---
Tulala kong pinagmamasdan si Mama na pinupunasan ng bimpo ang katawan ko. Hindi ko na maaalala kailan iyong huling beses na ginawa niya ito sa'kin. At kung kailan ganito kalapit ang mukha niya. Nakikita ko na ang iilang kulubot sa gilid ng mata niya at sa noo. Lumalim rin ang mata niya saka may kaitiman ang ilalim. Mukha siyang pagod. Naka turtle neck long sleeve siya kahit mainit ang panahon kaya nakikita ko ang mga pawis na tumutulo sa noo niya. Pero sa kabila ng mga kulubot sa mukha at pagod...maganda pa rin siya tignan. Elegante.
Nakita ko sa mga litrato niya dati na maganda talaga siya kahit noong bata pa. Lalo na nung mag dalaga. Sabi pa nga nina Aleng Diday na habulin daw ng lalaki si Mama pero si Papa lang daw ang kayang magtiis ng ugali niya at ang nanatili sa kanya. Sinagot rin siya ni Mama noong nasa College pa lang sila. Hindi sila nakapagtapos dalawa kasi maagang nabuntis si Mama. Siguro mga nasa Second Year sila sa College nung magtanan silang dalawa kasi hindi tanggap ng pamilya ni Papa si Mama.
May chismis daw kasi na kumapit lang daw si Mama kay Papa dahil sa pera. Pero hindi ako sigurado. Si Mama lang ang makakapagpatunay. Siya naman kasi ang nagmahal, hindi ang mga chismosang 'yon.
Nilibot ko ang tingin sa loob ng kuwarto. Luma, maakalikabok, walang buhay, at pang horror. Ito ang master's bedroom ng luma naming bahay. Nandito pa pala kami. Ibig sabihin, nasa likod lang ng bahay ang balon. I suddenly felt uneasiness.
"Buong gabi kang nasa loob ng balon." Napalingon ako kay Mama. Seryoso pa rin siyang nagpupunas sa kanang braso ko. Hindi ko alam kung saan magugulat. Kung sa biglaan niyang pakikipag-usap sa akin na parang walang nangyari sa nakalipas na mga taon o ang sinabi niya.
Sige, doon na lang sa sinabi niya. "Po? Buong gabi?" Kung iisipin, dapat nga akong magulat dahil sa naaalala ko ay tatlong araw akong nasa misteryosong lugar na 'yon.
"Mabuti na lang at binisita ka ni Diday kaninang madaling araw."
"Siya po ang nakakita sa akin?"
"Oo..." nilagay niya ang bimpo sa basin na nakapatong sa cabinet sa gilid at piniga, "...nagtaka siya kung bakit walang ilaw sa bahay, e, kararating mo lang naman."
Tumango ako. Nilapat niya muli ang bimpo sa kamay ko. "Ang isa mong braso." Utos niya. Hindi mahinahon o nakaka touch. Utos lang. Winaksi ko ang iniisip at inabot sa kanya ang braso ko sa kabila para mapunasan niya rin.
Pinagmasdan ko siya. Walang ekspresyon ang mukha niya. "Hindi niyo ho ba ako papagalitan?" I asked her, out of nowhere.
Natigilan siya nang ilang sandali ngunit hindi nagtaas ng tingin. Nagpatuloy rin siya sa ginagawa. "Bakit ko gagawin 'yon?"
"Dahil sa pagtangka kong..." lumunok ako, "...pagpapatiwakal."
Bigla siyang tumawa nang mahina. "Hindi. Mahirap ituwid ang utak ng mga mahihinang tao. Masasayang lang ang laway ko." Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko inasahang ganoon ang sasabihin niya sa akin.
"Po?"
Tumigil siya at nagbuntong-hininga saka binalingan ako. Ngumiti siya. Ngiting hindi na pamilyar sa akin. Iba na ang ngiti niya ngayon. May kakaiba na rin sa mga mata niya. Mga matang katulad ng kay Fred---Andi!
Umiling-iling ako. Nakabalik ka na sa mundo mo kaya dapat ay hindi mo na iniisip ang mga taong 'yon, Andi. Tsk.
Pero kagaya ng mata ng prinsipeng 'yon, may sinisigaw at nililihim na hindi mailabas, ganoon ang nakikita ko sa mga mata ni Mama. Ano kaya ang nangyari sa kanya sa mga taon na kasama niya ang bago niyang pamilya?
"Hindi mo kakayanin ang mga sasabihin ko sa'yo kung sakali dahil mahina ka..." natigilan ako, "...baka tumalon ka ulit sa balon sa sobrang sakit ng mga salitang matatanggap mo mula sa'kin. Kaya mas mabuting huwag na." Tumayo siya at nilagay ang bimpo sa basin. Hindi ako nakapagsalita. Natulala ako sa puwesto niya kanina.
YOU ARE READING
The Well (Parallel Love)
FantasyDo you believe in love? Do you believe in another universe? A love found in a parallel world. Their parallel love will conquer boundaries and beliefs. Into her new world, will she be able to fulfill her sudden mission to save a legacy? Will there...