PL 2

8 4 0
                                    

---


"Ayos na nga sabi ako, ate. Please, ayoko dito sa hospital."

"Pero, Andi, malala na ang sakit mo. Mas lalala iyan kung hahayaan mo lang! Tignan mo nga ang sarili mo, oh! Halos hindi na kita mamukhaan noong naabutan kitang nakahandusay sa sahig. Pumayat ka ng sobra at parang wala ka ng dugo sa kaputlaan mo. Maawa ka sa sarili mo, Andi."

Ngumiti ako. "Wala na akong makitang rason para patuloy na mabuhay at lumaban. Gusto ko na ring magpahinga, ate. Pagod na ako."

Hinawakan niya ang kamay ko at hinigpitan ang hawak roon. "Ano ang nangyari bago ako dumating? Naabutan ko ang Mama mo sa labas. Namumula ang mata niya. Nagkausap na ba kayo?"

Binawi ko ang kamay ko. Tinapik ko ang itaas ng palad niya. "Okay lang naman. Nag-alala lang. Nagkausap kami pero sandali lang. Hayaan mo na 'yon."

"Sigurado ka ba? Alam na ba niyang may sakit ka? At may taning pa! Alam mo, kung hindi siguro ako pumunta sa bhaus ay hindi ko pa malalamang may taning ka na pala! Nakakainis ka! Guiltyng guilty tuloy ako!"

Tinakpan niya ang mukha gamit ang mga kamay at umiyak. May tao pa palang nag-aalala sa akin. Pero pakiramdam ko ay hindi pa ito sapat upang tulungan ko ang sarili ko. Nang dahil sa ginawa ni Mama kanina ay mas lalo akong nawalan ng gana. Mas lalo kong gustong makamit ang ninanais na mamahinga na. Pagod na pagod na ang puso ko.

"Please, ate..." tinanggal ko ang kamay niyang nakatakip sa mukha. Bumubuhos pa rin ang luha niya.

"I want to spend my remaining days at home. Gusto kong bumalik sa amin at doon na datnan ng oras ko. Gusto kong mapag-isa. Gusto ko ng kapayapaan. Gusto kong umalis na pinatawad na ng puso ko si Mama." Nangingilid na ang luha ko kaya umiwas ako ng tingin. Tumingala ako sa puting kisame ng kwarto ko at bahagyang natawa.

"Buong buhay ko ay pinapagod ko lang ang sarili ko sa paglakwacha at pagtrabaho. Puno ng poot ang puso ko, ate. Pagkatapos ng pagkikita namin ni Mama kanina ay napagtanto kong mahal ko siya. Sa kabila ng pag-iwan niya sa akin, mahal ko pa rin talaga siya."

Pinunasan ko ang luhang tumakas. Bumaba ang tingin ko kay ate Karing at humihikbi na siya habang nakayuko.

"Babalik ako sa kung saan ako nagmula. Babalik ako sa lugar kung saan ako nabuo. Babalik ako para sa kapayapaan ng puso ko, ate. Hayaan mo ako, please. Nagmamakaawa ako. Ayokong makulong sa ganitong lugar."

Umiyak siya ng umiyak. Walang pasubali siyang lumabas ng kuwarto. She's been a sister and a bestfriend to me. Nasasaktan rin ako dahil nasasaktan siya para sa akin at alam niyang hindi niya mababago ang desisyon ko.

Sa susunod kong buhay, gusto ko siyang maging totoong kapatid. Naramdaman ko rin kasi sa kanya ang kalinga ng isang kapamilya.

"Mag-ingat ka, ha? Araw araw akong tatawag. Kung may kailangan ka, sabihan mo lang ako. Pupuntahan kita kaagad."

Tumango ako at naunang kumalas sa yakap. "Salamat, ate. Sa lahat lahat. Sobrang dami mong naitulong sa akin na hindi ko na alam kung paanong susuklian."

"Ano ka ba! Walang kapalit ang mga iyon. Pero, sigurado ka bang hindi na kita ihahatid sa inyo mismo? Luma na ang bahay ninyo, hindi ba? Edi, maglilinis ka pa?"

Umiling ako. Hindi na kailangan ang mga 'yon. Ang lilinisin ko na lang ngayon ay ang eksistensya ko sa mundong ibabaw. Sisiguraduhin kong pagmulat ng mga mata ko bukas ay wala nang sakit na mararamdaman.

Sinaulo ko ang mukha niya. Maganda si ate Karing. Morena at matangkad. Kumikinang ang mahaba at diretso niyang buhok. Mahilig mag make up si ate Karing. Kahit ngayon nga ay nilagyan niya ako ng kaunting lip gloss at pinulbosan. Nilugay ko lang ang manipis ko ng buhok dahil isang maliit na hawak lang dito ay parang binabasag na ang ulo ko sa sakit.

The Well (Parallel Love)Where stories live. Discover now