PL 20

1 1 0
                                    

---

"Malapit na ho tayo," ani Rosette.

Tumango ako habang nasa labas ng bintana ang tingin. Nakatulala lang ako sa tabing ilog. Ani Mang Kanor ay sundan lang namin ang ilog na ito dahil konektado ito sa ilog na naroon sa tabi ng bahay ni Manang. Ibig sabihin, ito 'yung ilog na binagsakan ko bago ako makabalik sa amin.

Kaya siguradong sigurado na akong may kung ano'ng nangyayari. Magic? Enchantment? Ewan. Basta hindi na ito biro. Seryosohan na 'to.

Sa hindi malamang dahilan, biglang pumasok sa isip ko si Frederick. Ang prinsipeng 'yon...bakit kaya siya umatras nang makita niyang pabagsak ako sa tubig? Totoo kayang takot siya? O duwag lang 'yon?

Ang judgemental ko talaga. Judgemental ako, okay? Lahat naman siguro tayo. Mukha lang akong perfect pero hindi. Nagkakamali rin.

Sinandal ko ang ulo sa bintana habang nakatingin pa rin sa labas. Inaantok na ako.

"Kamahalan? Inaantok ho ba kayo?" rinig kong tanong ni Rosette. Tumango ako.

"Naku, Kamahalan! Labanan niyo ho muna ang antok ninyo. Kailangan makabalik rin tayo sa palasyo ngayong gabi."

Ngumuso ako at lumingon sa kanya. "Hindi ba puwedeng kina Manang muna tayo matulog ngayon? Kahit tatlong oras lang na tulog tapos balik agad tayo. Promise!"

"Pero mag-uusap pa ho kayo ni Manang, Kamahalan. Marami kayong pag-uusapan kaya siguradong dadatnan tayo ng hatinggabi rito kaya mahirap na po kung dito pa tayo magpapalipas ng gabi. Pasensya na po pero kailangan talaga natin umuwi ngayong gabi."

Nagbuntong-hininga ako at tamad na tumango. "Sige na nga."

"Pasensya na po talaga," nahihiyang pagsabi niya. Ngumiti ako nang tipid sa kanya. "Naiintindihan ko naman."

Unti-unting bumagal ang takbo ng karwahe kaya napatingin kaagad ako sa labas. Nanlaki ang mata ko nang makita ang pamilyar na bahay sa kabilang bahagi. Kay Manang Rosita iyon!

May ilog sa pagitan namin kaya siguradong kailangan pa naming tawirin iyon patungo sa kabila.

Binuksan ni Mang Kanor ang pinto ng karwahe at kaagad akong lumukso pababa. "Kamahalan!" bumaling ako kay Rosette.

Mahinhin na rin siyang bumaba habang nakahawak sa kamay ni Mang Kanor upang alalayan siya sa pagbaba.

"Bakit?"

"Iwasan niyo na ho ang ganoong mga bagay. Baka mapahamak kayo," nag-aalala niyang tugon.

"Ha?" ano'ng ibig niyang sabihin?

Nakalapit na siya sa akin."Yung palukso-lukso niyo po tapos patakbo-takbo, iwasan niyo na ho. Bilin sa akin ni Manang na kapag gumising na kayo ay ako muna ang magbabantay at mag-aalaga sa inyo."

Tipid ulit akong ngumiti. "Hehe, okay. Sorry." Yumuko siya nang kaunti bilang tugon.

Bumalik ang atensyon ko sa harap. "Paano nga pala tayo makakatawid diyan?"

"Sa pamamagitan ho ng taong nagbabantay kay Manang ngayon," awtomatikong lumiko ang ulo ko paharap kay Rosette.

"May nagbabantay kay Manang?"

"Opo," humarap siya sa ilog at saka nilagay ang dalawang daliri sa gitna ng bibig at pumito.

Dalawang beses niyang ginawa iyon. Lumipas ang limang segundo at walang nangyari. Ang agos lang ng tubig sa ilog ang naririnig at ang malamig na hangin.

"Uh---" hindi natuloy ang sasabihin ko dahil may biglang lumitaw na maliit na liwanag mula sa kabila.

Kung titignan mula sa malayo para iyong apoy na lumulutang, pero hindi. Dahil habang papalapit nang papalapit ang mumunting ilaw sa tapat ng ilog kung saan may liwanag ng buwan sa itaas, naaninag ko ang isang lampara na hawak ng isang...malaking bulto ng tao.

The Well (Parallel Love)Where stories live. Discover now