na kasi kapag sa kanya nalang ako palagi hihingi *pout* sa dalawang araw kinapalan ko ang mukha ko.

Although nakapasok ako ng apartment ko dahil sa duplicate key ngunit wala naman akong makakain dahil nandun sa bag ko ang aking wallet. Nangalumbaba ako sa desk at ginalaw-galaw ang aking daliri.

Ang gwapo niya parin kahit ilang taon na ang nakalipas although mas matanda siya sakin ng five years,ganun parin ang ugali niya saka yung personality niya.

Wala pa ring pinagbago si Lix,Lixtus Guendell. Anak siya ng may-ari ng apartment ko,hindi ko inaasahan na bumalik na pala siya.

Ang sabi niya sa'kin one month lang siya dito tapos babalik siya agad sa ibang bansa para ipagpapatuloy ang kanyang career,sa bagay matalino naman siya eh. Subukan niya magpatayo ng firm,sigurado ako dadagsain yun ng mga kababaihan at mabilis siyang makilala dahil gwapo naman siya eh atsaka moreno pa ngunit moreno din naman si Valen pero bakit parang lamang siya kesa kay Lixtus?.

"Goodmorning!" Isang matinis na boses ang aking narinig na kakapasok lamang ng locker room ng mga staff,pinukol ko siya ng isang nakakamatay na tingin. Hindi parin ako makapaniwala na iniwan niya ang kaligtasan ko kay Valen kaya muntik ng mawasak ang dignidad ko sa penthouse na yun.

"Easy there bessywaps! Ang aga-aga may balak ka na agad akong patayin,here's your phone and your bag. Don't worry your welcome anytime,gotta go to work! Chop-chop" maarteng ani ni Dino saka iniwan ako.

Padabog kong kinuha ang cellphone saka ini-on ito,there was so many missed calls and text came from my little brother. Patay! Ihahanda ko na ang sarili ko para mamaya sa lecture ng kapatid ko at masasabunutan ko talaga itong si Dino,kasalanan niya kung bakit ako magdudusa mamaya sa bunganga ni Louise.

Tumayo ako sa aking kinauupuan saka inayos ang aking uniform at inilagay ang aking mga gamit sa aking bag bago lumabas ng silid at tumungo sa aking pwesto.

Sumapit ang hapon at oras ng umuwi,sakto ang pagtawag ni Louise. Sinukbit ko muna ang aking bag sa aking balikat at lumabas ng staff room.

"Hello,Louise" bati ko.

"Ate,I've been contacting you for three days! Asan ka ba?" Naiinis nitong ani,I secretly bit my lower lip.

"Pasensya ka na little brother ang dami ko kasing ginagawa tapos naiwan ko kay Dino yung cellphone ko kaya hindi ko nasagot agad ang tawag mo"

"Oww,sorry kung napasigaw ako. I was just so worried Big sis" Louise answered with a soft voice.

"Its fine,wanna go to dinner?"

"Pampalubag loob ba yan ate?"

I just chuckled and agree with him.

"Well,okay naman sa'kin. Ako ba ang pipili ng kakainan natin or ikaw?"

"Ikaw,ikaw naman yung lilibrehin ko eh" nakanguso kong sagot,sana hindi expensive cuisine ang kanyang pipiliin kung hindi good bye ipon ako waaaaah!.

"Hmm,wala akong maisip eh but I want Fried chicken right now. Can you cook it for me?! pretty please?! sige na Big sis pampalubag loob mo na yun"

Once again I chuckled,I'm very thankful that I have this clingy little brother.

"Okay,come to my apartment at ipagluluto kita. Don't be late atsaka siguraduhin mong hindi alam ng isa mo pang Big sis" natatawa kong ani.

"She's not my Big sis,you are only my big sis"

I can imagine now that he is frowning.

"Pfft! Wala namang masama kung tatanggapin mo siyang kapatid Louise"

Kidnapped By Valen Grut - Trio Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon