Chapter 26

243 11 0
                                    

Chapter 26 :

KASALUKUYANG nakapasok na sa loob si Valen at agad niyang hinanap ang kaibigan at kalalabas lamang ito ng silid,hapon na ngunit halatang bagong gising pa lamang ito.

"What do you want,Val?" Agad na tanong ng kaibigan saka naglakad ito patungo sa kusina na sinundan naman ng binata.

"Someone is making a plan to mess up Dino" panimula ni Valen,Reav'n's expression was bored at sumalin ito ng malamig na tubig sa baso.

"Let them mess him up" walang kagana-ganang sagot ng kaibigan.

"What?! Reav,alam ko na naistorbo ko ang tulog mo pero ayoko din namang madamay pa si Dino sa gulo" litanya ni Valen.

"Wala akong pakialam kung problema niyo yan,problema niyo yan. 'Wag niyo akong isali,wala ako sa mood para makipag-assassination 101 sa mga yan" Reav'n replied at ininom ang tubig na nasa kanyang baso.

Lumapit sa gilid niya si Valen at mahigpit na niyakap ang braso ng binata.

"Pretty please,kaibigan mo'ko diba? Hindi mo na ba ako mahal? Sige na. Tulungan mo naman ako" pamimilit niya sa kaibigan,Reav'n rolled his eyes at pilit na inaalis ang braso ni Valen na nakapulupot sa kanyang braso.

"Fine,I'll help but get your fucking arms off me" he hissed. Valen chuckled and pull his arms right away and give his bestfriend a kiss on the cheeks.

"Thank you!" Masiglang sigaw ni Valen ngunit hindi maipinta naman ang eksprisyon ni Reav'n na pinapahiran ang kanyang pisngi.

"Gross! Hindi ka ba nag-toothbrush?!" Sigaw ng kaibigan.

"Nakapag-toothbrush kaya ako nuh,pa-kiss nga ulit"

Reav'n dodge Valen as soon as he could dahil akmang hahalikan na naman siya nito sa pisngi,naiinis na tumakbo ang kaibigan sa kabila ng island counter at nagbabanta ang tingin nito kay Valen.

"Don't you even dare Horsie! Subukan mo lang at magkakalimutan na tayong dalawa!" Sigaw nito ngunit tinatawanan lamang ni Valen.

"Come on Reav,ngayon lang ako ulit nakahalik sayo. I miss you Mahal!"

"Tangina mo!" mabilis na sagot ng kaibigan at tumakbo palabas ng kusina,Valen can't stop laughing.

Bumalik ang kanyang kaibigan na may dala-dalang spray ng alcohol at agad siya nitong pinaliguan.

"Fuck! Pispis,mukha ba akong bacteria sayo?!" He hissed. Reav'n pursed his lips.

"Oo kaya kailangan kong mag-ingat,umalis ka na nga" pangtataboy nito sa kanya.

"But---"

"Alis na,ako na bahala sa pinapagawa mo,masyado ka ng kumakalat sa penthouse ko. Get out,you're disturbing me" pamumutol ng kaibigan at kinaladkad na siya nito palabas ng penthouse.

May sasabihin pa sana siya ngunit agad siya nitong pinagsarhan ng pintuan kaya nakangusong umalis si Valen. Pupunta nalang siya ngayon kay Liova,total ibinigay niya naman lahat ng kanyang trabaho ngayon sa kanyang sekretarya na si Carla.

Even without him,he knew that his company will live.

PASIPOL-sipol na naglalakad si Valen patungo sa kanyang pinarkingan nang biglang may humila sa kanya,mabilis nitong inilapit ang mukha but Valen managed to put his palm right away on his mouth kaya hindi natuloy ang binabalak nang humila sa kanya.

He pushed her away from him at napalitan ng galit ang eksprisyon ng binata.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Sigaw niya sa subrang galit,kung hindi siya mabilis sa pag aksyon baka lumapat na ang nakakadiring labi nito sa kanya.

Kidnapped By Valen Grut - Trio Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon