Chapter 18 :
Kinabukasan,malapit ng mag-alas sais at handang-handa na si Liova. Inaantay niya na lamang ang binata na dumating upang masimulan na nila ang kanilang unang paglabas.
Umupo si Dino sa kanyang tabi at hinawakan ang kamay nito.
"Bessywaps,kalma lang okay? Magiging okay ka mamaya. Just be yourself" ani ng kaibigan at tinap ang kamay niya.
"Salamat Dino,kinakabahan talaga ako" honest niyang sagot sa kaibigan,hinaplos-haplos ni Dino ang kanyang buhok.
"Naiiyak ako,dalaga na ang bessywaps ko" mangiyak-ngiyak nitong ani.
"Gaga! Tumigil ka nga"
"Bakit? Totoo naman ah,nagdadalaga ka na oh. Makikipag-date ka na at sa isang Valen Grut pa,'wag mo akong kalimutan sa kasal ah. Dapat---"
Naniningkit ang mata ni Liova na tinakpan ang bunganga ng kaibigan.
"Ano ang pinagsasabi mong kasal? First date pa lang kaya 'wag kang O.A Dino ha,gusto mo ikaw nalang papuntahin ko?" Naiinis niyang tanong at mabilis na inalis ng kaibigan ang kanyang kamay.
"No! hindi ako makakapayag na hindi ka pupunta nuh! This is what you were waiting for!" Matigas na sagot ng kaibigan ngunit inirapan niya na lamang ito dahil masyado nang umaapaw ang utak.
Mabilis na napatayo si Liova nang makarinig siya ng ugong ng sasakyan,lumapit ang dalaga sa bintana at sumilip. Kakalabas lang ni Valen at bahagya pa nitong inaayos ang sarili,malapad ang ngiti ni Liova na humarap sa kaibigan.
"Nandito na siya" she spoke kasabay nang pagkatok sa pintuan ng kanyang apartment.
Nagmamadaling lumabas si Dino at maya-maya lang bumalik na ito kasama si Valen,he looks so good,so handsome,so yummy on that black tuxedo.
"Hi" bati niya sa binata na bahagyang titig na titig sa kanya. She can feel that her cheeks are getting heat,Valen always make her blushed kahit sa simpleng titig lang naman nito.
"You look beguiling" ani ng binata at inilahad nito ang kanyang kamay.
"Shall we?"
Malugod na tinanggap ni Liova ang kamay ni Valen at pinahawak siya nito sa braso ng binata in a manner way,she likes how Valen was so gentle.
How she wish that this will happen everyday in the future.
"Mr. Grut ingatan mo ang kaibigan ko ha,wala akong pakialam kung kaibigan ka ng Big Boss namin kapag pabayaan mo yan mamaya. Talagang makakatanggap ka sa'kin ng sabunot" malditong litanya ni Dino.
Valen chuckled. "Walang problema,makaka-asa kang hindi ko siya pababayaan"
"Mabuti naman,oh siya sige umalis na kayo at ako na ang bahala sa apartment mo bessywaps. Call me kapag inaway ka ng morenong fafi na 'to"
Tumatawang tumango-tango si Liova at naglakad na sila patungo sa pintuan,lumingon muna siya saglit kay Dino at malaking thumbs up ang ibinigay sa kanya nito na ikinangiti niya ng malapad.
Pagkapasok ng kotse,agad na nilang nilisan ang lugar. Curious si Liova kung saan ba siya dadalhin ni Valen,isusurprisa ba siya nito? Dadalhin na naman ba siya ni Valen sa isang magandang lugar? How romantic!.
She want to know where they are going kaya naman nagtanong siya sa binata.
"Valen,gusto ko sanang itanong kung saan mo ako dadalhin"
The car was silent and a moment later,Valen spoke.
"Secret" he shortly replied with a smile na nakapagpabigay ng excitement sa katawan ni Liova.
BINABASA MO ANG
Kidnapped By Valen Grut - Trio Series #1
Romance10 years ago, Valen Grut was at the top of the Bachelor's Top List, raking in trillions every month. He seemed to have it all, but something was missing in his life. Everything changed when he met Liova Montrella, a mesmerizing young beauty. From th...