Epilogue :
Makalipas ang ilang araw halos hindi maipinta ang mukha ni Liova,Valen's was always busy at hindi na siya nito madalas na pinupuntahan. She keeps telling to herself na natural lang na maging busy si Valen dahil maraming empleyado ang umaasa sa kanya at marami siyang mina-manage na business kaya naman hindi niya nalang inistorbo ang binata sa ilang araw at nag-antay na lamang siya ng tawag o text nito.
Sometimes Valen called her pero saglit lang naman tapos kung magrereply naman ito sa kanyang text mga ilang oras pa o bukas pa sasagot ang binata subalit inintindi niya parin ito but somehow she felt lonely. She missed him pero ayaw niya naman itong istorbohin,ang hirap talaga kapag ang ka-M.U mo ay isang businessman at isa pang liscence pilot (;´༎ຶٹ༎ຶ').
Kailan kaya sila ulit magkakaroon ng oras ni Valen at mamasyal sila? Medyo halata na ang kanyang tyan subalit sinusuotan niya lamang ito ng mga baggy clothes kaya hindi parin masyadong halata. Ilang araw pa ang kanyang aantayin para sa araw ng pasko at masasabi niya na sa wakas ang isang malaking balita.
"Bessywaps!" Sigaw ni Dino na kakapasok lamang sa kanyang bahay at may dala-dala itong mga prutas.
"Ito na ang mga gusto mong kainin!" Masayang litanya ng kaibigan at lumapit sa dalaga na nakaupo sa sofang kahoy.
"Ba't ang dami ng binili mo? Baka masayang lang ang iba,Dino" asik niya.
"Binili ko na lahat nuh,alam mo naman---I'm the God mother kaya dapat lang na pakainin kita ng madami dahil gusto ko malakas ang baby mo kapag lumabas na para makarampa kami nuh!" usal ni Dino at pumosisyon na tila model sa harapan ni Liova.
"Pfft! Kakalabas pa lang niya pararampahin mo na agad? Yan pala ang plano mo? Paano kung lalaki ang bata?" Natatawang tanong ni Liova.
"Edi rampa parin! I can tutor your son how to play barbie bessywaps---you know me,I'm the queen when it come's to playing barbie" maarteng sagot ni Dino na ikinatawa ng dalaga.
"Hays! Kainin mo na nga 'to dahil alam ko parang aswang na yang bagang mo sa kakalaway" Dino said at inilabas ang mga prutas sa supot ng plastic.
"Grabe ka naman sa maka-aswang,mukha ba akong aswang sa paningin mo? Atsaka hindi pa kaya yan nahuhugasan" usal ni Liova habang matalim ang tingin sa kay Dino.
"Ayy! Sorry siztar,sandali lang po Mahal na preggy. Huhugasan ko lang itong mga pretes me" aniya at mabilis na tumungo sa kusina dala-dala ang supot ng plastic upang hugasan ang mga prutas.
Makalipas ang ilang minuto,bumalik na si Dino at nahugasan na ang mga prutas. Kumuha si Liova ng green apple at sunod niyang kinuha ang kutsilyo.
"Ako na ang babalat nyan" boluntaryo ng kaibigan subalit hindi siya pinansin ni Liova at siya na mismo ang bumalat nito.
"Ouch!" She hissed nang masugatan ang kanyang daliri. Nagmamadaling lumapit sa kanya si Dino at hinawakan ang kanyang daliri na may sugat.
"Jusko! Nakakalerke! Sabi ko naman kasi sayo na ako na" asik ni Dino.
"Kailangan nating sipsipin ang dugo bessywaps!" Dino shouted at handa na sanang sipsipin ang dugo na nasa kanyang daliri subalit mabilis niyang inagaw ang sariling kamay at inilayo sa kaibigan.
"Ako na" aniya.
Dino pouted. "Parang sipsipin lang naman eh"
"Ayokong magka-rabies" umiirap na sagot ni Liova at sinipsip ang sariling dugo na nasa kanyang sugat.
"Sa tingin mo,may nangyari kayang masama kay Valen?" Wala sa sariling tanong ni Liova matapos sipsipin ang daliri.
"Ano ba naman yang iniisip mo? Masyadong old fashioned,walang may nangyaring masama sa Papa ng baby mo nuh. I'm sure bessywaps his fine kaya don't overthink,busy lang yun sa trabaho at alam naman natin kapag hindi na busy yun paniguradong dito na yun kakampo sa bahay mo at halos hindi na umalis sa tabi mo" mahabang paliwanag ni Dino,which make her heart warmed.
BINABASA MO ANG
Kidnapped By Valen Grut - Trio Series #1
Romance10 years ago, Valen Grut was at the top of the Bachelor's Top List, raking in trillions every month. He seemed to have it all, but something was missing in his life. Everything changed when he met Liova Montrella, a mesmerizing young beauty. From th...